Chapter 23 √

515 29 0
                                    

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Jimboy's POV


"Mccoy, san ka pupunta? Dito yung national bookstore." sabi ko.



Napahinto naman siya sa paglalakad at bumalik sa kinatatayuan namin.




"Ahh. Hehe. D'yan ba? Akala ko dito eh." sabi niya.





Parang kanina pa toh wala sa sarili. Hmmm... I smell something fishy.





Naglakad na kami papunta sa National bookstore.




"Mccoy, may problema ka ba? Kanina ka pa wala sa sarili eh." tanong ko.









"Problema? Wala. Wala naman akong problema."







"Sus! Ano ba talagang hinahanap mo?" tanong ni Ronnie.








"Hindi 'ano' baka 'sino'." sabi ko.






"Pinagsasabi niyo d'yan." tapos nauna na siyang pumasok sa national bookstore.





Pumunta siya sa shelves ng mga libro.




"Palusot ka pa. Hindi talaga libro ang pinunta mo dito noh?" tanong ni Ronnie.







"Oh ayan na yung hinahanap mo." sabi ni Nikko.






"Si Maris? Asan?" tapos palinga-linga siya.







At dahil sa pagkataranta niya nasagi niya ang ibang libro na naging dahilan ng pagbagsak nito.






Nagtinginan sa amin ang mga tao dito sa bookstore kaya pinulot agad namin yung mga libro.








"Ano bang nangyayari sa'yo Mccoy?" tanong ko habang pinupulot namin yung mga libro.








"Si Nikko kasi eh, kung ano ano yung pinagsasabi." sabi niya.










"Bakit? Yung libro lang naman na hinahanap mo yung tinuturo ko ah? Bakit ano ba ang akala mo?" tanong ni Nikko.










"Ang akala niya kasi si Maris yung tinuturo mo kaya nataranta siya. Kaya ito tayo ngayon nagpupulot ng mga libro." sabi ni Ronnie.












Kinuha na ni Mccoy yung bibilhin niyang libro nung naibalik na namin sa lalagyan yung mga nalaglag na libro.









"Pinagsasabi niyo d'yan?" tanong ni Mccoy tapos pumunta na siya sa counter. Sumunod kami.













"Aha! Aminin mo. Hindi yan ang pinunta mo dito noh? Sinusundan mo si Maris?" tanong ni Ronnie.












"Si Maris? Tss.. Bakit ko naman siya susundan? Tsaka di ko naman alam kung nandito siya o wala."











"Sus! Ikaw pa! Eh halos lahat ng tungkol sa kanya alam mo." sabi ni Ronnie. Haha! Loko talaga toh.










Lumabas na kami nung nakabayad na si Mccoy.











"Basta! Di ko siya sinusundan. Tsaka bakit ko naman siya susundan?" tanong ni Mccoy.










"Because you want to. Dahil nagseselos ka na si Manolo ang kasama niya ngayon imbes na ikaw." sabi ko.










"Ewan. Basta! Kumain na lang tayo. Gutom lang yan." sabi niya tapos nauna na siyang pumasok sa Jollibee.











Dahil marami ng tao sa Jollibee at wala na kaming maupuan, nagtake out na lang kami at sa food court kumain.




Ganto pwesto namin...

Ako Mccoy
TABLE
Ronnie Nikko





Tahimik lang kaming kumain. Nang matulala si Nikko ng nakatingin sa likod namin ni Mccoy at kalabitin si Mccoy.







"Ano na naman?!" inis na tanong ni Mccoy.










Tinuturo lang Nikko yung nasa likod namin sa pamamagitan ng nguso niya.









"Hay naku Nikko. Gutom lang yan. Kumain ka. Oh!" tapos nilagay niya yung kalahating burger sa bibig ni Nikko.









Out of curiosity. Tumingin ako sa likod namin para makita kung ano yung tinuturo ni Nikko. Muka kasing nakakita ng multo, hindi makapagsalita.









O________________o







"Tingin ka na lang sa likod Mccoy." sabi ko.










"Pati ba naman ikaw Jimboy. Ano bang nakain niyo at pinagtitripan niyo ako?" tanong niya












"Basta! Sumunod ka na lang." sabi ni Ronnie.











"Bakit? Sino ba yan? Si Maris. Haha! Style niyo bulok. Wag ako. Tss."








-_____________- kaming tatlo yan.







"Sasabihin niyo si Maris? Tapos ano? Pagtatawanan niyo ako at ano mapapahiya na naman ako. Tapos--"














"Hi guys!"































°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
To be continued...

If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon