Day Three - II

5.8K 165 4
                                    


Masaya ako ng nakita ko na ang tropa ko. Hindi dahil sa nakita ko sila kundi dahil makakakain na ako.

Si Elli. Si Paolo. Si Rizza. Si Menard. at si Tanya.

Ayos ah!

Umabot kami sa kalahati ngayon. Sakto daw kasi may date sila Menard at Rizza ngayon. Dumaan na daw sila dito sa mall para mag lunch pero aalis din sila pagkatapos dahil may amusement park pa daw silang pupuntahan. Tumango lang ako sa kwento ni Menard sabay sabing 'makakaalis na kayo ngayon kung gusto nyo.'

Sinagot lang nila ako ng tawa. Akala ba nila joke yun? Nakakaumay kaya silang makitang magkasama.

Tumabi ako kay Tanya.

Ngumiti naman ito sakin.

May mga pagkain na sa mesa kaya kumain na ako. Galit galit muna dahil kanina pa nagagalit yung bituka ko at sumisigaw ng hustisya.

Pagkalipas ng ilang sandali'y umalis na sila Rizza at Menard.. geh lang, pagpatuloy nyo nyan.

Naiwan kaming apat.

"Oh dude ayaw mo na?" Tanong ni Elli kay Paolo.

"Busog na ako" Paolo.

Kinuha ni Elli yung halo halo nito at kinain. Hindi naman kumukurap si Paolo na nakatitig lang kay Elli.

"Oh.. akala ko ba ayaw mo na?" Tanong ni Elli. Napahawak naman si Paolo sa batok nya at yumuko. Pag angat nito, mahihiya ang kulay pula sa kulay ng pisngi nya ngayon.

"Eh.." Sabi pa nito. Haha. That's so gay. Oppps Gay nga pala ito, so it makes sense.

"Sus nahiya pa" Sinubo ni Elli kay Paolo yung kutsara.

Namumula naman ang mukha ni Paolo na nginuya yun.

"Pffffffttt namumula ka dude" Pang aasar ko dito.

"Ha? ah eh hehe mainit" Palusot nya na wala namang naniwala.

"Mainit?.. Halo halo na nga kinakain mo eh" Sabi ko naman. Haha! Hindi lang sila ang may sinumpaang tungkulin dito, ako din meron!

Alam ni Elli yung tungkol kay Paolo pero ok lang. Cool lang kami. Masyado namin pinapahalagahan yung friendship para itapon lang ng dahil doon. Tulad ni Tanya. Friends pa din kami. Alam nya na off limits. Pero ganon pa din ang trato nya sa akin. Minsan nga nag seselos ito sa mga taong lumalapit sakin pero wala naman itong ginagawa. Hindi ako nito pinagbabawalan. Sinasabi lang nya na nasasaktan daw sya.

Sa ngayon, mayroon itong girlfriend. Kaya ok lang.

Si Elli at Paolo naman. Ewan ko lang. May girlfriend kasi si Paolo tapos si Elli naman wala kasi ayaw ng mama nito. Mama's boy kasi.

Umalis na din si Paolo ng may mag text dito. Girlfriend daw nya.

Sumunod na din si Elli kasi pinapauwi na daw sya ng nanay nya.

Hindi mo mapag kakamalan na gay si Paolo dahil lalaking lalaki ang tindig nito. Pati boses nito at pananamit. May girlfriend pa, so sinong maghihinala diba? Sabi nya, ewan din nya. Simula ng makilala nya si Elli tinanong tanong na nya yung sarili nya. Tapos ayun, na confirm daw nya. Actually dati na daw nya iyon nararamdaman pero pinagsawalang bahala lang nya. Ayaw din naman nya kasi for sure papatayin sya ng papa nya. Well hindi naman siguro papatayin.. pero siguradong hindi maganda ang kalalabasan kapag nalaman ng family nya.

Lahi kasi sila ng mga sundalo. Yung nanay at tatay nya nagkakilala sa Philippine Military Academy. Nasa bahay na lang ngayon ang nanay nya at nasa serbisyo pa ang tatay nya. Yung panganay nyang kapatid na si Denisse, pumasok din sa PMA. Yung sumunod nyang kuya na si Xander, nasa PNP na at yung sumunod naman doon na si Cassandra kumukuha ng Criminology. Kaya kahit gustuhin man nya, hindi pwede. Baka paliguan sya ng bala ng pamilya nya.

Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon