Hindi pa tumutunog ang alarm clock ko ay pinatay ko na yun. In-off ko na din iyon kasi maaga akong aalis at hindi ko na iyon mapapatay mamaya. Sa totoo nyan ay alas tres pa lang ay gising na ako. Hindi na ako makatulog.Pinaulit ulit ko sa utak ko ang mga naganap. Habang nagtatagal ay mas lalo akong nagu-guilty.
Pride ang dahilan. Nakikita ko na kasi ang mangyayari sa aming dalawa balang araw.. at aaminin kong hindi ko iyon gusto. Ang maging under.
Ano na lang ang sasabihin ng mga abno kong tropa? Hindi na nila ako patatahimikin pag nangyari yun. Kaliwa't kanang pang aalaska ang matatanggap ko.
Pero mukhang hindi mo na yun kailangan intindihin dahil mukhang malabo na yung future na maging kayong dalawa.
Oo sige lang peste ka! Ulit ulitin mo yan, tinamaan ng lintik ka.
Bumangon na ako para pumunta sa cr at maligo. Isang oras din ang nagamit ko bago nakababa ng bihis na bihis na papunta sa office.
"Boss.. Ang aga mo ah.. Saan punta?" Tanong ni Cindy. Alas sais pa lang kasi ng umaga. Wala pa nga ang mga trabahador dahil alas siyete pa ang pasok nila. Si Cindy ang taga bukas ng talyer. Alas sais pa lang ay andito na talaga sya.
Marahil napansin nya ang mood ko. Hindi kasi maalis sa isip ko yung nangyari kahapon.
"Boss.. may problema ba?"
"Wala.. ok lang ako. Ikaw na bahala dito ah. Tawagan mo na lang ako pag may problema" Tumango lang naman ito kahit na nag dududa.
"Sige boss. Ingat po kayo. Kung ano man yan, malalagpasan mo din yan boss. Good luck"
Ngumiti ako sa kanya. Na appreciate yung sinabi nya. Dere-deretso na ako sa kotse ko at napahinto ako ng madaanan ko ulit yung flower shop noong babaeng nakakatakot. Nagtatalo ang isip ko kung bababa ba ako o mag tutuloy tuloy na kila Maxine.
Nanginginig na bumaba ako. Ewan ko ba. Feeling ko kailangan kong pumunta dito.
"Nagbalik ka". Bungad nito sakin. Bakit ba kasi ganun syang magsalita? Hindi normal eh. Parang may sapi.
Tinignan ako nya pansamantala bago sya lumapit at malungkot na ngumiti sakin.
"Normal lang yan. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan."
"Ayokong iwan nya ako".
"Hindi ka nya iiwan kung hindi mo sya bibigyan ng dahilan."
Ngumiti ako ng malungkot.
"Mukhang nabigyan ko na sya kagabi haha" Sabay tawa ko pa ng mapakla.
"Lahat tayo nagkakamali. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi na natin iyon pwedeng itama." Kinuha nito ang isang puting rosas.
"Pwede ko na ngayong ibigay ito sa'yo. Basta't kalimutan mo na yung larong sinimulan mo." Abot nito sakin nun.
"Hindi pa huli ang lahat"
With that tumalikod na sya.
Maliliit ang hakbang na lumabas ako sa flower shop na iyon. Iniisip ko yung sinabi ng babae. Hawak hawak ko yung rosas.
Tumingala ako sa langit. Mukhang nakiki ayon pa ito sa pagdadalamhati ko.
Sumakay na ako papunta kila Maxine bago pa ako maabutan ng ulan.
Pagka park na pag ka park ko ay bigla naman nagsimulang umulan. Nagtatalo ang isip ko kung bababa ako ng sasakyan o magpatila muna. Ilang minuto na ngunit mas lalo lang iyong lumalakas.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Teen FictionIsang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Pero paano kung dahil sa pustahan na iyon ay makilala nya ang taong mamahalin nya hindi ng pitong araw...