Chapter 18

88.6K 3.1K 447
                                    

Chapter 18: I believed in you

TINIGNAN ni Patricia ang sarili sa salamin. Hindi siya mapakali habang sinuklay ang buhok na hanggang balikat ang haba. At the back of her mind, she wanted to look beautiful for Sandro. Pero, bakit niya pa gagawin iyon? Para saan?

Pumikit siya at marahang nagbuga ng hangin. "Patricia, it's a business meeting. Be presentable. Not beautiful," kausap niya pa sa sarili.

Tumayo na siya at kumuha ng damit. She made it simple. Black corporate blazer over a casual purple dress. She fixed her hair for a clean ponytail.

Tinignan niya ulit ang sarili sa salamin. Hindi siya makontento sa itsura. She opened her make-up box and started to do wonders on her face.

Kahit anong pigil niya sa sarili, lumalabas pa rin ang totoo. She wanted to look beautiful because she likes Sandro. She liked him to notice.

"Pathetic," naiinis na bulong niya sa sarili habang nagmamaneho na papunta sa main office ng YDS sa Ortigas.

Nakatulong ang traffic para makapag-isip siya kung tama ba talaga ang pagpayag niyang pumunta. Pero nasa harapan na siya ng building ay hindi pa rin niya sigurado kung tama ang gagawin niya.

Naisip niya ang mga magulang at ang laging paalala ni Nicola sa kanya. She needs to stay away from Sandro, right?

But here she is now. Wala pang masyadong tao sa building nang pumasok siya. It was only two bodyguards and a receptionist.

"Good morning, I have an appointment with Mr. Delos Santos," kaswal na imporma niya sa receptionist.

"Wait a minute, Ma'am. I'll just confirm the appointment."

Tumango siya at naghintay lang ng ilang segundo. Binigyan siya ng directions kung saan makikita ang opisina ni Sandro.

Nag-umpisa na siyang manginig sa kaba. Nang nasa elevator na siya ay parang pangangapusan siya ng hangin.

Ano kayang sasabihin ni Sandro tungkol sa kompanya? Nakita ba nito ang sinasabi niyang potensyal pa ng kompanya nila? Will he be nicer this time because of business?

Kilala niya si Sandro, hindi nito hinahalo ang personal na buhay sa trabaho. But... is he the same Sandro "she knew" until now?

Naalala niya na naman ang nangyari kahapon nang hindi siya nito tinulungan man lang ng matumba siya. Sabi pa nito ay bagay lang siya sa lupa.

Kumirot ang puso niya nang maalala ang malalamig at matatalim nitong tingin.

But what should she expect? Ang dami niyang kasalanan dito. Pero ginawa lang naman niya ang tama.

"Hello?" nasambit niya nang nasa 27th floor na siya. Patay pa ang mga ilaw at ang nag-iisang desk na mabubungaran ay bakante.

Ang tanging liwanag lang na nakikita niya ay ang nasa likod ng glass panel pagkalagpas ng desk.

Lumapit siya doon. That's when she realized, the whole floor is just for Alessandro.

Pres. Noah Alessandro Delos Santos, Chief Executive Officer.

His name and title clearly embossed on the frosted glass door.

Humugot siya ng malalim na hininga. Nagbilang siya ng hanggang tatlo bago tinulak pabukas ang pinto. Pagkapasok niya ay may isa pa ulit na pinto, this time it's made of an expensive wood. The doorknob is even made of gold!

Huminga na naman siya ng malalim bago marahang kumatok ng tatlong beses.

"Come in."

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon