IWR 15

30.5K 745 6
                                    

Bumaba agad ako ng kotse ng maiparada ko ito. Pabalibag kong binuksan ang gate at dire-diretsong pumasok. Malakas kong kinatok ang pinto.

"Sandali!' rinig kong sigaw mula sa loob.

Nang bumukas ito ay bumungad sakin si Trixie.

"Nasaan ang magaling mong nanay?" madiin na tanong ko. Tinaasan ako nito ng kilay.

"Pwede na umalis ka na dito?!" akmang isasara niya ito ng pigilan ko ito.

"Kung meron mang dapat umalis dito. Kayo yun!"

Nag crossed arms namn ito.

"Aba matapang ka na ngayon."

"Hindi ako matapang. Sadyang duwag ka lang."

"Hay*p ka!" sabay sampal nito sakin. Ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko pero hindi ko ito ininda.

"Umalis ka na dito Kylie bago pa ako tumawag ng pulis dahil sa ginagawa mong tresspassing dito"

Nginisihan ko siya. "Sige tumawag ka. Tingnan lang natin kung sino satin ang kaladkarin papuntang presento." matapang na sabi ko.

"At ano namang sasabihin mo?" mataray na sabi nito. "Huwag kang magtapang-tapangan ngayon. Dahil wala ka ng ipagmamalaki pa samin Kylie. At maghihiganti ako sa ginawa mo sakin non."

Napangisi ako sa sinabi niya. Naalala ko nong sinugod ko siya kasama si Renz.

"Gusto mo gawin ko ulit iyon sayo?" sabi ko.

"Bitch." madiin na sabi niya. Pero hindi ko ito pinansin. Yeah Im bitch better than her.

"Saamin ang bahay na ito at kaya ko kayong ipakulong dahil sa ginawa niyo sa papa ko."

Nakita ko namang natigilan ito.

"Oh? Nagulat ka ba dahil alam ko kung anong plano niyo ng magaling mong nanay?"

Ito naman ngayon ang ngumisi.

"Wala kang ebedensya. At ikaw ang ipapakulong ko dahil sa mga walang kwenta mong paratang!" at tinulak ako nito.

"Magbabayad kayo sa mga ginawa niyo!"

"Umalis ka na ditong babae ka!"

"Anong nangyayare dito?!"

Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Naikuyom ko ulit ang kamao ko.

"Oh, nandito pala ang magaling na anak ni Marco." tukoy ni tita Roxie sa pangalan ng papa ko.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagtatangka sa buhay ng papa ko! Sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan!" sigaw ko. Lumapit ito sakin.

"Ang lakas ng loob mo na pumunta sa pamamahay ko para pagbintangan ako?!" sigaw nito saakin.

"Bakit? Tama naman ang sinabi ko diba? At kelan niyo pa naging pagmamay-ari ang bahay namin? Lahat ng kinuha niyo babawiin ko at makukulong kayo!"

"Ang kapal din ng mukha mong babae ka!" bigla niya akong sinampal at saka sinabunutan. "Ano naman kong binalak kong patayin ang papa mo?! Nahirapan nga ako diyan sa magaling mong ama, ang hirap patayin!"

Sinubukan kong itulak ito pero sobrang higpit ng pagkakasabunot nito sakin.

"Bitawan mo ako!"

"Trixie, kunin mo ang syringe!" 

"Anong balak mo?!"

"Patatahimikin na kita at isusunod ko sayo ang ama mo!" at humigpit ulit ang pagkakasabunot nito sakin.

"Hay*p ka!"

Malakas niya akong tinulak dahilan para matumba ako. Dinambahan ako ni Tita Roxie saka pinagsasampal. Masakit na ang anit ko pati nadin ang pagsampal nito sakin. Pilit kong iniiwasan ang malalakas nitong sampal. Ramdam ko ding inuntog ako nito sa sahig. Dahilan para umikot ang paningin ko.

"Papatayin kita!"

Bigla nalang may humatak kay tita Roxie at nawala ito sa ibabaw ko.

"Kylie!" tumambad sakin ang nag-aalalang mukha ni Devon. Tinulungan ako nitong tumayo at niyakap.

Nakita kong hawak na ng mga bodyguards sina Tita Roxie at Trixie. Nandon din si Stone na seryosong nakatingin samin.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ni Trixie.

"Sino ba kayo? Ha?! Bitawan niyo ako pati ang anak ko! Papatayin ko pa ang babaeng yan!" sigaw ni tita Roxie habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng bodyguards.

Bumitaw sa pagkakayakap sakin si Devon at tinignan ng masama sina Tita roxie. Kita ko namang natahimik ang mga ito.

"You f*cking hurt my wife!" sigaw ni Devon na siyang ikinagulat nina Tita Roxie.

"A-asawa mo ang hampaslupang yan?" hindi makapaniwalang sabi ni tita Roxie.

"At naka bingwit ka pa talaga ng lalaki? You slut! Ang landi-landi mo!" Sigaw pa ni Trixie.

"SHUT UP!" Lahat kami ay natahimik ng sumigaw si Devon.  "Ang ayoko sa lahat, may nananakit sa asawa ko. But what did you do? You hurt her?!"

Napakapit ako sa braso ni Devon. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito at nakakatakot. Bumaling ang tingin ko kay stone na nakangisi at pailing-iling lang.


"The demon is here." mahinang sabi pa nito na rinig ko naman.


"I'll make sure you'll rot in jail." matigas na sabi ni Devon. Tinignan niya naman ang mga bodyguards. "Dalhin niyo na yan sa presinto." nagsimula namang magsisigaw at magpumiglas sina Tita.


"And one more thing, Pag nagpumilit tumakas wag na kayong pumunta ng presinto. Patayin niyo nalang." seryosong sabi ni Devon na ikinatahimik nina Tita. Magsasalita na sana ako pero kinindatan ako ni Stone.


"Joke lang yon" mahinang sabi nito.


Kinaladkad narin ito ng mga bodyguards. Tumingin sakin si Devon at lumapit.

"D*mn it! Okay ka lang ba Kylie? Anong masakit sayo?"


Napahawak ako ng mahigpit kay devon ng magsimulang umikot ang paningin ko.

"KYLIE!"

Then everything went black.


Mojico Series 1: I Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon