IWR 18

33.8K 710 6
                                    

Naitulak ko si Devon ng makita sina Angel at Stone na nanonood saamin. May kasama din sila na isang lalaki at isang babae. Nakangiti ang babae samantalang ang lalaki ay seryosong nakatingin saamin.  Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak saakin ni Devon.

"Ayos bro ah? Drama then romance?" pilyong sabi ni Stone sabay tawa.

"OMG! This is the best confession ever!" tili ni Angel. "Narecord ko yon!" sabay wagayway ng hawak nitong cellphone sa ere.

"Oy, papasa naman ako Angel. Sakin kasi picture lang!" sabi naman ni Stone.

Napayuko nalang ako dahil sa sobrang kahihiyan.

"I told you mamcy. Super duper gorgeous and pretty ng future daughter in law mo." sabi ni Angel na siyang ikinalaki ng mata ko.

Don't tell me parents nila ang dalawang ito? Hindi kasi halata dahil sobra ganda ng babae at ang gwapo-gwapo ng lalaki. Napahigpit ang hawak ko kay Devon ng lumapit sila.

"What are you all doing here?" nakasimangot na tanong ni Devon.

"Why? Masama bang makita ang future daughter in law ko?" mataray na sabi ng mom nito. Tumingin ito sakin saka ako nginitian.

"You're Kylie right?" tanong nito.

"Y-yes maam."

"That's right. Call me mom."

"I mean m-madam..."

"No, sweetie. Call me mom okay?" kahit nahihiya ay tumango ako.

"By the way, I'm Veronica. I'm the mother of these 3 children here."


"MOM!!!" Stone/Devon

"OMG! Were not children na kaya!" Nakasimangot na sabi ni Angel.

Natawa tuloy ako sa itsura nilang hindi na maipinta.

"Oh, shut up. Kahit na magkaroon na kayo ng anak you are all still my babies." Bumaling ang tingin saakin ng mom Veronica. "And I want you sweetie to meet my beloved husband, my Ricardo."  Humigpit ang hawak ko sa braso ni devon dahil napakaseryoso ng tingin nito saakin at nakakatakot.

Hinampas  ito ni mom v-veronica.

"Tinatakot mo ang bata!"

"Sweetheart naman, pinag-aaralan ko lang ang mukha niya." sabi nito at naging maamo ang mukha. Tinap nito ang ang balikat ni devon.

"Mana ka talaga sakin anak. Ang galing mong pumili." natatawang sabi ng ama. Bumaling ang tingin nito sakin.

"Hi daughter in law. Call me dad ok?" tumango ako. "Good. Now give me a hug!"

Kahit nahihiya ay lumapit ako sa kanya at niyakap ito.

"I want a twins." sabi nito na ikinapula ng pisngi ko. Tumatawang humiwalay sito saakin.


"Dad, anong sinabi mo kay Kylie?" iritang tanong ni Devon sa ama nito..

"Wala. Sinabi ko lang naman na gusto ko ng kambal." natatawang sabi nito na kahit si Stone ay tumawa.

"I told her too dad. Na kahit ako gusto ko ng kambal!" sabat pa ni Stone.

"Ate Kylie, gusto ko din ng baby girl para maisama ko siya kapag nag sho-shopping ako!" nakangiting sabi ni Angel.

"Kung gusto niyo ng kambal, gumawa din kayo!" inis na sigaw ni Devon saka ako hinatak palabas.

Nag-init ang pisngi ko ng marinig ko pa ang sinabi nila.

"Ayieeeee! Gusto lang kasi masolo si ate Kylie!" sigaw ni Angel.

"Gawa ulit kayo ng kambal!" pahabol naman ni Stone.

Mojico Series 1: I Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon