Rescue

243 2 0
                                    

CHAPTER 21

Halos maghahating gabi na nang dumating ang ate ni Pepper, kasama ang asawa nito. Humagulgol ito ng iyak at pilit na ginigising ang matigas nang bangkay ni Pepper. Kinalma ito ng asawa ngunit hindi ito nagtagumpay. Patuloy parin ito sa paghagulgol.

"Kailangan na natin siyang patahimikan, Nadia. Wala na ang kapatid mo at ang magagawa na lamang natin ay ayusin ang kanyang mga labi."

Natahimik si Ate Nadia. Siguro'y naisip niyang wala na ding magagawa ang pagiyak at pagtangis niya roon. Sandali itong umupo. Ibinilin sa amin ng asawa nito na bantayan muna namin ito habang bumibili siya ng tubig sa labas.

"A-Ano bang nangyari sakanya?" tanong nito sa amin.

Nagkatinginan kami ni Gabriel nang mga sandaling iyon. Maniniwala ba si Ate Nadia kapag sinabi namin ang mga nangyayaring kababalaghan sa aming lahat? Na nagsimula iyon mula ng naglaro sila ng Spirit of the Glass? Teka- Naalala ko ang gabing iyon! Sino nga ba ang naglaro? Si Aya. Si Jackie. At si Pepper.

Narinig kong nagpapaliwanag si Gabriel kay Ate Nadia ngunit hindi na ako nakinig. Naunang namatay si Aya. Ngayon si Pepper. Hindi kaya- lahat ng naglaro ng Spirit of the Glass noon ang siyang mamamatay? Ibig bang sabihin, hindi isa sa amin ni Jackie ang susunod kung hindi si Jackie na mismo?! Pero nasaan si Jackie?!

"Gabriel!"

Marahas na lumingon sa akin si Gabriel. Siguro'y dahil mukhang wala ako sa sarili ko. Pero, kung si Jackie ang susunod, may magagawa pa ba kami para pigilan ito? Meron pa ba?!

"Iho, mukhang pagod na ang kasama mo. Tutal nandito nanaman kami ni Nadia, pwede na muna kayong umuwi. Bumalik nalang kayo bukas. Kami na ang mag-aasikaso dito."

Tumango si Gabriel. Nagpaalam na rin ito. Nanatili naman akong walang kibo. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko huli na ang lahat! Bakit ngayon ko lang naisip iyon?! Bakit ngayon lang kung kailan huli na ang lahat?! Maaaring patay na din si Jackie ngayon pero ayokong isipin! Ayoko!

"Anong nangyari Keira?" tanong ni Gabriel.

"Gabriel! Alam ko na ngayon. Si Jackie ang susunod. Kailangan nating humanap ng masasakyan Gabriel! Si Jackie! Si Jackie talaga ang susunod!"

Nagmamadali kaming naglakad ni Gabriel palabas ng ospital. Mabuti't may tricycle na nagaabang sa may labasan. Sumakay agad kami.

"Ano bang sinasabi mo Keira?"

"Nung araw bago ka namin nakilala.. Nung mga hating gabi.. Naglaro sila Aya, Jackie at Pepper ng Spirit of the Glass.. Hindi ako.. Hindi ako sumali dahil.. Dahil umuulan noon, galing ako sa sementeryo at.. Basang basa ako.. Matapos nilang maglaro, saka nagsimulang magpakita si Jinn.. Ilang araw lang.. Namatay si Aya.. Ngayon si Pepper.. Gabriel, si Jackie na ang susunod.."

"Hussshh.. Wag kang mag-alala Keira.. Hahanapin na natin si Jackie.. Wag kang mag-alala.."

Nang huminto ang tricycle sa tapat ng aming boarding house ay nagmamadali akong tumakbo papasok ng gate ngunit hinila ako ni Gabriel. 

Tinakpan nito ang bibig ko.

"Huwag kang gagawa ng kahit anong ingay, naintindihan mo? Kahit ano. Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Parang may mali. Basta sumunod ka lang sakin."

Tumango ako.

Dahan dahan kaming naglakad ni Gabriel papasok sa bakuran ng aming boarding house. Madilim. Halos wala na akong makita. Tanging ang tibok ng puso ko nalang ang nararamdaman ko. Tanging ang paghinga na lamang ni Gabriel ang naririnig ko. Hindi ko na alam kung saan kami pupunta. Ang alam ko lang ay parang umakyat kami ng hagdan.

Maya maya'y may nakita akong maliit na liwanag. Lumalapit kami dito.

"Sa likod tayo dumaan. Basta huwag kang maingay. Huwag kang sisigaw kahit anong makita mo."

Lumapit kami sa liwanag. Bintana pala iyon. Bintana ng boarding house. At sa loob ay naroon si Jinn..

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita ngunit agad tinakpan ni Gabriel ang bibig ko.

My Angel six feet  underTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon