Simula ng malaman nila na buntis ako ay naging maingat saakin si Devon. Kunting galaw ko nga lang ay halos mataranta na siya. Ni hindi niya nga ako hinahayaang mag-isa. Kapag gabi naman ay oras-oras itong nasa kwarto pero hindi ito tumatabi sakin sa pagtulog.
Sina Angel at Stone ay tuwang-tuwa. Lalo na si Angel. Nong isang araw ay marami itong binili sakin na mga dress at flat shoes. Para daw kapag lumaki ang tiyan ko ay hindi na ako magsusuot ng short o jeans. Si Stone ay bumili ng dalawang crib na kulay blue at pink. Umaasa kasi ito na kambal ang magiging anak ko.
Si Devon kasama ang ilang maid ay nilinisan at pininturahan ng bago ang magiging nursery room ng baby namin. Lahat sila ay excited na magkakababy na kami. Si nanay Minerva naman ay inutusan si Devon na bumili ng ibat-ibang klase ng prutas dahil daw sa maglilihi ako. Pero hindi naman ako kumakain nga weird foods tulad ng mga iniisip nila sa mga buntis. Sabi ni nanay Minerva ay baka daw si Devon ang pinaglilihian ko. Kasi kapag nakikita ko si devon ay pinanggigigilan ko ito saka inaamoy-amoy ko. Madali ko din daw kasing hanapin ito which is true.
Balita ko kina Tita Roxie at Trixie ay nakakulong na ang mga ito. Mabuti narin siguro iyon kasi baka kung ano pang gawin nila. Si papa naman ay stable na ang kalagayan nito sabi ng doktor at baka lately ay magising na rin ito.
"May kailangan ka pa ba hija?" tanong saakin ni nanay Minerva.
"Wala na po." sagot ko. Kasalukuyan kong tinitignan ang sarili ko sa salamin. Halata na din ang baby bumps sa tiyan ko at medyo malaki na ito.
"Umupo ka hija." sinunod ko ito. Kinuha nito ang suklay at sinuklay ang buhok ko.
"Masaya ako kasi magkakaanak na kayo." wika nito. "May tanong lang ako sayo hija."
"Ano naman po iyon?"
"Napatawad mo na ba si Devon?"
Natahimik naman ako sa sinabi nito. Napatawad ko na mga ba si devon? Marami na kasing ginawa sakin si devon. Dalawang beses niya na akong niligtas. Hinanap niya din si papa kahit na hindi ko sinabi ang tungkol dito. Pinakulong niya sina Tita. Marami na siyang ginawa sakin na hindi ko hiniling.
"Mahal mo ba si Devon hija?" tanong niya na siyang ikinagulat ko. Mahal? Tumigil naman ito sa pagsuklay. Nakita ko mula sa salamin na nakatingin ito sakin.
"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko manang, mamahalin niyo ba ang lalaking gumahasa sainyo?" Tanong ko na ikinatahimik niya. "Hindi ko nga alam kung matatanggap ko ba ang magiging anak ko. Oo may parte saakin na masaya ako pero hindi parin maitatago ang katotohanan na ang anak ko ang bunga ng panggagahasa saakin." Tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko sa mata. Ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko dahil sa mga emosyong nararamdaman ko.
"Masakit manang. Ni hindi ko nga alam kung bakit nagawa niya akong gahasain. Bakit sa dinami-dami ako pa?"
"Hindi siya ang lalaking dapat na manggahasa sayo." nanlalaki ang mata kong humarap sa kanya.
"Hindi, alam kong siya ang gumahasa sakin ng gabing iyon!" pasigaw kong sabi.
Iniligtas ka niya hija mula sa lalaking dapat na manggahasa sayo. Nang mawalan ka ng malay noon dahil sa sinaktan ka ng lalaki ay si Devon ang nagligtas sayo. Pagkatapos noon ay dinala ka niya sa condo niya." paliwanag nito. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi ako dapat ang magpaliwanag nito sayo. Pero may karapatan kang malaman." huminga ito ng malalim. "Matagal ng may gusto sayo si Devon. Palagi ka niyang sinusundan. Stalker mo siya hija mahigit apat na taon na."
Halos hindi ako makapaniwa sa sinabi nito. Si Devon matagal ng may gusto sakin at stalker ko pa? Pano?
"Hija, bigyan mo ng pagkakataon si Devon na magpaliwanag sayo. Tanungin mo siya. Huwag mong hayaan na malamon ka ng galit. Makakasama sa baby." malunay na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Mojico Series 1: I Was Raped
RomanceI have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2016