Chapter 12
GABRIEL
Napatingin ako kay Keira, patuloy parin ito sa pag-iyak. Papanong hindi kilala ni Pepper si Jinn? Ganun din kaya si Aya? Pero palaging umaalis si Jackie kasama si Jinn! Isa pa'y kaklase namin ito. Papanong hindi nila ito nakikilala?
Tumayo si Jackie nang makarinig ang busina mula sa labas.
"Andyan na pala yung taxi eh. Tulungan niyo nga muna ko."
Tinulungan namin si Jackie na buhatin at ilipat sa taxi ang mga kahong naglalaman ng mga kagamitan ni Aya. Nang makaalis ito'y kaagad kong binalingan si Pepper.
"Hindi mo ba talaga kilala si Jinn?" tanong ko.
"Sinong Jinn ba yung sinasabi niyo?" tanong nito sa amin. Halatang naghihintay ito ng kasagutan.
"Si Jinn. Yung kaklase nating parating kasama ni Jackie. Kasabay ko siyang pumasok nung pasukan."
Umupo si Pepper sa kanyang kama. Inalalayan ko si Keira para makaupo ito ng maayos sa dating higaan ni Aya.
"Teka nga. Kayong dalawa ha, hindi to magandang biro. Kakamatay lang ni Aya para simulan niyo kong takutin."
"Hindi ka namin tinatakot, Pepp. Kay Jackie mo na mismo narinig."
"D-Diba nagkaroon si Jackie ng kasintahang Jinn ang pangalan noon?" tanong ni Keira dito. Mabagal itong napatango.
"Teka, teka. So sinasabi niyong yung Jinn na sinasabi ni Jackie ay hindi namin nakikita ni Aya?"
"Papano ngang hindi mo makikita eh kaklase natin yun? Katabi pa ni Jackie si Jinn sa upuan."
Napanganga si Pepper.
"Pero.. Ikaw lang ang new student sa klase namin Gab. Tsaka.. Bakante yung upuan sa tabi ni Jackie.."
"Siya yung kasama ni Jackie pag lumalabas siya tuwing gabi. Yung sumusundo sa kanya nakakotse."
"Wala namang sumusundo sa kanyang nakakotse ah?"
Nagkatingin kami ni Keira nang mga sandaling iyon.
"Nakakatakot na kayo ah. Sino ba kasi yun?"
"Si Jinn nga."
"Jinn ano?"
"Jinno Czamir Rivera.."
Saglit na natahimik si Pepper.
"Jinno? Eh.. Ang alam ko, matagal nang patay si Jinno.. Nung second year pa tayo.. Sumali yata si Drag Racing.. Sumemplang yung kotse niya at sa sobrang lala, hindi na siya halos makilala... Buti nga nakuha pa yung katawan niya mula dun sa kotse niya eh.. Papanung magiging siya yun? Teka.. I-describe niyo nga siya sakin..
Halatang kinakabahan na din si Pepper.
Tumingin ako kay Keira, marahan itong tumango.
"Matangkad. Medyo may kahabaan yung buhok. Maputi. Chinito. Medyo matangkad."
"Teka-" Tumayo si Pepper, binuksan nito ang cabinet ni Jackie. Parang may hinahanap. Maya-maya'y kinuha nito ang pitaka ni Jackie at kinuha ang laman niyon.
"Eto bang sinasabi niyo?" tanong nito, binigay ang larawan ni Jinn.
Nagkatingin kami ni Keira. Eto nga. Si Jinn nga ang nasa larawan!
Bakit nandito pa si Jinn? May kailangan pa ba siya kay Jackie? Bakit hindi matahimik ang kaluluwa niya?
