IWR 8

37.7K 828 9
                                    

Maayos na ang lagay ko. Hindi na masakit ang sugat ko sa tuhod at gumagaling narin ito, kahit yung sugat ko sa noo.

Napahinto ako sa pagbaba ng makita ko si Devon na may kausap na isang lalaki at napapalibutan ito ng tatlong lalaki na mukhang bodyguards nito. Sa itsura ng mga ito ay mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nakita kong napatingin sakin ang kausap ni Devon.


"Who is she?" rinig kong tanong nito kay devon. Napatingin naman saakin si Devon saka ako nito senenyasan na lumapit.


"She's my wife Mr. Corpuz." pagpapakilala ni Devon sakin ng makalapit ako. Hindi na ako umangal pa ng ganun ang pakilala niya sakin.


"Kylie, meet Mr. Brandon Corpuz" tinignan ko si Mr. Corpuz kahit matanda na ito ay halata sa mukha nito na nirerespeto ito at hindi dapat binabangga.


Inilahad nito ang kamay sakin. Inabot ko naman ang kamay ko para sana makipag shake hands. Pero nagulat na lamang ako ng halikan nito ang likod ng palad ko. Mabilis ko namang binawi ang kamay ko saka napahawak sa braso ni Devon. Natawa ang matanda.


"I don't know that your good in choosing a woman. She's beautiful." wika nito. "But how come? I didn't know that you are married? Hindi mo man lang ako inimbitahan."


"It's just a civil wedding. But don't worry we're planning to have a church wedding. soon" Sagot ni devon na siyang ikinalingon ko sa kanya. Ano na naman ba ang pinagsasabi niya?


"Maybe we just continue our meeting on some other day." ani ni Mr. Corpuz. Bumaling ang tingin ng matanda sakin.


"And as for you Mrs. Mojico." ngumiti ito sakin isang kakaibang ngiti. Isang ngisi. Napahigpit naman ang kapit ko sa braso ni Devon.


"Just leave Mr. Corpuz." matigas na sabi ni Devon. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Tumawa naman si Mr. Corpuz.


"I see." ani nito. "Be careful Mrs. Mojico" sabi nito sakin sabay tingin kay devon. "Take care of your wife." sabi nito at lumabas na kasunod ng bodyguards nito.


Nakita ko naman pagkuyom ng kamao ni devon. Kita ko sa mukha niya ang galit. Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko at hinawakan ko ang kamay nito. Napatingin sakin si Devon. Nagulat nalang ako ng pinagsaklop niya ang mga kamay namin. Feeling ko ay nag-init ang pisngi ko.


"Saan mo gustong pumunta?" napaangat ako at tinignan siya.

"I-ikaw ang bahala." sabi ko nalang. Dahil sa katunayan ay hindi ko alam kong saan.

"I know some place." ani nito. "Go. Change your clothes" utos nito saakin.


Im wearing a blue dress at tenernohan ko ito ng white na flat shoes. HIndi ko nga alam kung kanino ang damit na ito na dinadala saakin ni manang Minerva.


"Señorita, hinihintay ka na po ng señorito. Nasa sasakyan na po siya." tumango ako sa katulong.

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto.


Nang makarating ako sa labas ay nakita ko si Devon na nakasandal sa kotse nito. Sandaling napatitig ako sa kanya. Jeans at sweatshirt lang ang suot nito pero kahit ganun ay lumalabas parin ang kagwapuhan nito.

Mojico Series 1: I Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon