Third POV
Halos mangatog sa sobrang takot ang mga maids at butler ng mansyon. Galit na galit ang señorito nila. Halos magwala ito dahil nawawala si Kylie na asawa nito. Oo asawa ang pagkakaalam ng mga ito sa kanila.
"Where is my wife?!" sigaw ni Devon na halos mag echo ang boses sa buong mansyon. "D*mn it!" saka nito ginulo ang buhok gamit ang kamay.
"Sir!" napalingon naman si Devon sa tumawag ng pangalan niya. Si George ang personal butler nito.
"Maaaring sumakay ang señorita isa sa mga papaalis ng truck ng mga magsasaka." ang sabi nito.
"Let's find my wife, George. Alam kong hindi pa siya nakakalayo." sabi nito sabay labas ng mansyon at sinundan ito ng mga bodyguards.
Samantala, nilalamig narin si Kylie dahil narin sa gabi na at nanghihina na rin ito. Ramdam niya din ang pagkalam ng tiyan niya. Pinilit na tumayo at maglakad nito upang lumapit sa isang puno at doon umupo saka sumandal. Napapikit siya. Saka niya naalala ang mukha ng lalaki. Ang gwapong mukha ng gumahasa sa kanya. Si Devon. Kinasusuklaman niya ito ngunit may parte din sa kanya na nagsasabing kahit papano ay hindi siya nito pinatay at pinatira siya sa mansyon nito na para bang isa siyang reyna.
Napahawak siya sa kanyang leeg at may nahawakan siya. Isang kwintas. Alam niyang si Devon ang naglagay nito sa kanya nong isang gabi. Pero ngayon niya lang ito napansin. Kinapa niya ito at may nahawakan siyang maliit na bilog na sa tingin niya ay diamond.
Napatingin naman si Devon ng umilaw ang relo niya at tumunog ito.
"F*ck! Why did I forget it?!"
Hinawakan niya ang relo at halos maikuyom nito ang kamao at halata sa mukha nito ang pag-aalala.
"My wife is in danger! D*mn it!" inutusan niya ang driver na bilisan ang pagmamaneho.
Ngayon lang nito naalala na may inilagay siya na tracker sa kwintas na isinuot niya kay kylie. Nakalimutan niya dahil narin sa sobrang pag-aalala. Maaaring napindot ni kylie ang button ng hindi nito alam. Kaya naman ay tumunog ang suot niyang relo at may lumabas na mapa doon at may isang kulay pulang dot na ipinapakita ang kung nasaan si Kylie.
Unti-unti ng nawawalan ng pag-asa si Kylie. Alam niyang imposibleng mahanap siya ni Devon. Natatakot na din siya dahil sobrang dilim ng gubat at wala na siyang makita.
Isa pang kinatatakutan niya ay baka may mabangis na hayop na umaaligid sa gubat na ito lalo na ang ahas."KYLIE!!!" napaangat ang ulo ni Kylie ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Nakita niya din ang ilang liwanag na naggagaling sa paligid.
Napangiti siya dahil alam niyang ligtas na siya.
"Kylie!" naramdaman niyang hinawakan siya nito. "D*mn it! F*ck!"
Kahit hindi niya makita ang mukha nito ay alam niyang nag-aalala ito.
Nakaramdam siya ng tuwa, takot at galak. Gusto niyang yakapin ang binata kaya ginawa niya ito.Niyakap niya ng mahigpit ang binata ramdam niya din ang pagkagulat nito. She feel safe with him. At doon ay hindi niya na napigilan ang luhang kanina niya pa pinipigilan.
"Maayos na ang mga sugat niya sir Devon. Kailangan niya lang magpahinga." ang sabi ng doktor. Tumango lamang ito saka pinagmasdan ang natutulog na si Kylie.
"Ihahatid ko na po siya." ang sabi naman ni George.
"Aalis na po ako sir Devon.' paalam ng doktor saka lumabas ng kwarto kasunod ni George.
BINABASA MO ANG
Mojico Series 1: I Was Raped
RomanceI have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2016