"Hoy dude!!" Uminom lang ako. Malay ko ba kung iba yung tinatawag nun. Iinom ulit sana ako ng may bumalibag sakin ng cap ng beer."Takte!! Ano?!"
Nakangising mukha ni Isaac ang nakita ko. Tss laging nakangisi, kaya napagkakamalang adik eh.
"Susunod na yung kanta mo" Sabi nito.
"Tangna mo! Pakamatay ka nang punyeta ka!"
Ang dami dami ko na ngang nagastos, may natengga pa akong lakad. Tss tumawa lang ito at hinalikan si Violet. Nakangiting hinawakan naman ni Violet ang pisngi ni Isaac para sa mas malalim at matagal na halik. Diring diri akong tumalikod.
Walang Forever!!
Mag be-break din kayo!!
Salubong ang kilay na tumingin ako kay Rizza na kanina pa kumakanta. Hindi pa yan umuupo mula kanina. Yung boyfriend nga nya hindi na kinaya at naupo na dun. Nag thu-thumbs up at palakpak na lang.
Sumandal ako sa upuan ko.
"The higher I get The more I miss the ground No safety nets Now you're not around"
"I have to keep walking To keep me from falling down"
Kanta nito na sumasayaw sayaw pa. Hindi ba sya napapagod?
"Feels like I'm walkin' on a tightrope My heart is in my throat .I'm counting on high hopes to get me over you. And I've got my eyes closed. As long as the wind blows
I'm counting on high hopes to get me over you, you""'Cause I'm a man on a wire, on a wire
I'm a man on a wire, on a wire
'Cause I'm a man on a wire, on a wire
'Cause I'm a man on a wire, on a wire"Pumalakpak ang tropa. Pumalakpak din ako. Maging bayad man lang sa libreng performance nito.
"Dude!! Dapat maka 90 pataas ang score mo dyan ah!! Kundi, maglalabas ka ulit ng isa pang case ng beer!!" Sigaw ni Isaac sakin. Tss parang ang layo layo naman nya.
Tuwang tuwa naman ang tropa. Oo sila lang.. tss.
"Ipapalamon ko sa inyo lahat ng alak sa mundo, hanggang sa pumutok yang mga atay nyo! mga putek kayo!!"
"Whahahaha kanta na!!"
"Kakanta na yan! Kakanta na yan"
Paulit ulit na sabi nila.
"Oo! Pakyu kayong lahat!!"
"Hahahaha"
Pumunta na din ako doon sa may lintek na videoke. Nakangiting inabot sakin ni Rizza yung microphone.
"Galingan mo!!" Sabi pa nito. Tumatalon talon pa yan. Naka direct line ba ito sa meralco? Hindi napapagod eh!
"Oo na. Maupo ka nga dun, nahihilo ako kakatalon mo dyan!" Naupo naman yun.
Tinignan ko yung videoke. Nagsimula na pala.
"Putek! Paano ba ito?! Di ko to alam!"
"Hahahahahahaha"
"Bobo!! Babasahin mo lang! Di ka marunong?!"
"Tagalog naman yan! Haha hindi ka lalamunin!"
"Tss Tarantado kayong lahat!" Sigaw ko.
Nakakainit sila ng ulo sa totoo lang. Hindi ko nga alam itong kanta na to! Putek na yan!
"Whahahahaha"
Hinarap ko na lang yung Videoke. Mas mainam pa na kantahin ito kesa makita ko pagmumukha ng mga abnoy. Mamemenopause ako ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Teen FictionIsang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Pero paano kung dahil sa pustahan na iyon ay makilala nya ang taong mamahalin nya hindi ng pitong araw...