Chapter 40:
Tears
MARCH 21.
Napatulala na lang si Sandro sa kalendaryo. It's his fifteenth birthday today. Wala siyang gustong selebrasyon at wala rin naman siyang hinanda. Hindi niya kayang magsaya lalo na nang malaman noong nakaraang buwan ang tinatagong sakit ng Mama niya.
His mother acquired AIDS. Noon pa nito alam pero pilit itinago. Imbes na magpagamot ay lalong nalulong sa alak at bisyo. Ang mas ikinalungkot ni Sandro ay ang malamang habang lasing pala ito at hindi umuuwi ay kung kani-kaninong lalaki ito sumasama at nakikipagtalik.
Kaya hindi alam ng Mama niya kung kanino ito nahawa.
Lumabas siya ng kuwarto pagkatapos ayusin ang kama. Nakita niya ang ina na napakalaki ng binagsak ng katawan. Even her beauty already faded away. Lagi na itong nakasimangot dahil iritado. May kung ano-ano nang tumutubo sa dati'y napakakinis nitong balat. And she looks more than her age.
"Ma, ako na po..." aniya at saka kinuha ang pitsel at baso na hawak nito.
Hinayaan lang siya nito. Narinig niya ang mahinang pagdaing nito nang sinubukang umupo. Lihim na napatiimbagang si Sandro. Sumisikip ang dibdib niya. Gusto niyang sumabog pero hindi puwede.
"S-Salamat," mahinang sabi ng Mama niya nang iabot niya rito ang malamig na tubig.
"Mama, anong gusto niyong agahan? Bibili po ako," sabi niya pa at tumalikod papuntang kusina. Hindi niya magawang matitigan nang matagal ang ina dahil naaawa siya sa kalagayan nito. Bakit hindi niya agad napansin? Bakit hindi niya mas binigyan ng atensyon?
"Alessandro," mahinang tawag nito.
"Po?"
Mahabang katahimikan ang namagitan. There was awkwardness between him and his birth mom. But that kind of awkwardness brings more sting in his heart.
Maya-maya pa'y narinig niya ang paghikbi ng ina. Agad siyang napalingon rito. "Ma..."
Nakatakip ang mga kamay nito sa mukha. "Patawarin mo 'ko, a-anak... Alam kong hindi ako naging mabuting ina p-pero... pero a-ayokong mamatay..." iyak nito at saka tiningala siya. Unang beses niyang makita ang sinseridad sa mga mata nito. "Ayokong iwan k-ka, Sandro. B-Bata ka pa... G-gusto kong makita ka pang makatapos ng kolehiyo at hind imaging k-kagaya ko."
"M-Ma..." his voice also broke. Napahagulgol na ang ina nang niyakap sinugod niya ito ng yakap.
"A-Ang dami kong pinagsisihan sa buhay ko at i-isa na doon ang hindi ko binigyang importansya ang sarili kong anak. G-Ginamit kita para makakuha ng pera kay Santino. S-Sandro, anak, n-nagsisisi na ang Mama..." Hinaplos nito ang pisngi niya. "P-Patawarin moa ng Mama. Nangangako ako, kung gagaling ako, aalagaan na kita."
"Mama, gagaling ka po..." Nakagat niya ang ibabang labi at napapikit. Pilit pinipigil ni Sandro na kumawala ang mga luha. "H-Hihingi po tayo ng tulong. H-Hindi kita pababayaan, Mama..."
Lalo itong napahagulgol at napayakap sa kanya. "B-Bakit pinagtitiisan mo 'ko, a-anak? Alam mo bang ilang beses ko nang pinaghandaan na baka piliin mo na lang na sumama sa pamilya ni Santino? I-Ilang beses kong naisip na iiwan mo rin ako. Na pipiliin mo si Ysabella katulad ng pagpili ni Santino sa kanya."
Lalong sumikip ang dibdib niya. Sandro felt guilty. Dahil totoo. Ilang beses na niyang naisip na tumira na lang kasama sina Kuya Bari dahil sa ilang beses na alok ng mga ito. At si Tita Bella na yata ang pinakamabait na ina sa lahat. Lagi niya ring lihim na hiniling na sana si Tita Bella na lang ang naging tunay niyang ina.
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...