Chapter 15: All for Sandro
"MAKE love to me."
Agad na kumunot ang noo ni Sandro at lumayo ng bahagya. "Something's really wrong with you, Patricia."
Napakurap siya at napalayo na rin sa nobyo. Natakip niya ng mga kamay ang mukha. Ngayon lang nangyari sa kanya 'to. She doesn't know what to do anymore!
Humaplos ang kamay ni Sandro sa kanyang likod. "You're not okay," Then he held her face and turned it to face him. Mas lumamlam ang emosyon sa mga mata nito. "Tell me what's wrong."
Nangilid ang luha sa mga mata niya. Ngunit parang ayaw nang bumagsak niyon dahil naluha niya na kanina kasama ang ina.
Ngunit sa tuwing titignan niya si Sandro ay naalala niya si Heraldo Octavio na kumupkop rito. Parang magkaibang tao ang nakilala niya at ang kinukuwento ng kanyang mga magulang.
But her mom was raped! Hindi madaling ignorahin ang nakaraang iyon!
"Oh, Patricia, please talk..." tila naaawang sambit nito nang naiyak na siyang talaga. Kinulong siya nito sa mga bisig nito. "Inutusan ka ba nilang kumalas sa'kin?"
Napatango na lang siya. Hindi niya na kayang sabihin pa rito ang kuwento ng Mommy niya at ng tinitingala nitong uncle.
Napabuntong-hininga ito at mas naging mahigpit ang yakap sa kanya. "Are you going to...?"
"A-ayoko, Alessandro..." hikbi niya at saka mas yumapos sa baywang nito. "I don't want to leave you. I love you."
Sandro sighed with relief. Mas humigpit ang yakap nito nang sumubsob siya sa dibdib nito. Gusto na lang ni Patricia na makulong sa mga bisig ng lalaki. Things are getting out of hand. Now, because of her mother's tragic past, mas mahihirapan siyang panatilihin ang relasyon kay Sandro. Because if this will take longer, she have to face Heraldo Octavio again.
At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Patricia ang galit na mayroon si Nicola para sa mga Octavio. Octavios killed her bestfriend's mom. An Octavio brought forever pain in Patricia's mother's life.
At si Alessandro... he is on the Octavio's side. How will this relationship survive?
Sa kakaisip ay unti-unti nang nakatulog si Patricia sa mga bisig ng nobyo. She woke up the next morning, lying on Sandro's bed.
Akala niya ay gagaan na ang pakiramdam niya ngunit mas bumigat lang lalo ang puso niya. Hanggang sa hindi siya pumipili ng desisyon, her burden increases.
Nilibot niya ang paningin sa buong kuwarto ni Sandro. Simple lang. Walang masyadong gamit na nagpapakita ng karangyaan. Her boyfriend does not want to show off luxury that he can afford.
Tumayo siya at hinanap ito. She found him outside the balcony. Nasa tainga ang telepono nito.
"I said I want to stop it," narinig niyang mariing wika nito. "Cancel the operations."
Huminto sandali si Patricia. Hindi niya nilapitan ang nakatalikod na nobyo.
"Bakit mahirap gawin? Pay the people!" pigil na nitong sigaw. "I wanted out after that!" Sigurado si Patricia na pigil na pigil nito ang galit. She can't see his face, but it was obvious in his voice.
Baka may problema na naman sa trabaho si Sandro. Ang alam niya, nagsisialisan ang ilang investors sa kompanya nito. Just last week. At hindi nito alam kung bakit. Bumabagal ang operations at ang alam niya ay delayed ang suweldo ng mga empleyado nito.
Binaba na nito ang phone at napabuga ito ng hangin. She saw Sandro's tired face. Nakatagilid na ito mula sa kinatatayuan niya.
Umaga pa lang pero mukhang pasan na agad nito ang daigdig dahil sa itsura. She sighed. She felt guilty about last night. Nakaabala pa yata siya. She's too occupied with her own problems. Hindi niya na nahalata na may sariling problema rin si Sandro.
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...