Tapos na kaming kumain. Tutulong sana ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Pero hindi na nila ako pinatulong. Tama na daw ang pagtulong ko sa kanila sa pagluluto. Nakilala ko na din ang asawa ni nanay Nena na si tatay Berto at ang panganay na anak nila na si Michael at si Carla ang bunso. Nakilala ko din ang asawa ni Carla na si Jayson. Mayaman pala ito at magkaibigan sila ni Devon. Hindi na pala dito nakatira sa bukid si Carla kundi sa mismong bayan kung saan nandon ang bahay nila ni Jayson. Binisita kasi ni Carla ang nanay at tatay nito pati na si Michael dahil namimiss na nito ang pamilya niya.
Kumusta na kaya si papa? Sana naman ay nasa maayos siyang kalagayan. Sa oras na makaalis ako dito ay si papa ang una kong hahanapin.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko sina Carla at Jayson na naglalambingan. Kita ko sa mga mata ni Jayson na mahal na mahal niya si Carla. Ganoon din si Carla dito.
"Kylie." tawag ni Devon sakin pero hindi ko siya pinansin.
Nahihiya parin ako sa nangyare kanina. Hindi ko maisip na magagawa ko ang bagay na yon. Panay din ang pagsulyap sakin ni Devon at naiinis ako sa tuwing ngumingiti siya. Para siyang baliw!
Naramdaman kong ipinatong ni Devon ang ulo niya sa balikat ko. Sinubukan kong alisin ang ulo niya sa balikat ko pero ipinatong niya ulit ito kaya hinayaan ko nalang. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklop ito. Muli ay nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may umiikot sa tiyan ko.
"Come with me." Bulong niya sa tenga ko. Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan hindi din ako makagalaw. B-bakit ba..ang husky ng boses niya?
"S-saan naman t-tayo pupunta?" Nauutal kong tanong.
"I'll tour you here"
Pagkasabi niya non ay tumayo agad ako saka naunang maglakad. Alam ko namang nakasunod siya sakin. Ayoko lang kasing makasabay siya o makatabi. Pero naramdaman ko nalang ang kamay niya na humawak sa bewang ko. Nanigas ang katawan ko dahil sa ginawa niya. Tumigil din siya sa paglakad at tinignan ako.
"Do you want me to carry you?" napatanga ako sa sinabi niya.
"Huh?"
"I said, do you want me to carry you?"
"No!" mabilis na sabi ko at dali-daling naglakad pero naabutan niya parin ako at pumulupot ulit ang kamay nito sa bewang ko kaya sabay na kaming naglalakad. Hinayaan ko nalang.
Nagpaalam na muna kami kina nanay Nena bago kami umalis. Niyakap ako ng mahigpit nina nanay Nena at Carla. Nagbilin pa si nanay Nena na akitin ko daw mamayang gabi si Devon para may mabuo daw agad kami. Ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya samantalang si Carla naman ay nagpaalam sakin. Magkita nalang daw ulit kami.
Namangha ako ng dinala ako ni Devon sa isang horse farm. Hindi ko lubos na maisip na meron pala nito dito. Kunsabagay, hacienda nga pala ito.
"Señorito Devon." nabaling ang tingin ko sa matandang lalaki na may hawak na isang kabayo.
"Siya nga pala si Mang Mario katiwala at tagapag-alaga ng mga kabayo dito. Ito naman po si Kylie ang asawa ko."
"Magandang hapon po Mang Mario." bati ko.
"Magandang hapon din po" bati din nito. Bumaling ang tingin nito kay devon. "Mangangabayo ka ba señorito?" tanong nito
"Sa ibang araw nalang po mang Mario." ani ni Devon. "Sige po mang Mario ipapasyal ko pa ang asawa ko." tumango naman si mang mario saka umalis habang hila ang kabayo.
"Marunong kang mangabayo?" tanong ko. Bahagya naman itong natawa.
"Ofcourse. Magkakaroon ba ako nito kung hindi?"
I just roll my eyes on him. Malay ko ba kong marunong siya o hindi. Im just asking.
"Kung ganun, bakit hindi ka nangabayo?" tanong ko.
"Gusto sana kitang turuan but you're wearing a dress. Siguro sa ibang araw nalang."
"Hindi mo na ko kailangan pang turuan dahil marunong naman ako." sabi ko.
"Marunong ka?" gulat na tanong niya Tumango ako. Since I was a kid, papa taught me how to ride the horse.
Nagpasya nalang kaming maglakad at hindi na sumakay ng kotse. Dadalhin daw niya ako sa isang falls at kung saan nandoon din ang tree house niya. And Im excited dahil dream ko na magkaroon ng tree house.
Sa tingin ko ay alas dos palang ng hapon at nagpapasalamat ako dahil kahit na mainit ay hindi namin maramdaman dahil narin sa mga nagtataasang mga puno.
Napangiti ako ng makita ko ang Falls. Napakaganda nito at ang tubig napakalinaw. Hinubad ko ang suot kong flat shoes at kaagad akong tumakbo papunta doon. Napapikit ako ng makatapak ako sa tubig. Napakalamig nito at nakakarelax.
Naimulat ko naman ang mata ko ng maramdaman ko na may humawak sa bewang ko. Doon ko lang din napansin na naka spread ang dalawa kong kamay. Naalala ko tuloy ang titanic. Ganito din ang ginawa ni Rose at Jack. Nakayakap sa likod ni Rose si Jack. Ang kaibahan lang ay wala kami sa barko.
Dahil sa gulat ko ay napaharap ako sa kanya at isang malaking pagkakamali ang ginawa ko. Dahil sobrang lapit ng mukha nito sakin. Kitang-kita ko ang maputi niyang mukha, ang matangos nitong ilong, ang mahaba niyang pilikmata, ang kulay hazel nitong mata at ang labi nito. Napaka perpekto ng mukha niya.
Nagtagpo ang mga mata namin at kita kong palipat-lipat ang tingin niya sa mata ko at sa labi ko. Kita ko din ang pagtaas-baba ng adams apple niya. Itutulak ko sana siya but he caught my hand. Nagsimula na akong kabahan lalo na ng makita ko kung paano niya ako tignan.
I'm about to speak when he covered my mouth with his...
BINABASA MO ANG
Mojico Series 1: I Was Raped
عاطفيةI have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2016