Chapter 39:
The Best "Kuya"
MULA NOON, pabalik-balik na si Sandro sa bahay ng Papa niya. Tinuruan siya ng Mama niya paano mag-commute. Basta daw uuwi siya bago maghapunan. Dapat daw may dala siyang pagkain galing sa bahay ng Papa niya kundi daw, gugulpihin daw siya.
Lumipas ang apat na taon na halos lumaki na si Sandro sa bahay ng ama. Pero lagi itong wala kapag nandoon siya at nagkikita sila ng kapatid niya.
"Try that," sabi ni Kuya Bari sa kanya.
"S-Sigurado ka, Kuya?" hindi makapaniwalang tanong ni Sandro. He's already in his second-year in high school. Malapit na ang Christmas party at walang plano ang Mama niya na bigyan siya ng pambili ng bagong damit at sapatos. Manghingi na lang daw siya sa kapatid. Nakakahiya talaga.
"Pinabili ko iyan para sa'yo," anito. "Go. Try it."
Mabilis na binuksan ni Sandro ang box ng original Nike. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pinapangarap na rubber shoes. Napakaganda ng puti at itim na kulay. Nang sinukat niya ay napakalambot sa paa. At eksakto sa kanya! "A-Akin talaga 'to, Kuya?"
Tumango ito at umupo sa tapat niya. "I've been giving you my old rubber shoes for the past years. Naisip ko, kahit kailan hindi pa kita nabigyan ng brand new. So take that as my early Christmas gift, brother."
Napangiti siya nang sobrang lawak. "Maraming salamat, Kuya." Then, he goes teary-eyed again. Ano kayang ginawa niyang mabuti at tanggap siya ng pamilya ng Papa niya? Well, his father was obviously aloof with him. But Tita Bella at Kuya Bari are so accommodating. Hindi iyon nagmaliw sa paglipas ng apat na taon. Tita Bella is already calling him "son" sometimes. And it sounds more genuine, kaysa sa tuwing tinatawag siyang "anak" ng Mama niya.
"Iyo rin ito." Naglabas ng limang paper bag si Kuya Bari. Armani, Nike, Valentino... "Nang nagbakasyon kami sa America ay namili si Mama. At hindi puwedeng walang para sa'yo."
Natulala na si Sandro. Noon pa man, nalulunod na siya sa mga pinaglumaan nitong gamit na binibigay sa kanya. Hindi siya umaangal dahil bagamat pinaglumaan, ay mukhang bago pa rin ang mga damit ng kuya niya. But now? He's having all of his things all branded, new, and still free!
"S-Sandali lang, Kuya... Sobra na iyan..."
Napakunot-noo ito. "Anong sobra? Kulang pa nga iyan. You are a Delos Santos. You should have the best things life can offer. Hindi ko matatanggap na maginhawa ako pero ang kapatid ko ay hindi. Ano lang ba ang mga damit at sapatos na iyan?"
Napabuntong-hininga siya. "Alam mong hindi naman magtatagal sa'kin 'to, Kuya." His mother became a drunkard and gambler. Binebenta nito ang mga branded niyang gamit para may pantustos sa mga bisyo nito. Hindi na dito dumadaan ang pera niya na nagmula sa Papa niya. May sarili na siyang bank account magmula nang mauso ang mga junior account years ago.
At ang card ay pinatago niya sa kapatid. Dahil kapag sa bahay lang iyon ay makikita iyon ng Mama niya. At baka i-withdraw pa lahat ng pera.
"I think, Tita Andrea needs to go to rehab."
"Sa tingin ko rin, Kuya." Napabuntong-hininga siya at nalulungkot sa sinasapit ng Mama niya.
Namagitan ang katahimikan sa kanila.
"Is she still beating you?" Kuya Bari gently asked.
"M-Minsan... kapag sobrang lasing."
His brother sighed. "You should live here."
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...