Chapter 19:
Link
HINDI alam ni Patricia kung paano siya nakagawa ng gawa-gawang kuwento sa harap ng board of directors ng kompanya.
But what should she say? Wala naman talaga siyang ginawa para pumasok ang mga investors na iyon! Lalo na si Alessandro...
Napapikit siya at inuntog ang ulo sa manibela. Is he paying her? For the sex they had in his office?
Humigpit ang hawak niya sa manibela. She didn't ask for this. But she's feeling guilty. She feels like a paid whore.
Napapitlag siya nang tumunog ang cellphone niya. It's her mother.
"M-Mommy..."
"Anak, totoo ba? Investors are coming to the company?" her mother happily asked.
She started the car's engine. "Yes, Mommy..." Tumikhim siya at tumuwid ng upo. "Don't worry about it."
Pinakausapan niya ang lahat ng nakakaalam sa kompanya na huwag nang banggitin na ang mga kompanyang nag-invest ay may tatak ng YDS. Because for sure, her mom will go hysterical.
Sinabi niya rin kay Mr. Guadalupe na hindi niya muna tatanggapin ang investment na pinapasok mismo ni Sandro. She wanted to clarify it first with... him. Kaya nangako si Mr. Guadalupe na walang pagsasabihan. Ngunit malisyoso ang tingin nito sa kanya. He knew that Alessandro was her ex-boyfriend.
"I always knew that you will be able to fix the problem with the company, Patricia. Wala pang isang linggo at ayos na!"
She can't be totally happy. Mas kinakabahan siya sa nangyari. Hindi niya alam. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero iba si Sandro...
"Pupunta ka ba dito sa ospital? Your father wants to see you. Gusto niyang ikaw mismo ang magkuwento sa kanya ng matagumpay mong plano."
Napalunok siya. Nanikip ang dibdib. How can she tell lies infront of her sick father?
Pero nagawa niya pagdating niya doon. Kung anong sinabi niya sa board ay ganoon din ang sinabi niya sa amang tuwang-tuwa sa dala niyang balita.
The next morning, Patricia became busy although it was a Sunday. Pumasok pa rin siya ng opisina at inasikaso ang kontrata ng mga bagong investments. She had a long meeting with senior directors, corporate lawyers, and company representatives of the new investors.
Habang masayang-masaya ang iba ay nalilito pa rin siya. She wanted to face Alessandro but her heart can't afford to see him now.
"Do you still... love me?"
"I don't."
Maalala lang ang sinagot nito ay parang pinapatay na ulit ang puso niya. She deliberately admitted to him that she still loves him. Ngunit kabaliktaran naman ito.
Ano pa bang mas sasakit na galing mismo sa taong mahal mo na wala na itong nararamdaman para sa'yo?
Pagkatapos ng lahat ng trabaho at meeting ay dumaan pa siya ng ospital. Pagkuwa'y umuwi na pagkatapos ng apat na oras doon. She's drained but there's another work tomorrow.
"Pat, what happened?" Nicola called her the next day. "Lumagpas na ang Saturday pero hindi mo naman tinawagan si Kuya Storge!"
Napapikit siya. Right! Iyon ang nakalimutan gawin over the weekend. "I'm sorry... inasikaso ko ang kompanya. Maraming nangyari na hindi ko inaasahan." Napahilot siya sa sentido.
"At hindi ka rin matawagan ni Kuya! Pati ang messages niya ay hindi mo daw sinasagot."
Bigla siyang napahalungkat ng bag niya. May isa pa siyang cellphone at ang number na iyon yata ang naibigay niya noon kay Storge.
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...