Chapter 4 √

905 36 0
                                    

•••••••••••••••
Maris' POV


"Okay class, get one whole sheet of paper. May quiz kayo."



What?!


"Hala! Pero Sir, wala naman po kayong sinabi kahapon na may quiz po ngayon." -classmate no. 1


Oo nga!



"Surprise quiz. Kaya dapat kahit na walang sinabi ang teacher na may quiz, you have the responsibility to read or review the lessons. Para may maisasagot kayo kapag may gantong surprise quiz"



Patay! Di pa naman ako nakapagbasa kagabi. Ni hindi ko nga rin nagawa yung assignment ko eh. Nakatulog kasi ako. Buti na lang hindi nagbabanggit tong mga classmates ko na may assignment. Sana hindi maalala ni Sir. Patay talaga ako neto!


"Get one and pass"



"Grabe naman toh si Sir. 2nd day niya pa lang dito sa atin may quiz agad." -Sofia



"Oo nga eh. Pero buti na lang nakapagbasa tayo kagabi noh?" -Jane


Tumango naman si Sofia



"Ikaw Maris? Nakapagbasa ka kagabi?" -tanong ni Jane



Malungkot akong umiling.



"Patay!" sabay nilang sabi



Panigurado zero ako dito.



"Pwede na kayong magstart. Lalabas muna ako sandali. Wag kayong mag-iingay ah?"



"Yes Sir" tapos lumabas na siya



Tinignan ko naman yung test paper. Sana maalala ko yung iba.




After 5 minutes wala pa rin akong nasasagutan ni isang tanong. Ugh! Yari ako nito. Nagtry ako na magsagot. Waahh!! Sana tama toh! Bahala na nga!



"Okay Class, time is up. Exchange papers"



After 30 minutes bumalik na si Sir. Nasagutan ko naman lahat pero hindi ko alam kung tama yun. *crossed fingers*



Sinulat na ni Sir yung mga sagot sa board. Kinakabahan ako. Pano pag naka-zero ako? Naku! Lagot talaga ako kay Kuya. Habang nagche-check kami tinitignan ko yung papel ko na nakay Jane pero tinatakpan niya. -_-



"Jane, patingin!"



"Mamaya na! Ibibigay ko naman toh sayo mamaya eh."



"Eehh! Patingin na!"


"Ano ka ba relax ka lang. Mamaya na para surprise. Hehe"


"Hmp!"


Bumalik na lang ulit ako sa pagcheck ng papel ni Sofia. Isa pa lang mali niya. Matatalino kasi tong mga toh eh pagdating sa Math. Eh ako nganga! Hirap na hirap na talaga ako.




If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon