Chapter 42:
Deepest scars
PAGKAHINTO pa lang ng kotse sa harap ng ospital ay agad na bumaba si Patricia. Nagmamadali ang bawat hakbang niya na halos maging takbo na. Her bodyguards immediately followed behind her.
Nang makaabot sa palapag ng ospital kung saan naka-confine si Sandro ay agad niyang tinakbo ang private room nito. There were three policemen guarding the room. Hindi niya na kailangang magpakilala para makapasok. Binuksan agad ng pulis ang pinto para sa kanya.
"Alessandro..."
He's awake. But very pale. May benda sa pulso nito. He cut himself deep. Pero bago mawalan ng malay ay tumawag ng saklolo ang mga kasama nito sa bilangguan.
Nakatingin ito sa labas ng bintana. "Hindi ka na dapat pumunta..." anito sa namamaos na tinig.
Ang bigat sa dibdib ay kusang kumawala sa pamamagitan ng mga luha. Sinugod niya ng yakap ang asawa. "Kahit habangbuhay ang pagkakakulong mo, hindi iyon katapusan ng mundo mo, mahal ko..." she cried and embraced him tighter. "I don't want Noah to grow without a father. Mas ayos nang buhay ang Papa niya kahit nasa kulungan ka pa!"
Hindi umimik si Sandro. Ni hindi kumilos.
"Why do you want to end your life, Sandro?"
Hindi ito sumagot. Lumayo na rito si Patricia at pinunasan niya ang mga luha. She will be stronger for her husband.
"I'll stay here all day," aniya sa determinadong tinig. "No, I'll stay here the whole time you're confined here."
Blank cold eyes just stared at her. Matapang niyang sinalubong iyon. Maybe Sandro knew she won't retreat. Inalis na nito ang tingin sa kanya. Humiga na ito nang maayos at pinikit ang mga mata.
Umupo si Patricia sa visitor's chair at nagdasal nang taimtim. After five minutes, she started to plan on what to do.
"Ngayon ay gusto mong gutumin ang sarili mo? You can't possibly starve yourself to death, Alessandro," aniya nang ayaw nitong kainin ang tanghaliang pinahanda niya. Hindi pa daw ito kumakain mula nang magising.
Hindi pa rin ito nagsasalita.
Patricia let out a long sigh. "Alright." Binaba niya ang pinggan ng pagkain. Mabilis niyang kinuha ang bag at nilabas ang devotion notebook at Bible niya. "Since you're not talking, I know you are listening. So let me take this chance to read something for you."
Nagsalubong ang dalawang kilay nito nang makita ang Bible. "I'm not interested."
"You don't have to be." Nginitian niya pa ito ng matamis. She's a different Patricia now by God's grace. She'll never give up on Alessandro. This time, she'll do it the right way.
"Okay, so this was my devotion last week."
Lalong lumukot ang mukha ni Sandro. Tinignan na siya nito ng masama ngunit hindi nagpatibag si Patricia.
"Everything that God allows to come our way always has a purpose. He uses our worst mistakes and deepest pain to mold us into the person He created us to be," she read what she have written in her devotion notebook. "If there is still pain, it's not yet the end. If there's still tears, it's not yet the end. Ang maganda sa Panginoon, hahayaan niya tayong masaktan pero hindi tumitigil doon."
Nang buksan niya na ang Bible ay biglang humiga si Sandro at pinikit ang mga mata.
Napabuntong-hiniga siya ngunit nagpatuloy sa pagbabasa ng Bible para dito. Whether Sandro's listening or not, she will gladly do this everyday. For him. For Jesus to won over Sandro.
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...
