Chapter 2

137K 4.2K 176
                                    

CHAPTER 2: I don't believe in rumors

ANG NATITIRANG oras ni Patricia sa party ay nagugol lamang sa pag-uusap nila ng kaibigan. Ngunit alam niyang ang isip niya ay okupado na ng lalaking naging misteryo sa kanya para sa gabing iyon.

"Uuwi ka ba talaga? Huwag muna kasi!" angal ni Nicola nang nagpaalam na siya. It's almost twelve midnight.

"Para namang kaya kong suwayin si Mommy?" Tumayo na siya at kinipkip ang clutch bag. "I better go," aniya kahit ayaw niya rin talagang umalis pa.

"Wala na 'kong makakausap dito. Alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko," simangot nito.

"Have a dance with the guys, Nicola. Kanina ka kaya nila pinagtitinginan. Hindi lang makatiyempo dahil hindi tayo mapaghiwalay." Naglakad na siya palabas ng bakuran ngunit pasimpleng luminga-linga sa paligid. Nandito pa kaya si Sandro sa party?

"Kaya nga mas lalong ayoko kang umalis!"

Hanggang sa makalabas si Patricia ay hindi niya na namataan kahit saan si Sandro. Bumangon ang panghihinayang sa kanyang dibdib.

"Take care, Pat!" paalam ni Nicola nang huminto sa harap nila ang sasakyan na sumundo sa kanya.

"Bye, Nicola!" Bumeso siya rito at saka binuksan ang back door ng kotse. Bago tuluyang pumasok ay luminga pa siya ng huling beses. Ngunit asa pa siyang makikita niya pa ang lalaki kahit bago siya umuwi.

On her way home, tinadtad niya ng text message ang kinakapatid. Bahalang makulitan sa kanya si Kuya Bari.

The next day, she got a reply from him.

From: Bari delos Santos

Yes. I have a brother and a sister. Anak sa labas ng Papa.

"What?!" naibulalas niya bago isubo ang wheat bread na agahan niya.

"Patricia, what's that? Kumakain tayo. No cellphone, please," saway agad ng Mommy niya.

Agad niyang ibinaba ang cellphone at humarap rito. "Sorry, Mommy." Pagkatapos kumain ay mas bobombahin niya pa ng tanong ang kinakapatid.

Nang matapos kumain ay agad siyang nag-excuse. Patakbo siyang lumabas ng dining room at narinig niyang sinaway pa siya ng ina.

"Don't run, Patricia Aurora!"

"Yes, Mom!" aniya nang bumagal ang paglalakad. Pero nang nasa may hagdanan na at hindi nakatingin ang ina ay tumakbo siya paakyat.

Tinadtad niya ulit ng maraming katanungan si Kuya Bari. Pero hindi na ito nag-reply ulit. She tried to call him. Ngunit hindi rin ito sumasagot.

Pabitin naman! Ang dami pa naman niyang gustong malaman tungkol kay Sandro. Bakit kaya ang lakas ng paniniwala niyang hindi totoo ang mga tsismis na nakuha ni Nicola kung saan man?

"Ma'am Patricia, dumating na po ang response ng Aragon Airlines mula sa proposal na ibinigay natin sa kanila." untag sa kanya ng sekretarya niyang si Nimfa.

Patricia's new business is aligned with shipping documents, packages, and other products. They are delivering packages only in Luzon. May isa silang main branch kung saan siya nag-oopisina. The other 20 branches were inside malls.

She has 20 motorcyles and five trucks that were being used for NCR deliveries, and 40 motorcycles and seven trucks for outside NCR and Luzon wide deliveries.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon