IWR 12

30.3K 717 1
                                    

Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sakin. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Devon na nakatingin sakin.

"Good morning" bati nito sakin. Alam kong nakapulupot ang kamay ko sa kanya ganun din siya sakin. More on magkayakap kaming dalawa.

"Morning..." inaantok ko pang sabi.

"Still sleepy?"

"Hmm" tinatamad na sabi ko.

"Then sleep again Kylie." hindi ko na narinig ang sinabi nito sakin. Pero naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.



Nang imulat ko ang mata ko ay wala na sa tabi ko si Devon. Tumingin ako sa wall clock na nandon. 10:30 am na pala. Bumangon ako at napansin ko ang tray ng pagkain at bulaklak na nasa table. Hindi ko napigilang ngumiti. Kinuha ko ang nakadikit na stick note doon.


Breakfast and flower for my lady-D


Kinuha ko ang bulaklak. White lilac at red roses ang mga ito. Mas laIo akong napangiti. I don't know but he has this incredible way of making my heart happy.

Bumaba na ako matapos kong maligo. Nakita ko sina Jessa at Ana na naglilinis. Nang makita nila ako ay humagikgik sila na para bang kinikilig. Nagbubulungan pa ang mga ito.

"Magandang umaga seño...este Kylie" nakangiting bati nila. Nginitian ko din sila.

"Ahm..nasaan si Devon?" tanong ko. Napakunot noo ko ng humagikgik ulit sila.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"W-wala po Kylie."

"Nasaan si Devon?"

"May pinuntahan lang po ang señorito. Babalik din po siya mamaya." ani ni Jessa.

"May kailangan po ba kayo?"

Umiling ako. "Sige lalabas lang ako."

"Sasama po kami!" sigaw ni ana. "Ay, s...sorry po."

Natawa naman ako. Siguro iniisip ng mga ito na mapapahamak na naman ako.

"Don't worry. Diyan lang talaga ako sa garden." tumango naman sila kaya lumabas na ako.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang iba't ibang bulaklak. Lalo na yung rose. May kulay pink, blue, violet, at red. Pero ang pinakagusto kong kulay ay white.
May mga white lilac din doon. Tapos may fish pond. Ngayon ko lang din napansin na may malaking fountain pala dito sa garden. Ang ganda pala talaga dito.

Napahinto ako sa paglalakad dahil nararamdaman kong may nasunod sakin. At hindi nga ako nagkamali dahil paglingon ko ay may nakita akong tatlong lalaki na nakasuot ng itim na uniporme. Pamilyar ang suot nila, mga bodyguards ni Devon.

"Bakit niyo ako sinusundan?" tanong ko.

"Kami po ang inutusan ng señorito na magbantay sainyo." sabi ng isa.

"Pero hindi ko kailangan ng bodyguards." bulyaw ko.

"Pasensya na po señorita, sumusunod lang po kami sa utos ng señorito."

Kinagat ko ang labi ko dahil sa sobrang inis. Ano ako bata? Para bigyan ng bodyguards?! For pete sake Im already 20!

"What's happening here?"

Kahit hindi ako tumingin ay kilala ko na ang boses nito. Hinarap ko si Devon at tinignan siya ng masama.

"Ayoko ng bodyguards!" sabi ko sa kanya. Sumenyas si Devon sa mga bodyguards at umalis ito.

"But you need it for your safety. Lalo na pag wala ako." sabi nito.

"Pero ayoko nga ng bodyguards! Ayokong palaging may sumusunod sakin!" sigaw ko. "And I'm not a kid anymore!" dagdag ko.

"But I want you to be safe." mahinahong sabi niya.

"Bakit safe ba ako sayo?" huli na ng marealize ko ang sinabi ko. Kita ko sa mukha niya na nasaktan siya. Pero, panandalian lamang ito at sumeryoso ang mukha nito. Nakonsensya ako sa sinabi ko. Hindi ko naman iyon sinasadya. Nakagat ko ang labi ko.

"D-devon..."

"I understand." cold na sabi nito na siyang ikinatahimik ko.
"Hindi na kita ipababantay pa sa mga bodyguards. Get inside Kylie" saka ito tumalikod.

Napasapo ako sa dibdib ko at ramdam ko ang pagkirot nito.



Maraming pagkain ang nakahanda. Nakaupo lang ako at hindi ginagalaw ang pagkaing nasa plato ko. Wala akong gana. Nabaling ang tingin ko kay Devon. May kausap ito sa Cp niya. Simula ng mangyare iyong kanina ay hindi na kami nagkausap pa. Hanggang ngayon ay nag-guilty parin ako. God knows na hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. Nadala lang ako ng emosyon ko.

May lumapit kay Devon na isang lalaki. Alam kong ito si George isa sa mga pinagkakatiwalaang bodyguard ni Devon. May binulong ito kay devon at napansin ko ang pag-igting ng panga nito at pagkuyom ng kamao saka ito biglang tumayo.

"Devon!"

Tumigil ito sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod ito saakin. Lalapit sana ako pero hinarangan ako ng ilang bodyguards.

"D-devon..." nakita ko na lamang si Devon na nagpatuloy sa paglalakad.

Saan ba siya pupunta? Galit ba siya? Aaminin ko, nasasaktan ako sa inakto niyang hindi pagpansin sakin.

"Señorita, umiiyak po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Jessa. Napahawak ako sa pisngi ko, basa nga ito. Napatingin ako sa kanila. Kita ko ang pag-aalala nila.

"Señorita!" rinig kong sigaw nila pero hindi ko sila pinansin at patakbong umalis ng kusina.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad kong sinara ang pinto saka ako padabang nahiga sa kama saka umiyak.


 Bakit ba ako umiiyak? Tama lang ang ginawa ko diba? May kasalanan naman talaga siya sakin. He f*cking raped me. Anong gusto niya? Maging maayos ang pakikitungo ko sa kanya? D*mn it! Why the hell I am crying ba at bakit ako nasasaktan?



"Im sorry"

Naalimpungatan ako ng may marinig akong nagsalita. Iminulat ko ang mata ko pero wala akong nakita. Hindi ko na kinaya ang antok ko dahil bumibigat na ang talukap ng mata ko pero may naramdaman pa akong may dumampi sa noo ko bago ako tuluyan ng nakatulog

Mojico Series 1: I Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon