CHAPTER 13
Sabado.
Naisipan kong dalawin si Aya. Pinaalis kasi ako nila Jackie at Pepper dahil sa dumating na double-deck na mas malaki kaysa sa aming nakasanayan. Silang dalawa na lamang daw ang mag-aayos dun. Binigyan pa ko ng perang pampanood ng sine at pangkain. Nang wala akong nakitang magandang palabas sa sine, naisipan ko nalang na bumili ng bulaklak at dalawin si Aya.
"Kamusta Ayanami? Ako to." bati ko sa marmol na lapida ni Aya. Nilagay ko ang basket ng bulaklak sa ibabaw ng lapida niya.
"White tulips para sayo. Ang mahal kaya niyan. Napadaan ako sa mall kanina. Papano, sila Pepper pinalayas ako sa boarding house. May sorpresa daw sila sakin." saglit akong tumigil upang magsindi ng kandila.
"Pasensya na ah. Ang dami kasing ginagawa sa school eh. Yung baby thesis, hirap na hirap ako. Sana nandito ka, para tulungan ako. Siguro alam mo na din yung tungkol kay Jinn? Haaaay. Papano ko ba sasabihin kay Jackie?"
Umupo ako sa mga damong nakapaligid sa puntod ni Aya. Luminga-linga saglit, pagkaraa'y binalingan ulit ang lapida ni Aya.
"Pasensya ka na ah, wala kasi akong pera ngayon eh. Yan lang nabili ko. Binigyan lang ako nila Jackie at Pepper ng pera at ipinagtulakan palabas ng pintuan eh.."
Luminga-linga ulit ako at lumanghap ng sariwang hangin.
"Siguro hindi na nila ko kagagalitan kapag natulog ako sa sementeryo. Nandito ka naman na eh."
Mabuti pa si Aya, hindi ako pinagtatabuyan. Saglit akong nagmuni-muni. Dinama ko ang masarap na simoy ng hangin. Maya-maya'y may napansin akong kakaiba. May isang babaeng nakasuot ng itim na baro't saya. May malaking itim na rosaryong nakasuot dito. Naka-belo ito ng itim. May hawak din itong kandilang itim. Kinilabutan ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Nang buksan ko ang mga ito'y naroroon parin ang babae. Nakahinto. Napalunok ako. Maya-maya'y gumalaw ito. Parang naglalakad. Ngunit ng tignan ko ang mga paa nito'y nakalutang ito. Punong-puno ng putik.
"Akin siyaaaa."
Hindi ko alam kung saan galing boses. Parang sobrang lapit. Parang bumubulong sa tenga ko.
Maya-maya'y may malalamig na kung anung bumalot sa aking leeg. Nanigas ako. Dahan-dahan akong lumingon sa mga balikat ko.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. Ang babaeng naka-itim na baro ang siyang malamig na bagay. Nakayakap ito sa aking leeg. Umiiyak ito ng dugo. Maya-maya'y nagsalita ito.
"Akin siyaaa."
Parang galing sa ilalim ng lupa. Hindi ko mawari.
Nakatingin lang ako sakanya ng ibuka niya ang kanyang bibig. Lumabas ang maraming maraming dugo mula rito. Maya-maya'y may lumabas na parang laman. Nang makita ko'y parang maliit ng butete- SANGGOL! Yung mga sanggol na nakikita ko sa mga bote sa science laboratory. Yung mga sanggol na hindi pa gaanong nabubuo. Kinuha ito ng babae, tsaka pilit na ibinibigay sa akin.
Sino siya? Hindi ko maintindihan. Anong koneksyon ko sakanya?