CHAPTER 11
GABRIEL
"Diba ang sinabi ko sayo, alagaan mo lang siya?! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"
Napayuko nalang ako. Alam ko naman yun. Na tanging ang iniutos lamang ang dapat sundin. Sa una palang, alam kong hindi ko kakayanin ang trabahong 'to. Mahina kasi ang loob ko sa mga Hello's at Goodbye's. Alam ko namang bawal ang ginawa ko pero kahit ako, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa tuwing kasama ko siya.
"Ayusin mong trabaho mo, Gabriel. Ang trabaho ay trabaho."
-----
Dalawang araw binurol si Aya. Closed coffin ceremony ang ginawa dahil sa hindi magandang sinapit ng mukha niya. Akala ng madami, nabaliw si Aya. Nabaliw sa sobrang katalinuhan. Wala na rin kaming ginawa upang itama ang mga spekulasyon ng tao. Sinong maniniwala sa kababalaghan? Na hindi talaga nabaliw si Aya? Na hindi niya kinitil ang sarili niyang buhay?
Hindi na pinatagal pa ang burol. Nang dumating ang nakatatandang kapatid ni Aya galing sa ibang bansa ay napagpasyahan nang ilibing ito, at sa pagkakataong iyo'y ilang beses nawalan ng malay si Keira. Si Pepper naman ay halos tumalon na sa bumababang kabaong ni Aya.
Matapos ang libing ay bumalik kaming lahat sa boarding house upang magpahinga at ayusin ang mga gamit ni Aya. Masyado kaming naging abala sa burol kaya hindi na namin nagawang ayusin pa ang mga gamit niya. Si Pepper ang nag-aayos ng mga libro. Si Jackie sa damit. Kami ni Keira ang nagsasalansan ng mga ito sa kahon. Tahimik na gumagawa ang lahat. Pinilit man ni Jackie na humingi ng tawad si Pepper sa mga ginawa at sinabi nito kay Keira ay halatang masama padin ang loob nito.
"Guys, tingnan niyo to! Nakapangalan satin." tanong ni Jackie. Hawak nito ang isang tape recorder. May masking tape na nakabalot dito. Nakasulat ang pangalan nila Pepper, Jackie at Keira dito.
>TAPE RECORDER<
"Pepper.." napahagulgol agad ng iyak si Pepper nang muling marinig ang boses ni Aya. "..Jackie... Keira.. Sigurado 'kong wala na ko pag nakita niyo to... Pepper, salamat sa lahat.. Alam mo namang ikaw lang ang nakakapag-tiyaga sa pagiging mainipin at masungit ko.. Naalala mo ba nung nag-away tayo dahil hindi mo ginawa yung assignment mo? mahinhing tumawa si Aya. "Sana hindi ka magbago.. Saglit na tumahimik ang tape recorder. Tanging ang mga hagulgol lamang ni Pepper ang maririnig.
"Jackie.. Alam kong palagi tayo nag-aaway pero alam kong ikaw na ang tumayong ate namin dito.. Alagaan mo sila Pepper at Keira.. Tulad ng pag-aalaga mo sakin..
"Keira... Sorry, sorry.. sa hindi ko pakikinig sayo... Sana nga.." humikbi si Aya. "Sana nga.. nakinig nalang ako sayo... Sana... Sana.. humingi nalang ako ng tawad.. Sana.. Sana nakinig ako sayo, Keira.. Edi sana.. sana.. kasama ko pa kayo.. Bahagyang napasinok si Aya. "Kaso.. Huli na.. Ayaw na niya kong tigilan.. Gusto niyang.. Gusto niyang... Kunin ang mukha ko.. Sabi niya.. Hindi niya ko titigilan.. Sa pagkakataong iyo'y naiyak na si Keira.
"Sorry... Keira.."
"B-bakit A..Ya.. A-ko ang dapat.. humingi ng.. sorry..
"Gabriel.. Alagaan mong mabuti si Keira.. Baby namin yan..
>END OF TAPE<
"Aw Aya. Bakit wala si Jinn?"
"S-Sinong Jinn?" tanong ni Pepper.
![](https://img.wattpad.com/cover/1205384-288-k945866.jpg)