I'm wearing denim short, muscle tee and black converse shoes. I also fix my hair into a messy bun. Put some powder in my face, and lip tint in my lips. Then viola! Perfect!
Lumabas na ako ng kwarto ko. Pagbaba ko ay nakita ko si Tita Roxie at ang anak nitong si Trixie na ka edad ko lang. Prenteng nakaupo ang mga ito at naglilinis ng kuko. Sinamaan ako ng tingin ni Trixie ng makita niya ako na hindi ko naman pinansin.
Tita Roxie is my stepmom but I don't call her mom, while Trixie is my stepsister. Although hindi naman talaga siya tunay na anak ng papa ko and hindi pa naman kasal ang papa ko at si Tita Roxie na siyang ipinagpapasalamat ko. Three years simula ng lumipat sila dito sa bahay na siyang ikinagalit ko kay papa dahil parang hindi niya na mahal si mama. Namatay kasi si mama noong 11 years old palang ako, pero ipinaliwanag naman saakin ni papa na naaawa siya sa mag-ina dahil wala na ang mga itong matirahan at mahal niya na raw si Tita Roxie at sigurado naman daw ito na maiintindihan sya ng mama niya. Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Sa unang pagtira nila dito ay maayos pa ang pakikitungo nila pero habang tumatagal ay napapansin ko na ang tunay na ugali ng mag-ina.
Ang sama ng ugali ng mga ito. Lagi siyang tinatarayan at pinagsasabihan ng masama. Si Tita Roxie naman ay ganun din. Kapag nasa harap nila ang papa ko ay napakaamo ang mga ito. Inshort santa-santita sila.
Hindi ko nalang pinapansin ang mga ito o kaya pinapatulan. May respeto kasi ako sa kanila lalo as long as hindi nila ako sasaktan.
Now, Im already 20 years old and graduate na ako sa course na tourism. Im Icy Kylie Rodriguez. Ang sabi ni papa ay siya ang nakaisip ng pangalan na Icy kasi ng ipinagbubuntis daw ako ni mama ay mahilig itong kumain ng malalamig na pagkain like ice cream, etc.
Samantalang ang Kylie naman ay kinuha sa name ni mama. 'Kyla'."Saan ka pupunta?" tanong ni Tita Roxie.
"Malamang makikipaglandian na naman." mataray na sabi ni Trixie. Hindi ko nalang ito pinansin.
"Makikipagkita po ako kay Renz." sabi ko.
"Umuwi ka ng maaga dahil hahanapin ka na naman sakin ng papa mo." sabi nito sakin. Tumango ako at lumabas na ng bahay.
Napangiti ako ng makita si Renz sa tapat ng bahay. Nakasandal ito sa kotse niya. Naka faded jeans at black Tshirt ang suot nito. Mas lalo akong napangiti dahil pareho kami ng kulay ng sapatos.
"Hi GF!" bati nito sakin ng makita ako. Lumapit ako at saka niya ako hinalikan ng mabilis sa labi, sapat na para kiligin ako.
"Hi din BF!" bati ko din sa kanya.
"Tara na GF, punta na tayo ng mall. Excited na akong manood kasama ka." natawa ako at piningot ang ilong nito.
"Aray ko naman GF!" sabay himas sa ilong nito.
"Asus! Excited daw na manood kasama ako. Baka naman excited na manood ng movie na hunger games kasi nandon ang crush mong si Katniss." natatawang sabi ko.
"Huwag kang magselos GF, crush ko lang yun ikaw naman ang mahal ko." sabi nito sabay halik ulit sa labi ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya naman ay kinurot ko siya.
"Corny mo! Tara na nga!"
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse sunod ay pumunta siya sa driver seat at nagsimula ng mag drive.
Clarenz Fajardo o mas kilala sa tawag na Renz. He is my boyfriend at mag t-two years na kami. Gwapo, mabait, sweet, maaalaga, gentleman yan ang mga katangian ni Renz na siya namang nagustuhan ko. Mayaman ang pamilya nito at mahilig itong kumanta. Sa katunayan ay hearthrob ito sa school namin noong college kami.
Maghapon kaming magkasama ni Renz. Pagkatapos naming magsine ay naglibot-libot kami sa mall. Naglaro sa arcade pagkatapos ay kumain.
"Thanks for the day BF." sabi ko. Kasalukuyan siyang nagmamaneho para ihatid ako. Gabi na rin kasi.
"You're welcome Gf." nakangiting sabi nito kaya kitang-kita ko ang dimples niya sa pisngi.
"Why so gwapo Bf?" rinig ko namang tumawa ito.
"Because it runs in our blood GF. Kaya wag ka ng magtaka, if magkaanak tayo ng mga gwapo at magaganda." sabay kindat pa nito .
Halos kagatin ko na ang labi ko para pigilan ang mapangiti. Bakit ba kasi ganito ang boyfriend ko? Over magpakilig.
"Kinikilig naman ang GF ko"
"Ewan ko sayo." kunwaring taray ko sa kanya.
"BF, dito nalang ako"
"Huh? Hindi pa naman dito ang bahay mo."
"May bibilihin pa kasi ako"
"Gusto mo bang hintayin nalang kita?"
"Huwag na BF isa pa malapit na rin naman ang bahay ko dito."
"Sigurado ka?"
Tumango ako. Inihinto niya sa gilid ng kalsada ang kotse.
"Bye Bf ingat sa pag-uwi." paalam ko sa kanya pag labas ko ng kotse.
"Ikaw din GF. Ingat ka I Love you!"
"I love you too BF!"
Pinagmasdan ko ang papaalis na kotse ni Renz. Nang hindi ko na ito makita ay nagsimula na akong maglakad para pumunta ng store.
Pagkatapos kong bumili ay naglakad na ako papauwi. Habang naglalakad ako ay napansin kong parang may sumusunod sakin. Binilisan ko ang paglalakad at ramdam ko din ang pagbilis ng lakad nito.
Doon na ako sinimulan na kabahan lalo na at sa pagmamadali ko sa paglalakad ay hindi ko na napansin na ibang daan na ang dinadaanan ko at hindi na ito ang papunta samin.
Wala akong makitang mga bahay sa lugar na ito at madilim pa dito.
Kaya naman ay tumakbo na ako. Binilisan ko pa ang pagtakbo ng hinabol ako nito.
Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Dapat makaalis ako sa lugar na ito o kaya naman ay makapagtago sa humahabol sakin.Sa isang maliit na kalye ay dumiretso ako at isiniksik ang sarili ko doon para magtago. Hindi ako gumawa ng ingay para hindi ako mahuli ng sumusunod sakin.
"AHHHHH!" Sigaw ko ng may humablot sakin.
Tinakpan nito ang bibig ko. Sinubukan kong magpumiglas. Pero halos mandilim ang paningin ko ng suntukin ako nito sa tiyan...
***
Edited
BINABASA MO ANG
Mojico Series 1: I Was Raped
RomanceI have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2016