Day Two - II

6.3K 167 0
                                    


Humihingal na lumayo ako dito. Gulat na gulat na tumingin sakin yung babae.

Tsk! baka nagulat sa ginawa nya. Dampi lang naman kasi ang gagawin ko para tumahimik lang sya pero nasarapan siguro yung babae. Pati dila nito pinasok na sa bibig ko. Eh andoon na, kaya sinakyan ko na lang. Ayaw pa nga sana nitong humiwalay kung hindi ko lang sya tinulak.

Pak!

"Arrrrraaaay" Hawak ko sa pisngi ko. Ako pa? Ako pa talaga ang sinampal? Hindi ako makapaniwala. Putek na yan!

"Ihatid mo na ko sa school namin." Sabi nitong nakahalukipkip pa at nakatingin sa may bintana.

Tsk!

"Masarap ba yung lips ko?" Pang aasar ko dito.

Hindi ito nagsalita. Ganoon pala magpatahimik ng nag wawalang babae. Hahaha.

Nakangising nag drive na ako.

Mukha sising sisi yung babae. Ngayon lang siguro nya na realize yung nagawa nya.

Sus! Nasarapan ka naman.

Pinark ko na iyon sa tapat ng school ng babae.

"Salamat" Sabi nito bago nag tanggal ng seat belt. Hmmmm marunong naman palang mag thank you.

Naglahong parang bula yung admiration na nagsisimula palang tumubo para sa kanya ng magsisigaw na naman sya matapos hindi mabuksan yung pinto ng kotse ko.

"Ayzzz buksan mo na to! Late na ako". Nang matanggal ko na ang lock ay dere-deretsong lumabas na ito ng kotse.

"Sunduin kita mamaya!"

Alam kong narinig nya ako pero hindi nya ako pinansin. Ok lang. Susunduin pa din kita.

Nakangising nag drive na ako pabalik sa bahay ko.

Pagkapark ko ay ni lock ko na ang garahe.

Hindi gaanong kalakihan itong bahay ko dahil yung talyer talaga ang pinagtuunan ko ng pansin.

Pang bachelor yung bahay ko. Kompleto sya. Pero dalawa lang ang kwarto. Yung master bedroom na kwarto ko at yung guestroom na walang gumagamit.

Minsan doon natutulog ang mga tropa ko pag napagtripan. Siksikan kami. Meron sa sala. Sa sahig ng kwarto. Kung saan saan na lang. Sabagay mukha naman silang mga sardinas kaya ok lang yun.

"Musta panliligaw boss?"

"Nakangiti si boss! baka sinagot na haha"

Nagkakatuwaan lang kami ng biglang may motor na dumating. Base sa maingay na tunog nito na kabisadong kabisado ko na. Si Gunggong yun. Madalas itong tumambay dito sa talyer pag sawa na itong tumambay sa bahay nila at computer shop sa kanto ng bahay nila. Dakilang tambay kasi ito. Kung may sweldo nga lang yung ganoong gawain malamang mas mayaman pa sya kay Bill Gates ngayon.

Lumapit sya sakin at nag fist bump kami.

"Musta dude?" Nakangising tanong nito. Normal na mukha na nya iyan. Laging nakangisi na parang alam nya ang sekreto mo. Laging parang may masamang binabalak. Yan ang tunay na mukhang rapist at snatcher, hindi ako.

Pero mabait naman yan.. lalo na pag tulog.

"Ok lang.. anong atin?" Tanong ko dito.

Ngumisi ulit ito.

Sanay na ako dahil sa 11 tropa ko. Ito ang pinaka close ko.

9 years na kaming magkakilala. Mula grade 5 hanggang ngayon.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon