Mahigit isang buwan na ding naka confine si papa dito sa ospital. Nakakalungkot nga lang isipin dahil comatose si papa. Malakas daw ang pagkakabagok ng ulo ni papa ng maaksidente ito kaya na coma at hindi nila alam kung kelan ito magigising. Ito ang sinabi saakin ng doktor kagabi.
Mabuti nalang at pumayag si Devon na manatili ako dito sa ospital. Kasama ko siyang pumunta dito kanina pero umalis din ito dahil may kailangan daw puntahan.
Hindi ko pa nga pala ito napapasalamatan dahil dinala niya ako kay papa. Alam kong hinanap niya ito para sakin."Hi Ms. Beautiful!" napalingon naman ako at nakita si Stone na kapapasok lang. May hawak itong paper bag.
"Dinalhan kita ng makakain. Ayoko kasing magutom ang sis in law ko." sabi nito na ikinanoot ng noo ko.
"Hindi man lang ako naikwento ni Devon sayo." naiiling na sabi nito. "Im Stone Mojico kapatid ni Devon."
Kaya pala may pagkakahawig ang dalawa kasi magkapatid nga ito.
"Ms. Beautiful, wag mo naman akong tignan ng ganyan. Alam kong gwapo ako. Pero hindi tayo pwede, taken ka na at ayoko pang masira ang gwapo kong mukha."
I just rolled my eyes. Masyadong mahangin ang lalaking to.
"Kumain ka na Ms. Beautiful" sabay abot nito sakin ng paper bag. Kinuha ko ito at nilapag sa mesa.
"Ikaw, kumain ka na ba?" tanong ko.
"Ito nalang ang kakainin ko." sabay kuha ng apple sa basket at kinagatan ito.
Bumukas naman ang pinto at pumasok ang isang nurse. Sumipol naman si stone. Napailing nalang ako.
"Maam, ichecheck ko lang po ang pasyente" sabi nito.
Chineck nito si papa tapos ay may isinusulat ito sa papel.
"Ako miss, pwede mo din ba akong icheck?" tanong naman ni Stone.
Bumaling ang tingin ng nurse kay stone.
"Bakit may sakit po ba kayo?" tanong nito.
"Hindi ko alam miss. Bigla nalang kasing lumakas ang tibok ng puso ko ng makita kita." sabay kindat ni Stone sa babae.
Nakita ko namang tumaas ang kilay ng babae.
"Then I guess you're abnormal sir. Mabuti pa pumunta nalang kayo sa isang cardiologist. Marami pa akong gagawin. Excuse me." sabi nito sabay alis.
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Stone. Lukot na lukot kasi ang mukha nito. Siguro first time lang na may sumagot sa kanya ng ganun.
"Nga pala, anong plano mo don sa pangalawa mong pamilya?" napalingon ako sa sinabi niya. Sina tita Roxie at Trixie ba ang tinutukoy niya?
"What about them?" tanong ko.
"Well, bago ko hanapin ang papa mo. Nag investigate na muna ako about sayo. And it turns out na nalaman ko ang tungkol sa evil step mom at step sister mo. Wow ah? Mala fairytale pala ang story mo Ms. Beautiful. Sino ka ba sa mga princess? Si cinderella?" mahaba nitong sabi.
"Pwede bang diretsuhin mo na ako? Anong tungkol sa kanila?" tanong ko. Nawala na ang ngisi nito at sumeryoso na.
"Hindi totoong aksidente ang nangyare sa papa mo." naguluhan ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin?
"Your step mom & step sis.... they planned it." napasinghap ako.
Ibig sabihin sila ang may dahilan kung bakit naaksidente si papa. Mga walanghiya sila!
"Gusto nilang makuha ang ari-arian ng papa mo. So, they planned to kill your dad. Pero dahil hindi nga sila nagtagumpay. They proceed to their plan B. Gumawa sila ng pekeng will testament. Na nagsasabing sa kanila iiwan ang lahat niyong ari-arian but the truth is, wala talagang balak ang papa mo na ipamana ang kahit na anong meron kayo sa kanila. Sayo ipapamana ng papa mo ang lahat" sabi nito.
Pinunasan ko ang tumulong luha sa mukha ko. So all this time talagang pera lang ang habol nila samin? At tinangka pa nilang patayin ang papa ko!
"At isa pa pala. Hindi talaga dito na confine ang papa mo. Nahanap namin siya sa ibang ospital. He was in a public hospital kung saan hindi siya naaasikaso ng maayos." dagdag pa nito.
Tinignan ko siya. "K-kelan mo nahanap ang papa ko?"
"Nong isang araw lang." sabi nito. "Actually si Devon ang nakahanap sa papa mo. Then ako lang ang nag investigate sa mga info mo. Remember the folder yesterday? Yung nasa pool kayo? Nandon lahat ng Info at wag kang mabibigla ah?" kinabahan naman ako sa sinabi niya but I remain calm.
"A-ano?"
"Nang mahanap namin ang paoa mo, nandon ang step mom mo. Imagine, she was dressed up in a nurse uniform. Just to kill your father again. She's really d*mn crazy huh?" parang hindi makapaniwalang sabi niya.
"Mabuti nalang at napigilan ni Devon. Kaya ngayon, kahit nilipat na namin ito ng ospital. We make sure na safe siya dahil may mga bodyguards dito."
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Tinignan ko si Papa. Hinaplos ko ang mukha niya. Sorry papa wala akong nagawa para ipagtanggol kita. Hinalikan ko ang noo nito saka ako tumayo. Linapitan ko si Stone.
"May dala kang kotse diba?" tanong ko dito.
"Meron."
"Pahiram muna ng kotse mo. Akin na yung susi." sabay lahad ko ng kamay.
"Saan ka pupunta?" seryosong sabi nito.
"May bibilhin lang ako."
"Ako nalang ang bibili."
"Ako na. Ibigay mo nalang sakin ang susi ng kotse mo." matigas na sabi ko.
Nag-aalangan pa ito kung ibibigay niya ba saakin o hindi. But in the end, binigay niya din ito sakin.
"What color?" tanong ko.
Nakita kong ngumisi ito. "My awesome lamborghini huracan. Color red." mayabang na sabi nito.
Tumango naman ako sabay labas ng kwarto. Lumabas ako ng ospital na may galit sa mukha ko.
Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa papa ko.
BINABASA MO ANG
Mojico Series 1: I Was Raped
RomanceI have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2016