Chapter 1

235K 5.3K 464
                                    

CHAPTER 1: The Devil

"PATRICIA, where are you going now?"

Nilingon ni Patricia ang ina habang nagkakabit ng hikaw sa kaliwang tainga. "Oh, Mom! Hi!" bati niya muna rito. Tumayo siya at saka ito hinalikan sa pisngi. "Nakauwi ka na pala! How's Sweden?"

Nagkibit-balikat ito. "Good, as always. Where are you going at this late night, young lady?" tanong pa ulit nito.

"Come on, I'm not that young anymore, Mommy." Tinapos niya ang pagkakabit ng hikaw at tinignan ang repleksyon sa salamin. "May party sa bahay nina Nicola. It's her father's birthday."

"At anong oras ka uuwi?" napaka-strikta nang pagkakatanong nito na tila isang dise-sais anyos pa rin ang kausap. "Bago mag-alas dose ay dapat nakauwi ka na"

Lihim na naikot niya ang mga mata. She's already twenty-three and starting her own business but here's her mom, still treating her like a minor. "Make it one AM, okay? It's already ten PM. Ano pang mapag-uusapan namin ng kaibigan ko doon?"

Umiling ang Mommy niya. "No. You come back at twelve. Or else, I need to call Ibarra to fetch you."

"Mom! Nakakahiya naman kay Kuya Bari," aniya sa kinakapatid na siyang tanging lalaking pinagkakatiwalaan ng pamilya nila. "He's a busy person. Hindi na 'ko ten years old para i-baby sit pa niya."

"Then go home by twelve," matigas pa rin nitong sabi. "Hindi maganda sa babae ang nasa labas pa ng ganoong oras. You know the rules, Patricia Aurora."

She sighed and nodded. Kailan ba siya nanalo sa kanyang ina? They are so overprotective. Palibhasa, unica hija siya. But was that her fault?

Kinuha niya na lang ang itim na clutch bag. Mapostura siyang tumayo dahil alam niyang sisitahin na naman siya nito kapag nakitang hindi diretso ang tindig niya at nakabagsak pa ang mga balikat niya.

Mahirap maging anak ng isang beauty and body expert. Her mom worked on a lot of beauty queens and models. She owns a finishing school for girls. She taught a lot of things a woman should be like.

And Patricia is no exception to the rules of her "perfect" mother.

"I love you, Mom. I'll go ahead."

"Don't drink, alright?"

"Kahit pineapple juice lang?" nakangising biro niya.

Nagtaas ito ng kilay. "Huwag kang pilosopo, Patricia Aurora!"

"You forgot the 'Leona', Mom." At saka siya napahagalpak ng tawa dahil pinanlakihan siya nito ng mga mata habang umuusok ang ilong. Walang humor ang Mom niya while her Dad's full of it.

"Cover your mouth while you're laughing!" sita pa nito. "You're a lady, Patricia! Act like a lady!"

Nakagat niya ang ibabang labi para mapaigilan ang mga ngiti. Mabilis magalit ang ina kaya hindi niya na sasagarin at baka hindi pa siya makaalis.

Nang nakasakay na siya sa Volvo na minamaneho ng kanilang family driver ay para siyang nakawala sa isang sakal. She loves her mom dearly and truly. Pero sobrang napakahigpit talaga nito. Mabuti nga at hindi na sinita ang suot niya. It's either hindi nito napansin iyon o pabor naman ito sa single strapped body-hugging dress na hanggang ibabaw ng tuhod lang ang haba. Plain black lang iyon na tinadtad ng tiny Swarovski diamonds for design.

"Anong oras ko po kayo susunduin, señorita?" tanong ng driver nila.

"Twelve midnight po." Look, Mom. I'm a very obedient daughter.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon