Chapter 3:
Stay away or stay close
LUMAKI SI Patricia na laging sumusunod sa lahat ng utos ng mga magulang. Minsan ay kapag umaandar ang pagkapilya ay napapalo siya ng Mommy at Daddy niya. But as she grew up, she had realized that the more she obeyed them, the more she's having a good life.
Kapag hindi puwede, hindi puwede.
Kapag sinabing bawal, bawal.
Kapag inutos na huwag gagawin, hindi gagawin ni Patricia.
Every time that her parents would introduce her to their collegues, ang laging deskripsyon sa kanya ay isa siyang mabait at masunuring anak. And that she's the ideal daughter.
Gustong matawa ni Patricia sa tuwing binibigyan siya ng ganoong label. Pero hindi rin naman niya kasi talagang kayang suwayin ang mga magulang. She loves them so much. They gave her a well and secure life. Walang rason para magrebelde o ano pa man.
"Patricia, dinner's ready," narinig niyang tawag sa kanya ng Daddy niya.
Bigla niyang nasara ang laptop. "Dad!"
Paglingon niya ay nakakunot ang noo nito. "What are you doing?"
"Nothing." Tinabi niya ang laptop. Sana...sana hindi nito nakita na puro laman ng browser niya ay ang mga nakita niyang pictures at articles na related kay Sandro delos Santos. "Halika na, Daddy. Kain na po tayo," nakangiting sabi niya.
Magkasabay silang bumaba ng hagdanan ng ama. She looked at her father. "Dad?"
Bumaling ito sa kanya. "Yes?"
"Kilala mo po ba si Alessandro Delos Santos?"
Lalong kumunot ang noo nito. "I have heard of his name, yes. His business suddenly boomed last year."
"Kapatid daw po siya sa labas ni Kuya Bari..."
"I've heard."
Napanguso siya. "And have you heard of the bad rumors circulating about him? Don't you think it's too much to accuse him being part of the black market?"
"Naririnig ko pero anong pakialam ko?" Napailing ang ama. "As long as he doesn't touch my business, I don't mind his existence."
Lihim na napangiti si Patricia. Daddy, if I like him so much, would you mind his existence now? She wanted to laugh but restrained herself.
Pagkadating sa hapag ay nandoon na agad ang kanyang Mommy at hinihintay sila. They were having a good conversation over a healthy dinner.
Maya-maya ay maingat na nagtanong si Patricia sa kanyang ina. "Mom... do you know about Sandro delos Santos? Kuya Bari's half brother?"
Natigilan sa pagsubo ng pagkain ang ina. Salubong ang mga kilay na tumingin sa kanya. "Saan mo nalaman iyan, Patricia Aurora?"
Lumabi siya. "Kay Nicola..."
Napailing ang ina. "Alam kong may anak nga sa labas si Santi," tukoy nito sa ama ni Kuya Bari. "But Ysabella doesn't want us talking about it. Naiintindihan ko siya. Sino ba namang babae ang magkaka-amor pang pag-usapan ang anak sa labas ng kanyang asawa? Sana ay kung anak sa pagkabinata. Ngunit kasal na si Santi kay Ysabella at anak na nila si Bari nang mabuo ang bata at may isa pa..." Napaismid ang kanyang ina. "Santino delos Santos is no saint at all. Siya ang lahat ng kabaliktaran niyon."
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...