Chapter 32 √

183 6 0
                                    

Maris’ POV
•••••••••••••••••••••



Ten tenen~~ Ten tenenen ne nen (Graduation Song XD)


Yes, malapit na ang graduation namin. Sa Friday na. 2 days na kaming nagpapraktis para sa graduation at bukas na ang Grand Rehearsal then sa Thursday, beauty rest. Char! Recognition ng ibang students mula First year to Third year.


Conde, Mariestella R. ” tawag ni Mrs. Domingo na tumayong Emcee.


Umakyat na ako sa stage na mayroong Teacher at kunwari siya ang mag-aabot sa amin ng aming mga diploma. Pagkatapos ay bumaba na ako at bumalik sa aking pwesto.


Umaabot sa isang oras ang aming praktis dahil isinasama rin sa praktis ang paglalakad ng mga estudyante sa gitna. Marami kaming ga-graduate. Kaya yung mga nauunang magmartsa ay pagod na dahil nakatayo sila habang hinihintay ang iba.



~Fast Forward ~~~~~



“Tara, kain na tayo.” aya ni Sofia sa amin.




Matamlay kaming naglakad papunta sa canteen.




“Ugh! Gutom na gutom na ako.” ani ni Jane.




“Ako din.” ani ko




Lalo kaming nanamlay nang makarating kami sa canteen.




“Ang haba ng pila.” sabi ko.




Maghanap na muna kayo ng upuan. Ako na lang mag-oorder.” sabi ni Jane.



Tumango na lang kami ni Sofia at naghanap na ng mauupuan.


Nakahanap kami sa bandang dulo umupo agad kami at baka maagawan pa kami. Maraming tao at karamihan ay mga 4th year na galing sa praktis.


Habang hinihintay namin si Jane may lumapit sa akin na estudyanteng lalaki, 3rd year siya dahil sa kulay ng lace niya. May binigay itong tray na puro pagkain na paborito kong kainin kapag recess namin.



“Ate, may nagpapabigay po.” sabi niya habang inilalapag ang tray sa table namin.



“Huh? Kanino galing?” tanong ko pero imbes na sumagot ay may inabot itong papel tapos umalis na siya.



Salamat!” humarap ito at ngumiti at tuluyan na siyang umalis.



Andami naman nito!” sabi ni Sofia habang kinakain na ang pagkain sa tray.



Dear Maris,

~ ‘Wag ka nang malungkot. Alam ko gutom ka na kaya ipinaabot ko yung tray. Paborito mo ang mga ‘yan di ba? Alam kong pagod ka sa praktis. Para sa’yo lahat nang ‘yan. :) ~

                                                                    Love,
                                             I’ll tell you who I am. SOON




I’ll tell you who I am. SOON



Napangiti naman ako. Hindi mo na kailangang sabihin dahil alam ko na kung sino ka. Jimboy :)




Lumingon ako sa paligid dahil alam kong nandito lang siya at nakamasid sa akin.






McCoy’s POV
••••••••••••••••••••



Nagtago agad ako sa dingding dahil nakasilip ako kanina. Hinahanap niya ako. Napangiti ko siya.





“I will tell you who I am. SOON.” bulong ko.




Malapit na Maris. Malapit na.
















To be continued.....

|N E V E R E N D I N G S T O R Y|

If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon