Spirit of the Glass

648 12 0
                                    

CHAPTER 1

Nadatnan kong nakaupo sina Aya, Jackie at Pepper sa boarding house. Ala-una na nang umaga pero hindi pa rin natitinag ang mga ito sa paglalaro ng Spirit of the Glass.

Galing ako sa sementeryo non, pero umulan nang malakas kaya ako napauwi ng boarding house. Gawain kong matulog sa sementeryo. Sabi nga ng mga ka-boardmates ko, dapat daw, sa sementeryo nalang ako tumira. 0o na, weirdo na'ko. Matagal ko nang alam yan.

Brownout nang umagang iyon, kaya siguro naisipan nilang maglaro. Nagpalit na'ko ng damit at umakyat sa double deck. Dumapa ako, at pinanood sila pagkaraan.

"Oh Keira, andito ka na pala. Halika, sumali ka." aya ni Jackie.

Si Jackie, ang pasimuno sa lahat ng kalokohang nangyayari at mangyayari pa sa boarding house. Palibhasa maganda, iba ang karisma ni Jackie sa tao. Si Pepper naman, dahil nakipag-break na sa dating boyfriend ay nakikisali na din sa ibang trip ni Jackie. Si Aya naman ang pinaka-walang imik sa lahat. Siya yung tipong, walang pakialam. Pag ayaw, ayaw.

Gumagalaw ang baso. Hindi ko alam kung may nagpapagalaw non o talagang kusang gumagalaw. Panay ang tanong nila Pepper at Jackie. Kailan sila magkakaboyfriend, sino, anung itsura at kung anu-ano pang mga walang kwentang tanong na siya namang naging dahilan ng aking pagkaantok.

Nagising ako sa malakas na tunog ng kulog. Napabalikwas ako, tumingin-tingin sa paligid. Napansin kong wala nang mga nakasinding kandila. Tapos na siguro ang paglalaro nila. Nakatulog ulit ako pagkatapos non.

Maya-maya pa'y nagising ako nang maramdaman kong may pumatong na malamig sa ulo ko. Kinapa ko ito, inilawan ng cellphone at nakita ko ang mga mata ni Jack, isa sa mga kaibigan kong butiki. Inilagay ko si Jack sa aking tabi.

"Jack, matulog ka pa. Maaga pa." pagkasabi niyo'y bumaling ako sa aking tagiliran at doon ko nakita ang isang kakaibang nilalang.

Isang lalaking walang mukha. Blangko. Parang binura. Nakasuot ito ng barong na may bahid ng dugo, lupa, at gula-gulanit. May naistorbo ba'kong ibang nilalang sa sementeryo?

"Paumanhin po kung ako'y nakaistorbo.." usal ko.

Ngunit hindi umalis ang nasabing nilalang. Nakatayo parin siya sa kanyang pwesto, sa ulunan ng kama nila Jackie at Pepper. Hindi ko man masabing nakatingin siya sa'kin ay parang ganun na nga. Nakaharap ang blangko niyang mukha sa aking direksyon. Naramdaman kong tumalon si Jack sa aking ulo.

"Anong kailangan mo?" buong tapang kong tanong. Hindi ako takot. Mas tamang sabihing sanay na'kong makita sila. Sila na hindi nakikita ng iba.

Tinuro ng kakaibang nilalang ang kasalukuyang humihimbing na si Jackie gamit ang putol niyang hintuturo. Pagkaraa'y, nawala siyang parang bula.

Pinilit kong makatulog pagkatapos ng insidenteng iyon. Kahit anung pikit ang gawin ko'y, bukas padin ang third eye ko.

Hindi ko nagambala ang nasabing nilalang. Hindi siya galing sa sementeryo. Hindi ako ang hinahanap niya. Kundi si Jackie. Anung koneksyon ni Jackie sakanya?

My Angel six feet  underTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon