"Ah maxine". Lumingon naman sya na nakangiti bago tumaas ang isang kilay. Hindi sa paraan ng pagtataray. Kundi sa paraan na nag tatanong."Uhmmm kasi kagabi.. uhmmm kanina pa lang umaga.. alas tres nagising ako tapos.. tapos andoon yung nanay mo" Huminto muna ako para makita ang ekspresyon ng mukha nito. Seryoso lang.
Minustra nya na ituloy ko yung kwento.
Wag na lang kaya?
"Uhmm narinig pala nya tayo kagabi. Ewan ko kung ano yung narinig nya. Tinanong nya ako kung may relasyon daw ba tayo. S-sinabi ko.. na.. meron.. hehe". Kabadong tawa ko pa. Hinihintay ko na sigawan nya ako pero wala.
"H-hindi ka g-galit?" Tanong ko dito while silently praying na sana no ang sagot.
"Bakit naman ako magagalit?" Tanong pa nito na parang wala lang yung sinabi ko.
"Sinabi ko na.. Alam na ng nanay mo" Sabi ko.
"Oh eh ano naman? Totoo naman na may relasyon tayo. Ikaw nga buong pamilya mo yung sinabihan mo tungkol satin kahit wala pa naman tayong relasyon.. naiintindihan mo ba? Walang problema yun. Tara na?" Aya nito. Nakangiting kinuha ko ang kamay nito at bumaba na kami.
"Good Morning po" Bati ko sa nanay nya.
"Magandang umaga din". Naupo na kami sa lamesa.
"Kumain na kayo" Sabi nito.
Pagkatapos kumain ay nag pa alam na din ako. Tumawag kasi si Cindy. May konting problema sa talyer.
"Sige bye.. Ingat ka.. I .. I .. I will miss you.". Nakangiting lumingon ako sa kanya. Pasakay na kasi sana ako sa kotse ko.
"Mamimiss din kita." Sabi ko. Pagkatapos ay mabilisang hinalikan ko sya sa labi.
"Bye bye" Sabi ko pa bago mabilis na pinaandar na yung kotse. Baka mag taray na naman kasi.
Nang makarating sa talyer ay nakita ko doon si Mr. Neal. Nawala tuloy yung mga ngiti sa mukha ko.
Anong ginagawa ng gagong ito dito?
Pinark ko na agad iyon at binigay ang susi sa pinaka unang taong nakita ko.
"Paki linis" Sabi ko dito.
Tumango lang iyon.
"Miss Walker" Sabi nito.
"What are you doing here?"
"We need to talk" Umiling ako.
"We don't. All I need is for you to leave."
"But I have a new offer".
"An offer that I don't wanna hear". Pumasok ako sa office ko.
"Nasa'n si Danny?"
"Hindi po pumasok"
"Putek naman oh!!". Lumabas ulit ako. Andoon pa din si Mr. Neal.
"Just hear me out" Sabi nito.
"Why would I? When you don't do such thing yourself? How many times do I need to tell you that I'm not doing this business because of the money Mr. Neal? That's why I don't need any of your offers. I don't need your money. I don't need you." Galit na tumingin naman ito sakin.
"May problema ba dito?"
Si Isaac.
"Dude.. eh itong gago na to eh!! hindi makaintindi ng no". Pinatunog naman ni Isaac ang mga buto nya sa daliri.
BINABASA MO ANG
Seven Days
Teen FictionIsang pustahan lang naman ang pinagmulan. Dapat maging sila ng pampitong papasok sa loob ng 7/11 sa loob ng pitong araw. Isip bata kung titignan. Pero paano kung dahil sa pustahan na iyon ay makilala nya ang taong mamahalin nya hindi ng pitong araw...