Chapter 6 √

861 30 0
                                    

•••••••••••••••••••
McCoy's POV

*KRIIIIIIINNNGGG*

"Kuya, alis na ako. Papasok pa ako sa next subject namin."




"Sige. Mamaya sabay na tayong umuwi."





"Sige Kuya. Bye. Bye rin sa inyo."


"Bye!"



"Bro, kailan daw kayo magi-start?" tanong ni Ryle




"Di ko rin alam eh."




"Ano?! Kinuha mo ba yung number?" tanong niya ulit pero pabulong na lang.





"Hindi."



"Bro, ang hina mo naman eh. Paano mo siya maco-contact?"

"Baka kasi magalit si Jon."

"Bakit naman siya magagalit? Eh itu-tutor mo nga yung kapatid niya eh."


"Eh, paano yun nakaalis na siya?"

"Ako bahala sa'yo. Mamaya pagkatapos ng klase ko may number na ako ni Maris. *wink* "

Tinignan ko lang siya.

"Uy! Tara na baka malate na naman tayo eh." sabi ni Nikko

Classmates ko nga pala si Nikko, Zeus tsaka si Jon. Engineering students din sila. Tapos si Ryle 4th year high school pa lang, si Tom, Jimboy, Ronnie, Jameson at Paulo 1st year college na.

"Guys! Alis na ako ah. Late na ako." paalam ni Ryle tapos tumayo na siya

"Sige, Bro." sabi ni Jon.


"Ryle!" tawag ko.

"Oo Bro. Ako bahala." pabulong na sabi niya.

"Sige, alis na ako ah..." tapos tumakbo na siya.

"Uy! Tara na. Late na talaga tayo!" naiiyak na si Nikko. Haha!

"Para kang bata d'yan Nikko." sabi ni Zeus

"Uy! Alis na rin kami ah." paalam ni Jimboy. Tumango naman kami kaya umalis na sila.


Bale kaming apat nalang yung natira dito.

"Papasok pa ba tayo? Wala naman daw si Sir Reyes eh." sabi Jon.

If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon