Chapter 6:
Taken by surprise
HINDI nagsumbong si Nicola sa Mommy niya. Dahil one week na ang nakalilipas mula nang magkita sila ni Nicola ngunit wala namang sinasabi sa kanya ang ina.
She tried to reach to Nicola para makapag-usap silang ulit na magkaibigan. The last time was so bad. Hindi sila nagtatalo kundi iyong araw lang na iyon. Dahil lang kay Sandro.
Siguro ang mali lang kay Patricia ay hindi niya ay itinago niya sa kaibigan ang tungkol sa estado nila ni Sandro. Maybe, Nicola was just surprised. Mula pagkabata ay kilala na nila ang isa't isa kaya sigurado siyang maiintindihan siya nito. Sana pagbigyan nitong mas makilala si Sandro.
Sino ba kasi ang mga taong nagsabi kay Nicola ng mga pangit na bagay tungkol kay Sandro? Bakit sobra ang paniniwala nito na kahit mag-away na sila ay mas iyon pa ang kakampihan nito?
"Ma'am Patricia, here's the monthly report and some customers' feedbacks. You also have a meeting with Mitsubishi motors for the...."
Hindi na masyado maintindihan ni Patricia ang sinasabi ng sekretarya. Tumango lang siya nang tumango hanggang sa makalabas na ito. Kung dati lagi siyang gando mabasa ang monthly reports at feedbacks, ngayon ay wala talaga siyang kagana-gana.
Nayukyok niya ang ulo sa lamesa at saka napabuntong-hininga. Bukas pa ang uwi ni Sandro galing sa pinuntahan nitong business summit. She just wanted to see him. Although he was consistently calling her for the past few days, still, hindi gumaan ang pakiramdam ni Patricia.
Paano ba naman ay sa tuwing tatawag ito, kailangan niyang magtago lagi sa kuwarto para hindi marinig ng kahit sino. Lagi pa siyang may pangamba na kahit anong oras ay puwedeng magsumbong si Nicola sa Mommy niya.
Pagkauwi niya nang bahay ay parang lagi siyang kinakabahan. Nakita niya ang Mommy niya sa living room habang kausap ang ilang maids.
"Patricia?"
Lalagpasan niya sana ito ngunit hindi puwedeng hindi siya bumalik dahil sa tawag nito. Humugot siya ng malalim na hininga. "Yes, mom?" Nakangiti na siya nang balikan ito.
"How's work?" tanong nito pagkahalik niya sa pisngi nito.
"Good," she plainly answered. "How about you? How was your day, Mommy?"
"As usual, I had a tea party with some of your father's business partners' wives. May nakilala akong isang amiga na may anak na doktor. The son is very handsome and five years older than you. Do you want me to set up a date for you two?" her mother sounds excited.
"No thanks, Mommy," mabilis niyang tanggi. "I'm busy with work," palusot niya pa.
"Oh, don't sound like your father. One date won't harm. Malay mo magustuhan mo?"
Umiling siya. "No, Mom. I'm okay."
Humalukipkip ito. "Very well. Sabihan mo lang ako kung interesado ka na." Nilagpasan siya nito at pumunta nang kitchen.
Napabuntong-hininga na lang siya at saka umakyat sa kuwarto. Nang makapagpalit na siya nang mas komportableng damit ay saktong nag-beep ang phone niya.
From: Alessandro
I'm back. Dinner tonight?
Biglang napangiti si Patricia at parang na-refill ng energy. Instead of replying, she called him immediately.
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...