CHAPTER 18
Nang dumating si Gabriel ay pinagusapan agad nila ni Pepper ang tungkol kay Frances Reyes. Ayoko na sanang pag-usapan pa iyon lalo na't nasa harap kami ng grasya, ng pagkain. Ngunit hindi pa rin nagpaawat ang dalawa.
"Papano mo naman nasabing si Jinn nga iyon?" tanong ni Gab dito. Tumingin ako kay Pepper. Hinihintay ko ang magiging sagot nito.
"Wala naman. Naging rumored girlfriend kasi ni Jinn si Frances dati eh! Chaaar!" Tumawa ito. Ayan ang napapala ni Pepper kakapanood ng telebisyon. Tch.
"Hindi nga?" tanong ni Gabriel. Hindi rin niya siguro malaman kung seryoso si Pepper o hindi.
"Oo nga. Ganito kasi yun eh. Teka-" dumukwang si Pepper upang kumuha ng manok. "Si Jinn kasi, mayaman ang parents nun. Doktor pareho pero nasa ibang bansa. So palibhasa wala siyang kasama sa kanila, palagi siyang nandito noon nung sila pa ni Jackie. Sky is the limit ang pera niyan. Spoiled brat kasi. Ang hilig pa niya, Drag Racing. Mninsan sinama niya kami ni Jackie dun. Dun ko nga nakilala si Josh ko e!" humagikgik ito at bahagyang kinilig.
"Tapos nung bandang kalagitnaan ng first year, nag-break sila ni Jackie. Wala namang sinabi si Jackie pero alam kong dahil yun sa third party. May pinag-aawayan kasi silang babae sa phone palagi e."
Tuon na tuon ang atensyon ni Gabriel kay Pepper. Ako nama'y patuloy sa pagkain. Pareho kasi kaming walang alam. Second year kasi ako nang lumipat ako ng school kasabay ni Aya. Si Pepperat Jackie talaga ang unang mga nag-board dito.
"Tapos, dun lumabas yung chismis na may relasyon si Frances at Jinn. Na pinagsabay ni Jinn si Jackie at Frances." Huminto ito para lumagok ng tubig. "Hindi naman nilinaw ni Jackie yung mga kumalat na chismis. Ang alam ko, narinig ni Katarina si Frances at Jinn na nag-uusap tungkol sa isyung nagbunga nga ang ginawa nila, pero hindi niya yung pwedeng isulat diba? Makakasuhan siya. Isa pa'y hindi rin naman umamin yung dalawa. Maski si Jackie, never nagsalita. Pakiramdam ko, nanliliit siya kay Frances kasi natalo siya ni Frances noon sa pagiging presidente ng Student Council. Nung medyo nawala yung mga chismis, dun namin nalamang nagpakamatay pala si Frances."
"Pero nagpa-abort nga ba si Frances?" tanong ni Gabriel kay Pepper.
"Sabi ni Katarina. Chismosa kasi yun kaya nga member ng schoolpaper yun e! Syempre nung namatay si Frances, mga magulang niya nalang talaga yung nakaalam kung nagpaabort nga talaga siya."
"Hindi niyo man lang ba naisip tanungin si Jinn?"
"Naisip ko. Naka-schedule na nga rin siya for interview kay Katarina two weeks after mamatay ni Frances e! Kaso namatay din siya e."
Nagkatinginan kami ni Gabriel.
"Namatay din siya?" tanong ko kay Pepper. Binalingan ako nito.
"Oo. Nawalan daw ng premo yung kotse niya kaya nahulog dun sa malapit sa bangin. Buti nga di pa dumiretso mismo sa bangin e! Kundi, hindi na siguro nakuha yung katawan niya. Diba-"
Napahinto sa pagsasalita si Pepper. Nagriring kasi ang cellphone ko. Oo, kahit weirdo ako ay may cellphone naman ako.
"Hello?"
"Keira? Ikaw ba yan, Apo?" narinig ko ang pamilyar na boses ng lola ko.
"Opo 'La. Napatawag po kayo?"
"Makikipagkita ko sayo bukas, Keira. Mga alas-siyete sa Plaza Leticia. Saglit lang tayo. Pumunta ka. Magsama ka ng kaibigan mo ha at may sasabihin ako sayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/1205384-288-k945866.jpg)