IWR 16

32K 842 40
                                    

Nang imulat ko ang mata ko ay nadatnan ko ang sarili ko na nasa ospital. Tinignan ko ang braso ko at nakabenda ito. Napadaing naman ako ng makaramdam ng pagkirot sa katawan ko.

"Kylie." nakita ko si Devon na tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa na nandon.

"Thank god you're awake." sabi nito at hinaplos ang mukha ko. "Anong masakit sayo? Tell me."

"Okay lang ako" sabi ko. Tinanggal ko ang kumot sa katawan ko dahil hindi ako komportable.

"Huwag ka munang tumayo."

Kunot-noo ko siyang tinignan.

"Bakit naman?" nakita ko ang paglunok nito at pagkataranta.

"Anong nangyayare sayo? Okay ka lang ba?" tanong ko. Pinagpapawisan na rin kasi ang mukha nito kahit na may aircon naman sa kwarto.

Bumukas ang pinto at nakita mo si Stone.

"Sap bro!" bati nito kay Devon saka tumingin sakin. "Hi Ms. Beautiful!" nakangiting bati niya sakin. "Ok ka na ba?" tumango ako sa kanya saka ito umupo sa sofa.

"Nga pala bro, sumama sakin si Angel. Nandon sa labas may kinausap lang pero papasok din yun mamaya."

"What?!" sigaw ni Devon.

"Oh, relax bro. Para namang may gagawing masama si Angel kay Ms. Beautiful." nattawang sabi nito.

Nagtaka naman ako kung sino si Angel at kung bakit ganito ang reaksyon ni Devon. Para namang bumigat ang kalooban ko na isiping, baka ito ang girlfriend ni Devon.

"Saka bro, bakit ganyan itsura mo? May sakit ka ba?" tanong ni stone. "Nga pala, anong sabi ng doktor tungkol kay Ms. Beautiful?"

Nakita ko ang pamumutla ni Devon at ang sunod-sunod na paglunok nito.

"Bro, may sakit ka ba talaga?" takang tanong ni Stone.

Kahit ako nagtataka sa kinikilos ni Devon. May sakit ba siya or something?

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang maganda, sexy, maputi at makinis na babae. Nakasuot ito ng kulay yellow na halter dress na sobrang hapit na hapit sa katawan nito at 3 inch na black heels. Kulay blonde ang mahaba nitong buhokat  mapula ang labi. Seryoso ang mukha nito at mukhang mataray.

"Hello hells" sabay tingin nito kina Stone at Devon.

"What's with that face brother? tanong nito kay Devon.

Brother? Ibig sabihin kapatid nila ang babaeng ito? Bumaling ang tingin nito sakin. Tumaas ang kilay nito saka ako pinasadahan ng tingin.

"You must be Kylie."

"Angel dont--

Hindi na natapos ni Devon ang sasabihin ng tinignan siya ng masama ni Angel.

Pinagmasdan ako ni Angel na para bang pinag-aaralan nito ang mukha ko. Nagulat nalang ako ng ngumiti siya.

"Ang galing mong pumili Devon-yo ah? May taste ka din pala sa babae." sabay tawa nito. Gusto ko sanang matawa sa tawag nito kay devon pero pinigilan ko.

"MY GOSH! You're so pretty!" tili nito sakin. Ang kaninang nakakatakot nitong aura ay wala na.

"Mahilig ka bang magshopping?" tanong nito. Tumango ako.

"OMG! May shopping buddy na ako!"sabay yakap nito sakin. Napangiwi ako dahil mas lalong sumakit ang katawan ko.

"Ano ka ba Angel? Lumayo ka nga sa kanya. Baka masaktan siya." inilayo ni Devon si Angel saakin.

"Why so damot Devon-yo? I just want to be close with my sis in law!" maktol nito.

"Hindi mo siya pwedeng lapitan dahil baka masaktan siya"

"Wag ka ngang oa Devon-yo"

"Oh shut up Angel! Wag mong guguluhin si Kylie."

"You're so--

Natigil naman sila ng pumasok ang isang babaeng doktor. Nakangiti ito saamin.

"Gising ka na pala Mrs. Mojico." wika niya. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong  nito

"Okay lang po ako dok." sagot ko.

"Anyway, nandito lang ako para payuhan kita. Bawal sayo ang mastress, mapagod at mapuyat ok?"

Kahit naguguluhan ay tumango padin ako.

"Niresetahan na din kita ng mga vitamins mo. You need to drink it regulary then eat in time." paliwanag nito.

"Dok, may sakit po ba si Ms. Beautiful?" takang tanong ni Stone. Napatayo din ito mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Oo nga dok, may sakit ba ang sis in law ko?" tanong naman ni Angel.

"Kung ganun ay hindi pa pala sayo sinasabi ng asawa mo ang resulta." napatingin ako kay devon. Napakaputla na nito at pinagpapawisan.

"Dok, pwedeng straight to the point ka na?" sabi ulit ni Stone.

Nagsimula na din akong kabahan. Baka nga may sakit ako kaya ganito nalang ang sinasabi ng doktor.

"You don't have to worry, she is fine. The good news is She's 3 weeks pregnant."


Nagulat ako sa sinabi ng doktor ganun din sina Stone at angel. Kita ko sa mga mukha nila ang pagkabigla. Sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto ni walang nagsalita. Buntis ako at 3 weeks na? Kaya pala napapansin kong lumalaki ang tiyan ko kasi nga may munting anghel na ang nabubuhay sa loob ng tiyan ko. Nagkatinginan kami ni Devon.


"Oh...my...god..." si Angel ang unang nakabawi. "Im going to call mom and dad! They are going to be a lolo and lola na!" excited na sabi nito at lumabas ng room.

"Wow bro! Congrats! Sharp shooter ah?" sabay tapik sa balikat ni Devon. Tumingin naman sakin si Stone. "Gusto ko ng kambal ah?" sabay tawa nito.

Lahat kami ay nagulat ng bigla nalang mawalan ng malay si Devon.

"ANAK NG!" Sigaw ni Stone at inalalayan si devon na walang malay. Narinig ko namang tumawa ang doktor.

"Ganyan din ang nangyare sa kanya kanina ng sabihin ko sa kanya na buntis ka. He collapsed" paliwanag ng doktor. "Ganyan talaga minsan ang mga lalaki kapag nalaman nilang magiging ama na sila."

"Takte naman bro! Gising!" napatingin naman ako kina Stone. Tinatapik nito ang pisngi ni Devon. "Dok kelan ba to magigising?"

"After one hour." sagot ng doktor.

"ANAK NG SAMPUNG PATING NAMAN OH!"



Hinaplos ko ang tiyan ko. May part saakin na natutuwa ako dahil may munting anghel na sa tiyan ko. Pero hindi parin sapat na matuwa ako dahil bunga ito ng pagkakamali. Hindi parin maitatago na ginahasa ako. Ginahasa ako ni Devon.

Mojico Series 1: I Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon