Sinubukan kong pihitin ang seradura ng pinto nang tinutuluyan kong kwarto. Luckily ay hindi na ito naka lock di tulad nong nakaraang araw na naka lock ito. Lumabas ako at sinimulang lakarin ang mahabang pasilyo. Gray, white at black ang karaniwang kulay ng pader. May mga nakasabit din sa pader na mga paintings. May nakita akong pinto, sa tingin ko ay kwarto ito ngunit hindi ko alam kong kanino. Kung ganun ay tatlo pala ang kwarto sa floor na ito.
Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa makarating ako ng hagdan. Bumaba ako at tumambad sakin ang napakalaking sala. May tatlong sofa doon na kulay pula at isang centered table. May flat screen TV din doon. Lahat ay organize at halata mong pang mayaman talaga ang mga kagamitan.
Tinuloy ko ang paglilibot hanggang sa makarating ako ng kusina. Nakita ko doon sina Ana at Jessa at isa pang babae na nakasuot ng unipormeng pang chef. Nang makita nila ako ay nag bow sila.
"Magandang umaga señorita." bati nila na ikinataka ko. Señorita? At kelan pa ako naging señorita dito? Sa pagkakaalam ko ay kinulong ako sa loob ng pamamahay na to.
"Nagugutom po ba kayo?" tanong ni Jessa. "Ano po bang gusto niyong kainin?" dagdag pa nito pero umiling ako.
"Siyanga po pala señorita, siya po si Chef Rhea. Siya po ang tagapagluto niyo." pakilala ni Ana sa kasama nito. Ngumiti sakin si Chef Rhea.
"Ikinagagalak kitang makilala señorita. Ako po ang kinuha ni señorito Devon upang iyong maging tagapagluto." sabi nito. "Ang sweet po ng asawa niyo señorita." nakangiting sabi ulit nito.
Sandali akong natigilan. Asawa? Kelan pa? Kung ganun ay Devon pala ang pangalan ng lalaking iyon. Napatiim baga ako. Devon? Bagay sa pangalan niya na isang demonyo.
"Señorita, okay lang po ba kayo?"
Napatingin ako sa kanila at pinilit na ngumiti.
"Huwag niyo na akong tawaging señorita, Kylie nalang." sabi ko.
"Pero asawa po kayo ng señorito. Isa pa ay baka magalit siya." nahihintakutang sabi ni Jessa.
"Kung ganun, tawagin niyo nalang ako sa pangalan ko kapag wala siya dito." sabi ko.
"S-sige po Kylie." napangiti nalang ako dahil mukhang hindi sila sanay na banggitin ang pangalan ko.
"Saan ba ang labasan dito?"
"Naku señori... este Kylie. Hindi po kayo pwedeng lumabas. Iyon po ang bilin saamin ng señorito." nag-aalalang sabi ni Ana.
Ngumiti ako ng mapakla. Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas ako dito.
"Maglilibot-libot lang ako sa labas. Hindi ba may garden dito?" lihim na kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko naman alam kong meron ngang garden dito.
"Dito nalang po kayo lumabas. May daanan naman po dito papunta ng hardin." wika ni Ana sabay turo ng daanan.
Tumango ako saka nagsimulang naglakad at napansin ko namang sumusunod sakin ang dalawa. Tumigil ako sa paglalakad saka sila hinarap.
"Gusto kong mapag-isa." sabi ko pero mukhang nag-aalangan pa sila na iwan ako. "Huwag kayong mag-alala. Babalik din ako."
"Sige po." sabi nila saka nag bow at umalis.
Nang makita kong pumasok na sila ay dali-dali akong naglakad. Hinanap ko ang daan palabas ngunit masyadong malaki at malawak ang labas. Puro halaman at nagtataasang puno ang nakikita ko. Tumakbo ako ng tumakbo tanaw ko din na malayo na ako bahay. Saan ba kasi ang labasan dito? Kailangan kong makaalis sa bahay na to.
"Ayos na siguro ito. Marami na din ang kikitain natin dito."
"Oo nga. Mabuti pa ay iluwas na natin ito."
Dumako ang tingin ko sa dalawang lalaki na nag-uusap. Labis ang tuwa ko sa nakita ko, mukhang lalabas sila para ihatid sa palengke ang mga sako-sakong nasa truck.
"Sandali lang pare, may dalawang sako pa pala tayong hindi nakukuha. Tara kunin natin."
"Sige"
Nang umalis sila ay dali-dali akong pumunta sa truck. Umakyat ako saka binuksan ang nakatakip na tela dito. Tumambad sakin ang ilang mangga, mais at ubas. Naghanap ako ng pwede kong pagtaguan saka ko itinakip ang tela. Rinig ko din ang pagdating ng dalawang lalaki. Sinikap kong isiksik ang sarili ko sa dalawang sako para hindi nila ako makita.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan at nagsimula na itong umandar.
Halos magdiwang ako ng masilip ko na nakalabas na kami ng mansyon. Isa itong Hacienda na may napakalaki at napakalawak ng lupain. Madami din palang bantay sa gate mahigit nasa sampung katao ang nandon. Napakahigpit naman pala ng security dito. Mabuti nalang at nakatakas ako.
Nagpasya akong bumaba sa truck ng sandaling huminto ito. Tumakbo ako at nagtago. Nang makalayo na ang truck ay saka ko pinagmasdan ang lugar na binabaan ko. Halatang isolated ang lugar. Dahil narin sa mga puno sa gilid. Mukhang gubat ito at isang highway na daanan ng sasakyan. Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Agad akong tumakbo papasok ng gubat at nagtago sa likod ng isang puno. Sumilip ako at kita ko ang marami at iba't ibang mamahaling kotse. Sa tingin ko ay papunta ito ng mansyon. Kailangan kong makaalis dito bago pa nila malaman na nawawala ako.
Hahakbang na sana ako ngunit napasigaw ako ng nadulas ang paa ko't nahulog at dire-diretso akong nagpa gulong-gulong sa lupa. Ramdam ko ang pagtama ko sa mga matutulis na bato at mga sanga.
Sinubukan ko tumayo. "Ahh-ray!" Pero napaupo din ako saka ko napansin na may sugat pala ako sa tuhod. Tinignan ko ang pinanggalingan ko kanina. Mataas ito at makakaya ko pang makaakyat pero hindi ko ito magagawa lalo na sa kalagayan ko. May kung anong tumulo sa noo ko. Nang hawakan ko ito ay nakita kong dugo.
Nilakasan ko ang loob ko saka tumayo ngunit napaupo ulit ako. Tuluyan na akong nanghina.
Ito na ba ang katapusan ko?
BINABASA MO ANG
Mojico Series 1: I Was Raped
RomanceI have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2016