Chapter 17: The Devil Once More
PAGKALAPAG pa lang ng eroplano sa airport ay walang inaksayang oras si Patricia. Mabilis niyang nakuha ang nag-iisang maleta at dumaan sa immigration office. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng airport.
Agad siyang sinalubong ng family driver nila.
"Diretso na po tayo sa ospital. Gusto ko po sanang makita na sina Daddy," utos niya sa driver na agad nitong tinanguan.
But thanks to Manila's traffic, dalawang oras pa bago siya tuluyang nakarating sa ospital.
"Daddy..." tawag niya sa ama pagkapasok niya pa lang ng kuwarto nito.
Agad itong lumingon at napangiti nang makita siya. "You're home, hija." Ibinuka nito ang mga braso kahit pa naka-suwero ang isang kamay.
May nakasuportang oxygen rito at wala na sa tamang hubog ang pangangatawan ng ama. Patricia swallowed the lump on her throat.
Nangilid ang mga luhang sinugod niya ito ng yakap. "I m-missed you, Dad..." she whispered, her voice broke.
"I missed you too, hija." Hinalikan siya nito sa noo. "Kumusta ka na?"
"Patricia?"
Agad siyang napalingon at napangiti nang makita ang ina. "Mommy..."
"Oh, my baby... you're home!" Sabik siya nitong niyakap nang mahigpit.
Nakulong siya sa pagitan ng mga magulang... just like when she was a kid. "I missed you both! Dapat pala ay noon pa 'ko umuwi mula nang sinabi niyong may sakit si Daddy."
Hinaplos ng ina ang kanyang pisngi. Tinitigan niya itong mabuti. Her mother aged so fast. Limang taon lang ang nakalipas ngunit tila dumoble ang edad nito.
"How are you, hija?"
"I'm okay, Mommy. Kayo ang kumusta?" Hinawakan niya ang kamay ng Mommy at Daddy niya. "What's the findings about Daddy's health? What will we do about the company?"
Hindi naman sila maghihirap. Both of her parents have enough personal wealth to sustain many lifetimes. But the company is another story. Hindi na daw umiikot ang pera at hindi maganda sa negosyo kung ilalagay nila ang personal na pera upang muling makatayo ang kompanya.
"Siguro ay ibebenta na lang ang kompanya, hija," sumusukong sabi ng ama. "Investors are pulling out one by one. Nagsisialisan na rin ang mga tao. Maybe, it's time to close it--"
"Pero, Dad, pinaghirapan mong itaguyod ang kompanya. Pabagsak na rin iyon noon nang ipasa sa'yo ni Lolo pero nagawa mong iangat."
He weakly smiled. "Those were the days, hija. Iba na ang panahon ngayon. Mas maganda kung ibebenta na lang natin upang mapakinabangan pa ng iba kaysa tuluyang bumagsak."
Matigas siyang umiling. "I'll try to take over," matapang niyang sabi. Tutal ay iyon naman ang gusto ng Mommy niyang gawin niya. Kaya nga siya biglang napauwi.
Tila nagulat ang Daddy niya. "A-Are you sure, hija? Napakarami nang problema ng kompanya. Sasakit lang ang ulo mo..." Napabuntong-hininga ito. "Maybe it will be best if we'll sell it to the YDS."
"Alonzo!" saway ng Mommy niya. Nagulat si Patricia dahil sa galit na nakaringgan niya sa tono nito. "Hindi mo ibebenta ang kompanya sa YDS! Nababaliw ka na ba?"
Napapikit ang Daddy niya. "Paulina, whether we like it or not, Alessandro Delos Santos can make a losing company rise up again."
Napayuko si Patricia. She knows YDS. Iyon ang bagong kompanya na si Sandro ang nagtaguyod. Hindi galing sa mga Octavio kundi sariling kompanya nito. Na sa nakalipas lang ng tatlong taon ay agad nang nakilala dahil sa pagbili ng mga dating sikat na kompanyang nalugi na. YDS restores it and its empire will grow wider.
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...