CHAPTER 17
Inilahad ko sa naguguluhang si Gabriel ang lahat ng aking mga nakita mula nang dumalaw ako sa puntod ni Aya hanggang sa pag-uwi ko sa boarding house. Kitang-kita ang pandidiri nito ng sabihin kong umiiyak ng dugo ang babae at nagluluwa ito ng sanggol. Nanlaki ang mga mata nito ng sabihin kong nakasakay ang babae sakanya kahapon lamang. Tinapat ko din siya na siya ang iniisip kong ama ng batang iniluluwa ng babae.
Mariin namang itinanggi ni Gabriel ang aking spekulasyon. Kinuha nito ang pahayagan, binasa ng maigi tsaka ako binalingan.
"Anong binabalak mo?" tanong nito.
"Ano ba sa palagay mo?" balik na tanong ko kay Gabriel.
"Gusto mong hanapin si Katarina, ano?" mababakas ang kasiguraduhan sa mukha nito.
*****
"Katarina Perez? Ah.. Yung dating writer dito! Kakagraduate lang niya nung nakaraang taon." pahayag ng guro kay Gabriel.
"Ganun po ba? Eh pwede po bang makuha kahit telepono o address po? Importante po kasi."
"Naku iho, kailangan may permiso ka mula sa magulang ni Katarina bago namin ibigay sayo ang gusto mo.. Confidential kasi yun.."
Tumango si Gabriel. Ngumiti at magalang na nagpasalamat sa guro. Nang makalabas kami sa silid ay agad akong binalingan nito. Hinawakan nito ang braso ko.
"Bakit ba?!" angil ko dito.
"Wag kang gagawa ng kahit anong estupido, Keira. Tutulungan kita."
"Anu bang sinasabi mo?" binawi ko ang braso ko. Iniwasan ko ang mga titig niya. Ang mga titig na yun na nakakatunaw ng puso ko.
Bawal. Yun ang palaging sinasabi ni Gabriel kaya nabubuhay din ako sa bawal. Sa bawal na pagmamahal ko sakanya. Lahat ng masarap, bawal. Tama nga ang kasabihang iyon. :|
"Kilala kita." mariing pahayag nito.
"Pakialaman mo buhay mo, Gabriel. Huwag ang buhay ko!" inirapan ko ito.
"Bakit ba galit na galit ka sakin, Keira?" mahinahong tanong nito.
"Wala ka ng pakialam!" sinigawan ko ito. Naglakad ako palayo.
"Dahil ba mahal mo? HA? Mahal mo ba ko, Keira?"
*****
"Gabrieel! OMG! Panalo Lakers! Champioonnnn! What the fudge! HAHAHAHA. Andoks na yaaan!" bungad ni Pepper nang pumasok kami sa loob ng boarding house. Tumatalon-talon pa ito.
Nagpustahan kasi silang dalawa sa magiging resulta ng NBA 2010. At ngayon nga'y panalo si Pepper kaya naman sagot ni Gabriel ang kahit anong gusto niyang kainin sa hapunan. Ngumiti si Gabriel. Ibinaba nito ang bag at nagbihis. Walang imik na nagbigay ako ng pera- yung parte ko sa pambili ng hapunan. Naiinis padin ako sakanya.
Bakit ba bawal siyang mahalin? Wala naman siyang kasintahan? O baka meron? gatong ng isip ko.
Ngumuso ako. Nakakainis talaga. Ilang beses ko nang pilit hinahanapan ng sagot ang tanong na iyon. BAKIT BA KASI BAWAL? BAKIT? BAKIT? BAKIT? BAKIT?
"Si Jackie?" tanong ko kay Pepper nang marinig kong umalis na si Gabriel.
"Hayun. Nasa imaginary boyfriend niya." natatawang sabi nito.
Inilipat na nito ang channel. Mukhang libang na libang ito sa mga koreanong pinapanood nito. Napatitig ako sa telebisyon.
"Kilala mo si Frances Reyes?" wala sa loob na tanong ko. Okupado na kasi ang isip ko. Problemado na kay Jinn, kay Frances at idagdag niyo pa si Gabriel.
"Oo naman. Bakit?"
Inilahad ko lahat kay Pepper. Ganoon din sa kwento ko kay Gabriel. Nakakunot ang noo nito at titig na titig sa akin. Mukhang interesado ito. Bakas din naman iyon sa mukha nito.
"Baka nga kay Gabriel. Di kaya? Nakasakay kamo sa likod niya e."
"Sabi niya hindi naman daw sakanya eh."
"Naniwala ka naman agad? Kaya baka nagpapakita si Frances sayo ay dahil inaangkin mo si Gabriel tuwing gabi." humagikgik ito.
"Pepper!" pinandilatan ko ito. Puro talaga ito kalokohan.
"Possible naman yun a!"
Inirapan ko ito.
"Baka naman isa sa mga naging kasintahan mo dati?"
Bumilog ang mga mata nito.
"Hala! Isa lang naman naging boyfriend ko! Tsaka hindi naman halang ang bituka ni Josh noh! Baka isa sa mga boyfriend ni Jackie!" pabirong sabi nito.
Natahimik kami pareho. Nagkatinginan. Halatang pareho ng iniisip.
"Teka- hindi kaya.. Si Jinn?"