Devon is kissing me. Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang ang sarili ko na tumugon sa halik niya. Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya and deepened the kiss. Naramdaman ko din ang paghigpit ng hawak nito sa beywang ko.
Naalala ko noong gabing ginahasa niya ako. Marahas ang halik niya saakin noon. Hindi katulad ngayon na maingat at puno ng pagmamahal. Natigilan ako. Pagmamahal? Naramdaman ni Devon na tumigil ako kaya naman ay napamulat ito at tinignan ako.
Hindi, mali. Mali ito. Hindi pwede. Baka isang patibong lamang ito. Pero bakit iba ang pinapakita niyang pagtrato sakin? Para bang isa akong mamahaling baso na hindi pwedeng mabasag.
"S-sorry..." paos na sabi ni Devon saka ito lumayo sakin. Nakita kong umupo ito sa may malaking bato.
Napahawak ako sa noo ko. Naguguluhan ako. Naalala ko na naman ang halikan namin kanina. Aaminin ko, nagustuhan ko ang halik niya. Kakaiba ang naramdaman ko ng hinalikan niya ako hindi tulad ng mga halik ni Renz. Ngayon alam ko na kong bakit hindi ako masyadong nakararamdam ng spark o sobrang kilig kapag si Renz ang kasama ko dahil pinaglalaruan niya lang naman pala ako. Curse that guy!
Napatingin ako kay Devon na naghihilamos ng mukha. Pinagmasdan ko siya. Bakit ba kahit saang anggulo ay napakagwapo nito? Dumapo ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako. Parang... parang gusto ko ulit maramdaman ang labi niya.
Nakagat ko ang labi ko. Ewan ko, pero patakbo akong lumapit sa kanya. Kita ko naman ang pagkagulat niya ng niyakap ko siya ng mahigpit. Inamoy ko din ang leeg niya. Gosh! I love his smell!
"K-kylie... W-what are...you doing?" parang nahihirapan niyang tanong. Tinignan ko siya.
"Gusto lang kitang yakapin." simpleng sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang mahinang pagmura niya. Nagsalubong ang kilay ko. Galit ba siya dahil niyakap ko siya? Ayaw niya bang niyayakap siya?
Tinulak ko siya saka padabog na tumayo.
"Gusto ko ng umuwi!" sigaw ko at nauna ng maglakad.
"Kylie wait!" alam kong nakasunod siya sakin pero hindi ko ito pinansin. Dire-diretso lang akong naglakad. Basta naiinis ako.
Naramdaman kong hinawakan niya ako.
"Kylie!"
"What?!" taas kilay kong sabi sa kanya.
"D*mn!" mahinang sabi niya sabay hawak sa batok niya.
"Minumura mo ba ako?" taas kilay kong sabi.
"No! Of course not!"
"Minura mo na nga ako! Sinisigawan mo pa ako! Ayokong makita ka!" sabay lakad ko ulit.
Basta naiinis ako dahil sa nangyare. Nakakabwiset siya! Ayoko siyang makita.
"Kylie, wait! Isuot mo na muna to. Baka masugatan ang paa mo." sabi niya sabay bigay ng flat shoes ko. Tsk. Dahil sa sobrang kamamadali ko nakalimutan kong isuot ulit ang ang flat shoes ko. Padabog ko itong kinuha at ng maisuot ko ito ay inirapan ko siya.
Gabi na at nandito ako ngayon sa kwarto ko. Simula ng umuwi kami dito kanina ay nandito lang ako sa kwarto ko ni hindi ako lumalabas. Naiinis parin ako kay Devon. Sinubukan niya nga akong kausapin pero hindi ko siya pinansin. Nabbwiset parin ako sa kanya lalo na sa pagmumukha niya. Ano ba itong nangyayare saakin? Pati ako naguguluhan sa mga nangyayare.
Bumukas ang pinto. Handa na sana akong sigawan ito dahil akala ko ay si Devon pero si nanay Minerva pala ito. May dala itong tray ng pagkain.
"Pinadadalhan ka ng pagkain ng señorito." ani nito saka ito tuloy-tuloy na pumasok saka inilapag ang pagkain sa table na nandoon.
"May hindi ba kayo pagkakaunawaan?" tanong nito pero hindi ako nagsalita. Nakita kong may sumilay na ngiti sa mga labi niya.
"Hindi dapat kayo nag-aaway. Dapat isa sainyo ang umunawa."sabi nito. "Huwag kang magpalipas ng gutom" dagdag pa nito at lumapit na sa pinto.
"Siyanga pala hija, kung gusto mo siyang puntahan. Katapat lang ng kwarto mo ang kwarto niya." at lumabas na ito.
Huminga ako ng malalim. Gusto ko lang naman siyang yakapin kanina pero mukhang ayaw niya.
Naalala ko na naman ang perpektong mukha nito. Lalo na nong nagbubuhat ito ng sako ang sexy nitong katawan na pawisan. Saan niya kaya nakuha ang impressive na six-pack nito? Takte! Para akong teenager sa pinaggagawa ko. Bakit ba kasi siya ang iniisip ko? Galit ako sa kanya diba? Pero bakit gusto ko siyang makita?In the end, natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumayo at naglakad papunta sa pinto para buksan ito. Hindi ko pa ito nabubuksan ng kusa ng bumukas ang pinto.At tumambad sakin ang isang gwapong nilalang. Halatang katatapos lang nitong maligo dahil sa basa nitong buhok. His only wearing a black sando and short.
Napakagat ako sa labi at patalon akong yumakap sa kanya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit, isinubsob ko din ang mukha ko sa leeg niya and I can smell his manly scent. Ipinulupot ko din ang legs ko sa beywang niya. Mabuti nalang at hinawakan ako ni Devon para hindi ako mahulog.
"Stay here Devon." sabi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya.
"H-huh?"
"Ang sabi ko stay here. Stay with me Devon. Manatili ka dito. Gets mo na?" ramdam ko ang mabibigat nitong hininga niya at ganun din ako.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero isa lang ang alam ko. Gusto kong nasa tabi ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Mojico Series 1: I Was Raped
RomanceI have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2016