Kylie~
"Mommy, I told you I don't want to wear that pink dress." kitang-kita ko ang pagsimangot ng mukha ni Princess. Pinapasuot ko kasi sa kanya ang kulay pink na dress dahil magsisimba kami pero ayaw niya itong suotin.
"But you have to wear it Princess and I will fix your hair." sabi ko. "Please lang wag ng matigas ang ulo"
Kita ko ang pagbusangot lalo ng mukha nito. Geez. Kanino ba kasi nagmana ang batang to? At masyadong matigas ang ulo.
"Mom, I don't want you to fix my hair. Can't you see this?" sabay turo nito sa suot nitong flower crown sa ulo niya. "Kuya Prince made this and I promise him that I will always wear this."
"Okay, fine. Hindi ko na aayusin ang buhok mo. But, you have to wear this." sabay pakita ko sa kanya ng damit.
"But mom!"
"What's happening here?" napatingin ako sa pinto at nakita ko ang gwapo kong asawa na si Devon. He was wearing a blue long sleeve polo and black pants. Lumapit siya saakin and he kiss me on my lips. Smack lang iyon pero halos magwala na ang puso ko.
"Hi mom!" lumapit naman sakin si Prince at hinalikan ako sa pisngi at tsaka ito lumapit kay Princess.
"Ayaw kasing suotin ito ni Princess." sabi ko kay devon.
"I told you, mom. I don't want to wear that pink dress." at nag cross arms ito.
Kita ko ang pag-iling ni Devon."Hayaan mo na siya Kylie. Wag mo ng pilitin ang anak natin." sabi nito.
"Kaya lumalaking matigas ang ulo kasi kinukunsinti mo." sabi ko sabay irap sa kanya.
Napakamot ito sa batok."Princess, malelate na tayo sa church." napatingin kaming dalawa kina prince.
"But kuya Prince, mom wants me to wear that dress." kita ko ang pagnguso nito sa kuya niya. Aba, at ang spoiled talaga ng batang to sa kuya niya. Tumingin saamin si Prince.
"Mom, dad. Ako na po ang bahala kay princess." sabi nito.
"But..."
"Let's go honey. Ako ang asikasuhin mo. Prince can handle her little sister." sabi saakin ni Devon. Wala na akong nagawa dahil hinatak na ako nito palabas ng kwarto ni Princess.
Dinala niya ako sa kwarto naming dalawa. Napa crossed arms ako at tinaasan siya ng kilay.
"What?" tanong nito.
"Kaya hindi sakin sumusunod kasi iniispoiled niyong dalawa ni Prince." sabi ko sa kanya.
Lumapit ito sakin at niyakap ako. "You know that princess really hates that color, honey. Hindi mo talaga mapipilit si Princess. You know how hard-headed she is right?"
"Oo, at manang-mana sayo na matigas ang ulo!" sabay pingot ko sa tenga niya.
"Ouch! D*mn!" hinawakan nito ang tenga niyang piningot ko. "Bakit ba ang sadista mo ngayon?" tanong nito sakin. Hindi ko na siya pinansin sa halip ay tumalikod ako at tinungo ang closet namin. Kumuha ako ng kulay white na polo ni devon.
"Oh." sabay abot ko nito sa kanya.
"Anong gagawin ko diyan?" kunot-noong tanong nito sakin.
"Kainin mo!" sigaw ko at binato ko sa kanya ito na agad niya namang sinalo. "Alam mo namang damit yan, magtatanong ka pa!" inirapan ko siya. Kita ko naman ang paglukot ng mukha nito.
"Bakit ang init ng ulo mo? Do you have your monthly period now?"
Agad ko siyang hinampas ng malakas. "Susuotin mo yan o magsisimba tayo ng wala kang suot na damit? Now you choose." mataray kong sabi pero unti-unti ko namang nasilayan ang pagngisi nito.
BINABASA MO ANG
Mojico Series 1: I Was Raped
Roman d'amourI have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2016