Maris' POV
••••••••••••••••••••••••~ KRIINGGGGGGGGGGGG!!!!
Hmmnnn.. Inaantok pa ako eh.
Tinakpan ko ang tenga ko para hindi ko na ulit marinig ang maingay na alarm clock ko.
~ KRIINGGGGGGGGGGGG!!!!
"Ano ba?!" pabalikwas na sigaw ko. At ang tindi, hindi pa rin nagigising itong mga kasama ko.
In-off ko na ang alarm clock!
Nakasimangot akong nakapangalumbaba habang nakaupo sa kama. Hay..
Tumingin naman ako sa kalendaryo habang papikit-pikit ang mga mata ko. Antok na antok pa rin kasi ako eh.
"Ano ba ngayon?" tanong ko sa sarili ko.
Friday. Ano bang meron ngayon at dito natulog sina Sofia at Jane kagabi?
~ TING!
Tinatamad kong kinuha ang phone ko.
9:55 AM
03/30/12 FRIDAY
Graduation Day! <3Nakatingin lang ako sa phone ko.
"Graduation day?" tanong ko sa sarili ko.
~ TOK! TOK! TOK!
"Maris? Gising ka na ba?"
Napatingin naman ako sa nakasarang pinto ng kuwarto ko.
"Opo Kuya!" sigaw ko kay Kuya Luke para marinig niya sa labas.
Gumalaw naman si Jane dahil siguro naingayan siya sa akin pero tulog pa rin siya.
"Bumaba na kayo! Naghihintay na yung almusal." pagkatapos ay narinig ko ang yabag niya palayo sa dito sa kuwarto.
Tinatamad pa akong tumayo. Napuyat kasi kami dahil nagmovie marathon pa kami kagabi bago matulog. Inabot na kami ng alas dose ng madaling-araw.
Tumingin ulit ako sa phone ko. Graduation day!
Aaaahhhhhhh!!!!!!! Tumalon ako paalis ng kama at saka tumakbo sa banyo para maghilamos. Na-excite ako bigla, uuwi kasi ngayon sina Mommy at Daddy mula sa U.S.A. Si Mommy at Daddy ang magsasabit ng mga medal ko.
Pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo, binulabog ko na yung dalawa. Hinawi ko ang kurtina para maarawan naman sila, ang puputla eh. XD
"Wake up!" sigaw ko.
Nasilaw naman sila sa araw pero nakapikit pa rin. Gising na 'tong mga 'to.
"Girls, graduation day na! Bumangon na kayo diyan! Susunduin pa namin sina Mommy at Daddy sa Airport! 'Di ba sasama kayo?"
Umupo naman si Jane at nasisilaw na tumingin sa kagandahan ko este sa sinag ng araw, nakatapat kasi ako sa bintana.
"Magpa-party ba kayo pagkatapos ng Graduation natin?" tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/69955506-288-k71213.jpg)
BINABASA MO ANG
If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)
FanfictionHave you ever felt like you don't know what's going on anymore? You've lost your motivations to do anything. You are confused about your past and you have that feeling of emptiness and the feeling that no one is there for you. That feeling that no...