CHAPTER 3
Siguro nga, gawa-gawa lang ng aking imahinasyon ang aking nakita. Gusto ko mang sabihin kina Aya, Pepper at Jackie ang tungkol dito, alam kong tatawanan lang nila ko at magkikibit balikat lang sila. Nag-eecho na sa aking isipan ang mga sasabihin nila. Halimbawa nalang si Jackie.
"Humanap ka na kasi ng lovelife mo, Keira kesa sumasawsaw ka sa lovelife ko."
Ganun si Jackie. Pakiramdam niya, lahat naiinggit sa kanya.
Simula nung araw na nakilala ni Jackie si Jinn, ang lalaking walang mukha ay hindi na siya masyadong nakikisama samin. Lagi niyang kasama si Jinn. Wala namang problema dito dahil hinahatid naman siya at sinusundo nito. Si Aya lang ang nabubwisit sapagkat siya ang palaging nagigising upang pagbuksan ng pinto si Jackie.
Ngayong gabi ay silang dalawa lamang ni Pepper ang matitira sa boarding house. Nag-away pa ang dalawa dahil sa pagtatakip ni Pepper kay Jackie nang tumawag ang mommy nito.
Ako naman ay nagpaalam sakanilang matutulog sa sementeryo. Kabilugan ng buwan ngayon ngunit kamalas-malasang hiniram ni Jackie ang digicam ko. Sa haunted hotel ko nalang napagdesisyunang pumunta. Hindi ko na binago pa ang paalam ko sa kanila. Bitbit ang aking backpack ay umalis na 'ko. Mga dalawang oras ang biyahe papunta sa bayan, idagdag pa ang kalahating kilometrong lalakarin upang makarating sa hotel.
-----
Nagmamadali akong pumasok sa abandonadong hotel. Agad na sumalubong sakin si Apple. Patay na si Apple. Namatay ito matapos gahasain ng step father at pagkaraa'y patayin sa mismong abandonadong hotel na ito. Mabait si Apple. Hindi siya nananakot at nananakit ng iba. Siya pa nga ang una kong naging kaibigan dito.
Wala pa kami sa aming pupuntahan nang may marinig akong ugong ng sasakyan. Dahil wala namang masyadong pumupunta dito, nagpasama ako pabalik kay Apple upang tignan kung sino ang dumating. Tumambad sa aking paningin ang pamilyar na kotse ni Jinn. Ilang beses ko na bang nakita ang kotse niyang iyon? Dahil sa maliwanag ang buwan at sa mumunting ilaw na nanggaling sa sasakyan, kaagad kong nakita ang pamilyar na mukha ni Jackie. Anung ginagawa nila dito?
Nakakahiya man ay nagpatulong ako kay Apple upang makahanap ng ibang daan upang makalapit sa kotse. Medyo malayo ang tinahak namin ni Apple pero sigurado akong hindi ako makikita ng dalawa.
Sumilip ako sa bintana ng kotse, sa bandang gilid ni Jackie. Nakaharap si Jinn dito. At maya-maya'y nagbago nanaman ang anyo nito. Tumingin ako sa aking relo. Alas-tres ng madaling araw. Kabilugan pa ng buwan.
Tumitig akong mabuti. Wala nanamang mukha si Jinn. Naaagnas ang mukha nito, may lumalabas na nana at uod sa mga sugat nito sa mukha. Para bang nakatingin ako sa isang malaking pigsa na nanganak ng madami. Umikot nanaman ang ulo ni Jinn, pagkaara'y hinalikan si Jackie.
Diring-diri ako sa eksenang nakita ko. Maya-maya'y humangin ng malakas. Pinasok ng alikabok ang mga mata ko. Kinusot ko ito. MALI. Dahil tumunog ang mga burloloy ng pulseras na suot ko.
"Sino yan?" narinig ko ang pamilyar na boses ni Jinn. Kinabahan ako. Mabilis akong nag-isip kung anung gagawin ko.
"Umphhh.." may tumakip sa bibig ko, pagkaraa'y kinaladkad ako papunta sa malapit na gubat.
Nang makalayo na ay tsaka lamang ako binitawan ng taong nagtakip sa bibig ko.
"G-Gabriel??"buong pagtatakang tanong ko.
"Ssh. Wag kang maingay.."
"Umalis ka dito! Lumayo ka sakin! Wag kang dumikit sakin! Ayoko sa magaganda!bulong ko.
"Kapag hindi ka tumigil, mahuhuli tayo ni Jinn."
"May tao ba dyan?" narinig namin ang tunog ng mga naaapakang tuyong dahon. Palapit yata si Jinn sa amin!
"Higa!"mariing sabi ni Gabriel.
"B-bakit?"
Hindi na siya sumagot, bagkus ay tinulak ako para humiga tsaka walang pakundangang pumatong sakin.
"Jinn! Halika na!"tawag ni Jackie mula sa malayong distansya.
"Teka!"
DUGDUG. narinig kong tumibok ang puso ko. Malakas. Mabilis. Parang gustong kumawala.
"Sabi ko na nga ba. Wala kayong madudulot na maganda. Porke mga magagandang nilalang kayo simula pinanganak kayo.
"Anu bang tingin mo sa sarili mo, pangit?"bulong ni Gabriel na nakapatong padin ng bahagya sakin.
"Pangeeet?"-_______-