Day One - I

10.3K 215 1
                                    


Hilong hilong pumunta ako sa higaan ko para matulog. Salita naman ng salita yung tropa ko. Sino nga pala itong naghatid sakin? Si Alex? Si Charles? Si Elli?

"Dude! Uwi na ako ah.. Basta bukas ah.. Birthday ni Gerald.. Dating gawi ah.. Ano?". Sabi nito.

Tumango tango ako kahit hindi ko naman ito naiintindihan. Naririnig ko naman ito pero sadyang gusto ko ng matulog. Naglakad na ito palabas pero nagsalita muna.

"Labas na ako ah.. basta bukas ah.. 7 am sa 7/11 .. geh goodnight! Love you dude! hahaha takte lasing na talaga ako, di nga pala tayo talo! whahaha basta labas nako" Tatawa tawang sinarado nito ang pinto.

Gunggong!

Kusa na ding pumikit ang mata ko ng maramdaman kong mag isa na lang ako.

-------

Kring Kring Kring

Arrrrrrrrrgggg

Kring Krin-

Pinatay ko na iyon at pumikit ulit.

Ang sakit ng ulo ko. Uminom nga pala kami kahapon. Shit wala akong maalala! Kanino nga bang idea iyon? Bumangon na ako at tinignan ang cellphone ko. May tatlong text.

'Thanks last night babe

-Trixie'

Number lang. Napakunot ang noo ko dito. Trixie? Wala akong kilalang Trixie at anong last night pinag sasabi nito?

'Hey dude. Ready my Gift'

Kay Gerald naman galing yun.

Gift?

Tsk!

Bakit?

Birthday mo?

Iiling iling na nag scroll down pa ako para sa isang message.

'Late ka na takte haha'

Galing naman iyon kay Isaac.

Late?

Tsk

Ako ang boss sa trabaho ko.

Mayroon kasi akong talyer.

Sarili kong talyer.

Kaya I'll never be late.

Bumangon na ako at naligo.

Nawala na din kahit papaano yung sakit ng ulo ko dahil na rin sa ininom kong gamot kanina. Kaya pakanta kanta pa ako habang nag bibihis.

Bumaba na din ako pag katapos.

"Boss Goodmorning" Tumango lang ako dito.

Mayroon akong 20 na tauhan.

May kalakihan kasi itong talyer na ito at madaming customer. Perfect location and perfect management.

Naka short akong bumaba at t-shirt na puti. Kung titignan. Para akong model ng talyer na ito. Pero ako ang pinakamagaling na mekaniko dito. Hindi lang halata. Looks can be deceiving, totoo yan.

Matagal na akong may hilig sa kotse pati sa pagkukumpuni ng mga iyon. Pagkatapos kong makatapos ng High School nag take ako ng vocational para sa dimploma. Formality lang dahil magaling pa nga ako sa nagtuturo sa amin nun. Well, may natutunan din naman ako..

'Yung nag e-exist talaga yung prof o instructor na pormahang estudyante.'

Kung may bayad nga lang yung mga sandali na nganga sya sa mga tanong ng mga classmate ko at ako ang nagpapaliwanag para sa kanya baka mayaman pa ako ngayon kay Bill Gates.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon