Chapter 13:
Soft Sandro
TAHIMIK na niligpit ni Patricia ang mga maliliit na papel na nakita. Her heart really goes to Sandro who's enduring the insults and judgments alone. His character is being assassinated by the upper chamber of their society. And Sandro can't do anything but continue proving them wrong. Ngunit base sa mga nababasa niya, nahihirapan na rin ito.
Kahit siya ay nasasaktan na rin para sa nobyo. All she could do is to be beside him. Ayon mismo dito, siya lang ang taong naglakas loob na makilala ito. She won't let Sandro down.
"Ma'am Patricia, the food is ready."
"Thank you," nakangiting pasasalamat niya sa isang staff ng clubhouse. Kilala na siya roon kaya hindi na mahirap sa kanya ang makapag-request ng gugustuhin niya.
"Ang hot spring ba ay puwede nang masolo?" tanong niya pa sa staff.
"Yes, Ma'am. We reserved it under your name."
Muli siyang nagpasalamat at saka kumain ng kaunti. Hihintayin niyang magising si Sandro para sabay ulit silang kumain. Sinilip niya si Sandro pagkatapos niyang kumain. Himbing na himbing pa rin ito sa pagkakatulog. Kaya naman umakyat muna siya sa suite ng kanilang pamilya. Nagpalit siya ng mas komportableng damit at saka bumalik sa suite ni Sandro.
He's still sleeping peacefully. Nagpasya na lang si Patricia na manood ng TV hanggang sa magising si Sandro. She sat on the couch. Inangat niya ang paa at sumandig sa armrest. Nakatulog siya sa panonood at nagising lang nang may maramdaman siyang humalik sa kanyang pisngi. Pagkadilat niya ay si Sandro iyon.
Kinusot niya ang mata at bumangon. "Gising ka na..." She yawned and looked at the clock. It's already 3:30 in the morning.
"Bakit dito ka natulog?" he asked in a raspy tone. Mukhang kagigising lang rin nito. "Bakit hindi ka tumabi sa'kin sa loob?"
"Hindi ko alam namakakatulog ako. Hinihintay lang kita magising. Gusto mo bang kumain?" Napalingon siya sa pinadalang pagkain ngunit sa itsura niyon ay mukhang lumamig na.
"Okay, let's eat." Hinawakan nito ang kamay niya at sabay silang tinungo ang pagkain. Lumamig na nga iyon kaya inninit pa nila iyon sa microwave bago tuluyang nakakain.
"How are you feeling?" she asked him. Magkatapat sila nitong kumakain sa dining table.
"A bit better," he answered. Then he looked at her. "Sorry, I spoiled our date."
Mabilis siyang umiling. "No. Our purpose is to relax naman talaga kaya tayo nandito. Ang mahalaga nakapagpahinga ka." Sinalubong niya ang tingin nito nang maalala niya ang mga notes na nakita niya kagabi. "By the way, kailan ka huling pumunta dito?"
Kumunot ang noo nito habang inaalala. "Three months ago?" he shrugged. "Why?"
"Wala naman natanong ko lang." She's itching to ask about the notes but she doesn't really want to spoil their mood. "Oh, I reserved the hot springs for us. Hanggang bukas ng umaga ay solo natin ang area na iyon. Gusto mong magbabad?" Hot springs are therapeautic.
Tumango ito. "I think I need that."
Napangiti siya. Sabay nilang natapos ang pagkain. Nagpahinga at nagkuwentuhan pa sila bago nagpasyang pumunta na sa hot spring.
"Magpapalit lang ako. Doon na lang tayo magkita," aniya sa nobyo.
Pagka-akyat niya sa sariling suite ay mabilis lang siyang nagshower at saka nagpalit ng panligo. Isang one piece black bathing suit ang sinuot niya. Natatakpan ang buo niyang harapan habang ang likod ay malalalim ang backless. Ganoong panligo lang ang pinapayagan ng Mommy niyang suotin niya.
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...