Chapter 38

75.7K 2.9K 285
                                    


Chapter 38:

A Brother's Promise

Twenty-two years ago...

"ANAK mo rin si Alessandro! Kaya dapat kung anong mayroon ang anak mong si Ibarra ay mayroon din ang anak ko!"

Napangiwi ang sampung taong gulang na si Sandro sa matinis na boses ng Mama niya. Nakikipag-away ito sa isang malaking lalaki na mukhang mayaman. Sabi ng mga kapitbahay nila, ito daw ang Papa niya. Tinignan ni Sandro ang Papa niya. Tumingin din ito sa kanya. Natakot siya at agad na napaurong sa upuan.

"Andrea, please don't shout. We're here to properly talk about Sandro's rights," mahinahong sabi ng isang magandang babae na katabi ng Papa niya.

Napatingin si Sandro rito. Sabi ni Aling Miling—iyong nagtitinda ng pagpag sa kanila, asawa daw ito ng Papa niya. Totoong asawa kasi kabit lang daw ang Mama niya. Ano ba iyong kabit? Lahat ng kapitbahay nila ang tawag sa Mama niya, kabit. Minsan, malandi. Madalas, puta daw. Hindi niya talaga alam kung ano iyon. Synonyms ba iyon ng maganda? Kasi maganda ang Mama niya kaso laging umiinom ng beer.

"Martir ka ba?" tawa ng Mama niya sa magandang babae. "Aba't kasama ka talaga dito? Kaya mong tanggapin na taksil iyang asawa mo?"

"Please drop your filthy attitude, Andrea," sabi ng Papa niya sa malaking boses. Nakakunot ang noo. "Nandito ka sa pamamahay ko. At hindi pa ba labis na pinagbigyan na kita sa gusto mo?"

"Aba, dapat lang na pagbigyan mo 'ko!" galit na sabi ng Mama niya. "Bubuntisin mo 'ko pagkatapos ay hindi mo pananagutan? Akala mo sapat nang binigay mo sa anak ko ang apelyido mo? Aba't dapat hindi mo siya pinagkakaitan dahil nang nagse-sex tayo, sumaya ka naman!"

Nanlaki ang mga mata ng magandang babae at napatingin sa kanya. "Please, watch your words. Nandito ang anak mo."

"Sanay si Sandro. Nakatira kami sa squatters, anong inaasahan niyong marinig nito?"

Napakamot siya sa ulo. Wala naman siyang maintindihan, eh.

"Binigyan ko si Sandro nang trust fund hanggang kolehiyo," sabi ng Papa niya.

"Pero ginastos mo lang sa iba," dugtong ng asawa ng Papa niya. "Kaya nagtataka kami kung bakit sa public school nag-aaral si Sandro. We told you, puwede naming siyang ipasok sa kaparehong school ni Bari."

"At ano? Kukutyain siya doon ng mga bata dahil anak siya sa labas? Nako! Napanood ko na iyan sa mga teleserye. Baka mamaya apihin pa iyan nang anak mo, Ysabella."

Masakit sa tainga ang boses ng Mama niya dahil natural na matinis. Lalong tumitinis kapag galit at sumisigaw.

"Bari's not like that. He wants to meet Sandro."

"But where did you bring the money, Andrea?" seryosong tanong ng Papa niya. "Sa tingin mo dahil naubos ay magbibigay ako ulit? Hindi. Niloloko mo kami. Kung saan-saang bisyo mo ginagastos ang pera na para kay Sandro."

"Hoy! Binubuhay kong mag-isa 'tong anak natin. At alam mong hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Maliit lang ang kinikita ko sa pagka-cashier. Kaya kinukuha ko sa pang-araw-araw na gastusin ang pera."

"I give you monthly allowance, Andrea. Don't give me that bullshit. That's fifty thousand a month for Sandro's daily needs!" Galit na talaga ang Papa niya dahil namumula na ang mukha nito. "At kahit maayos na damit ay wala ang anak mo!"

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon