Chapter 8:
Furious
BIGONG umalis si Patricia sa bahay ng mga Sta. de Leones. Kilala niya si Nicola. Hindi na matitibag pa ang paniniwala nito pagdating sa usaping may kinalaman sa pagkamatay ng Mama nito.
"Ma'am Pat, tumawag po si Madam Paulina," sabi ng sekretarya niya pagkarating niya pa lang sa satilimg opisina.
Kumunot ang noo niya. "Really? Anong sabi niya?"
"Hindi niyo daw po kasi sinasagot ang telepono niyo. Umuwi lang daw po kayo ng maaga ngayon dahil may dinner party daw po sa inyo."
Lalo siyang napakunot noo. Wala siyang natatandaan na magkakaroon ng dinner party sa kanila. Dinner party means all of her parents' close business colleagues will be there. Mga kaedaran ng mga magulang niya kasama ang asawa ng mga ito. Minsan nagsasama pa ng anak na lalaki at susubukan ng Mommy niyang ipareha sa kanya.
Nang lumabas na ang sekretarya niya ay napatingin siya sa cellphone. Dead battery! Hindi niya napansin. Kaya pala hindi siya matawagan ng ina at siguro pati ni Sandro din!
Mabilis niyang hinagilap ang spare charger sa office table niya at saka nag-charge ng phone.
Naghintay muna siya ng limang minuto bago bumukas ng tuluyan ang phone at sabay sabay na pumasok ang mga text messages.
Patricia Aurora, we have a dinner party tonight. Please come home early. Ipapakilala kita sa anak ni Mr. Leveriza. Mrs. Villas' son will be here also.
Galing iyon sa Mommy niya. Napanguso siya. If only she can tell her mom that she's already taken since yesterday. Napabuntong hininga na lang si Patricia at tinignan na lang ang iba pang messages.
"What the...?" Nakagat ni Patricia ang ibabang labi mang makitang may 21 messages galing lang lahat sa nobyo!
Are you okay?
Patricia?
I can't contact you.
I can't call. Damn.
Where are you?
Puro ganoon lang rin ang sumunod na mga messages ngunit ang huli ay...
Patricia... mahal?
Napatili siya sa huling text na nabasa. Natatawang tinawagan niya kaagad ang nobyo. Wala pang pangalawang ring ay sumagot agad ito!
"Hello, mahal!" she teased him with a very sweet tone.
Hindi agad ito sumagot sa kabilang linya ngunit naririnig niya ang paghugot nito nang hininga.
"Sorry, my phone's battery was drained. Hindi ko napansin," paliwanag niya kaagad. "I'm charging my phone right now, by the way."
"Good," tanging sambit nito mula sa kabilang linya. His voice flat and calm.
She pouted. "Ang dami mong messages...did I worry you?"
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "How was your morning with your friend? Magkasama pa ba kayo?"
Napakurap si Patricia nang maalala ang nalaman niya mula kay Nicola kanina. That Sandro was sheltered by the shrewd and wicked family of Octavios... Naging mabilis ang pagtibok ng puso niya. Kinakabahan siyang itanong iyon kay Sandro.
"N-Nasa opisina na 'ko. Ahm..." Napalunok siya. Napasandal siya sa swivel chair at tumikhim. Should she ask him? He told her that she can ask anything and he will answer. "M-May ginagawa ka ba ngayon? Are you busy?"
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...