Memories

613 22 12
                                        

CHAPTER 24

"Wala na si Jinn. Kahapon lamang ay natugis na siya at pinabalik na sa impyerno kung saan siya nababagay."

Nanatili akong tahimik. Dapat ay maging masaya na ako dahil natapos na ang aking misyon. At dahil dun ay magiging ganap na akong anghel. Magkakaroon na ng pakpak at magsusuot na ng kulay puting damit. Matagal ko itong hinintay ngunit bakit hindi ako masaya?

"Hindi ka ba natutuwa at tapos na ang misyon mo?"

"Hindi ko kayang iwanan si Keira nang mag-isa." malungkot kong tugon.

"Ganyan talaga sa una. Matagal kasi kayong nagkasama. Siya rin ang una mong alaga."

"Mahal ko siya."

"Hindi ko sinasabing masama ang magmahal. Ngunit eto ka na. Matagal ka nang namaalam sa mundo ng mga tao."

"Ngunit-"

"Alam mo ang batas, Gabriel. Hindi ka na makababalik pa rito sa sandaling piliin mong makasama ang babaeng iyon. Alam mo ang maaari niyang sapitin. Tandaan mo, mawawala lahat ng alaala mo sa isip niya. Lahat-lahat."

Tumalikod na ako bago pa man bumagsak ang mga luhang kanina pa nagbabanta. Hindi ko alam kung bakit parang hinihiwa ang dibdib ko. Magiging tao ako pero walang kahit na anong maaalala si Keira tungkol sakin. Makakalimutan niya ako sakaling piliin ko siya.

----------

Kinabukasan ay nagpasya akong dalawin si Keira kahit hindi pa man ako ganap na nakakapagdesisyon. Inilabas ko siya at pinagpasyahang dalhin sa isa sa mga lugar na dapat niyang malaman.

"G-Gabriel?" mahinang tanong nito.

"Uhm?"

"Ano nang nangyari kay Jinn? Nasaan na siya?"

Hinawakan ko ang isang kamay ni Keira nang makita ko ang pag-aalala sa mukha nito.

"Wala na siya. Maayos na ang lahat." tugon ko rito. Ngumiti ito. Umiwas ako ng tingin. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking dibdib.

"Pero bakit tayo nandito? Sino bang pupuntahan natin?"

Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung ito na nga ba ang tamang gawin pero gusto kong malaman na niya ang lahat bago pa humantong sa puntong hindi ko na siya kaya pang pakawalan. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa lugar kung saan titigil na ang lahat. Ang lahat-lahat.

"A-anung.. Bakit.. Bakit nakaukit ang pangalan mo sa.. Sa lapidang iyan, Gabriel?" Bakas ang magkahalong pagkalito at takot sa mukha nito.

"Keira.." malungkot na tugon ko rito. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito. "Isang taon na.. simula nang.. simula nang mawala ako sa mundo.. At noon nga'y kasing-edad mo rin ako.. Isang taon matapos ang aking pagkamatay ay naatasan akong maging bantay mo.. alagaan ka at protektahan sa anumang panganib.. Kapag nagawa ko iyon ay magiging anghel na ako.."

Katahimikan. Matagal ding hindi kumibo si Keira. Waring nag-iisip.

"At nagawa mo.." bulong nito.

Napayuko ako. Hindi ko na kayang magtagal pa kasama niya. Ang sakit-sakit na. Niyakap ko ito.

"Mahal na mahal kita. Mali mang sabihin. Mali mang gawin. Mali mang maramdaman. Hindi ko mapigil kahit maling-mali." hagulgol ni Keira. Sa mga oras na kasama ko siya, ngayon ko lang siya narinig na humagulgol ng ganun.

"Gabriel.. Wag mo kong iwan.. Mahal kita! Mahal kita, Gabriel! Buong buhay ko hindi ako naging makasarili! Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang, kahit sayo lang maging makasarili naman ako?!! Gabriel..

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at saka hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Siguro, sa tamang panahon, hindi na mali ang magmahal tayo. Siguro, sa susunod wala nang hadlang para makasama kita. At siguro, sa susunod, lahat ng mali, magiging tama."

Yumakap ito sa akin. Mahigpit. Humahagulgol. Keira.. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.

"Gabriel! Parang awa mo na! Wag mo naman akong ganituhin.. Gabriel hindi ko kaya.. Makinig ka naman!! Mahal kita! Mahal kita! Naririnig mo ba?!! HA!?

Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa itaas.

"Pasensya na po.. Pero mahal ko si Keira. At kahit ilang beses akong sumuway, makasama lang siya, hindi ko pagsisisihan ang hindi pagkakaroon ng pakpak.."

Lumiwanag ang buong paligid. Nakakasilaw na liwanag. Ngunit sandali lamang. Naramdaman kong kumalas si Keira mula sa pagkakayakap sakin. Hindi kaya, nawala na ang ala-ala niya?

"Keira?"

Nakatitig lamang ito sa akin. Parang wala sa katinuan. Parang hindi ako nakikilala. Matagal na katahimikan. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak sa harap niya. Wala na siyang natatandaan. Hindi na niya ko kilala.

"Sabihin mo, mahal mo din ba ako, Gabriel?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Angel six feet  underTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon