Chapter 11:
Crazy girl
IT WAS an awkward morning for Patricia's family.Tahimik niyang sinubo ang wheat bread. Bahagya siyang nag-angat ng tingin sa mga magulang. Her mother's unbelievably quiet and almost not touching her food. While her dad's reading the newspaper, not drinking his coffee.
Kapag hindi nag-uusap ang mga magulang ay iisa lang ang ibig sabihin niyon. Obviously, it's about last night.
It was still vague for Patricia ngunit dahil sa malakas na bulungan, nakabuo siya ng kutob na may dating relasyon ang mommy niya at si Heraldo Octavio.
She sighed. She never knew about that. For twenty-three years! Walang nakukuwento sa kanya ang Mommy niya na ganoon. They are so close, at ang alam lang niyang kuwento ay ang Daddy niya ang naging tanging boyfriend ng Mommy niya.
"I need to go," her Dad said in a cold voice. Nilapag nito ang diyaryo at tumayo. Inayos nito ang necktie at saka umalis ng hapag.
"Alonzo..." habol dito ng Mommy niya.
Hindi lumingon ang Daddy niya at tuloy-tuloy lang na lumabas ng dining room.
Lihim na napalabi si Patricia. Noong mas bata pa siya ay ganoon ang sitwasyon kapag may tampuhan ang mga magulang.
"Mom..."
Her mother sighed heavily. Her beautiful eyes look so tired. "Yes, Patricia Aurora?" Even her voice was weak.
"I'm going home late tonight." She's not asking permission but softly telling her mom that she's going home late and nothing can stop that.
Tinitigan siya nito nang matagal. "Anak, hindi pa ba malinaw sa'yo ang babala ko na layuan mo si Alessandro?"
"Mom, Alessandro is not a bad guy. He's been a constant gentleman to me," mahinahong sabi niya. Alam niyang dapat ay hindi siya sumasabay dahil mukhang may problema ang mommy niya but... "Don't be biased please."
Kumunot ang noo nito. "Ano bang hindi mo maintindihan? Hindi pa ba sapat sa'yo na makitang may kasama siyang isang Octavio kagabi? Dati ang Ninang Ysabella mo lang ang makakalaban mo pero pati ba ang pakikipagkaibigan mo sa mga Sta. De Leones ay babahiran mo?"
Nakuyom niya ang mga kamay. "So why didn't you just told me from the start that ampon siya ng mga Octavio kaya ayaw mo? Puro si Ninang Ysabella ang rason mo...at ang pagiging anak sa labas ni Sandro." Iyon pala ay may iba pang rason kung bakit sagad ang pagtutol ng ina.
It's not about Sandro and the bad rumors. It's not just about him being an illegitimate child....
"At anong gusto mong palabasin?" Biglang tumaas at tumapang ang boses nito.
Walang takot na sinalubong niya ang mga mata ng ina. "Hindi mo dapat dinadamay ang judgment mo kay Sandro dahil sa nakaraan mo, Mommy."
Napakurap ito at tila tinakasan ng mga salita. Bahagyang umawang pa ang mapula nitong mga labi.
"I've heard about it. Kayo ni Heraldo Octavio. I don't know the details and I don't want to know." Dahil parang may kakaiba sa nakaraan na kapag nalaman niya ay masasaktan siya para sa Daddy niya. She doesn't want that. She loves her dad as much as her mom.
Napailing ang kanyang ina. Ibinaba nito ang hawak na kubyertos at saka mataman siyang tinignan. "You're not for Alessandro, hija," she said in a low but dangerous voice.
Pinigilan niya ang sarili na sumagot. Sino ito para sabihin kung kanino siya nababagay? "Excuse me," paalam niya na lang. Ayaw niyang magtalo lang sila ng ina katulad noon.
BINABASA MO ANG
Deliverance (DS #1)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Noah Alessandro Delos Santos is the most evil man alive--shrewd, greedy, ambitious, and dangerous. He'll get anything and everything he wants in the most wicked way he...