Chapter 15 √

734 38 5
                                    

Monday ~~

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Maris' POV

Time check: 4:36 PM

Yes! Malapit na uwian. Magmo-movie marathon kasi kaming tatlo sa bahay ni Sofia. Excited na ako kasi pinayagan ako ni Kuya.

~KRIIIIIIIINNNNNGG~

"Okay. Class dismissed." tapos lumabas na si Ma'am.



"Tara na." sabi ni Jane tapos tumayo na kami.


Habang naglalakad kami nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko naman sa bulsa ko.


1 new message received ««
From: Mccoy ^_^

Maris, nandito na ako labas ng gate.
Sabay na lang daw ako sa inyo sabi ni Jon.
Start ngayon ng tutorial, remember?

»« end of text message »«


Nawala naman yung ngiti ko. Ngayon nga pala yun. Excited pa naman ako sa movie marathon namin kasi pinayagan na ako ni Kuya. Lagi na ngang nakangiti yun eh tapos tanong nang tanong tungkol kay Sofia. Parang may something talaga eh.

"Hmm. Sofia, Jane. Hindi pala ako makakasama."


Humarap naman sila sa akin.


"What?! But why?!" tanong ni Sofia.



"Pinayagan ka na diba?" tanong ni Jane.



"Ehehe.. M-may pupuntahan kasi kami ni Kuya eh. Nakalimutan ko."



Di ko sinabi sa kanila na may tutor ako. Nahihiya kasi ako eh. Tapos si Mccoy pa, lalo akong aasarin niyang mga yan.




"Saan kayo pupunta?" diretsong tanong ni Sofia.


"Ehehe.. S-sa kaibigan niya."


Naka-cross arms silang dalawa.


"Okay? Pero bawi ka bukas ah?" sabi ni Jane. Tumango naman ako tapos naglakad na kami.


Nung nasa gate na kami. Nakita ko si Mccoy na naghihintay.



"Sofia, ayun na yung kotse niyo. Sige sakay na kayo."



"Ahh.. Sige, bawi ka bukas ah?" tumango naman ako tapos sumakay na sila.



Nung umalis na sila saka lang ako lumapit kay Mccoy.



"Nasan si Kuya?" tanong ko.



~~Beepppp~~

Tumingin naman kami sa bumusina. Binaba niya yung bintana.


"Tara na." sabi ni Kuya Jon. Si Kuya Luke yung nagda-drive kaya nasa tabi ng driver's seat si Kuya Jon.


Sa back seat naman kami umupo ni Mccoy. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon