Ang kasintahan

256 5 0
                                    

CHAPTER 16

Wala akong ibang nagawang matino sa klase kung hindi ang isipin kung papaano ko ba aayusin ang sarili ko tuwing nariyan si Gabriel. Kung makikita niyo lang, daig ko pa ang batang dina-diarrhea sa itsura ko. Putlang putla at pinagpapawisan ng malapot kahit nakabukas na ang aircon, kahit nakatutok sa electric fan o kahit umuulan. Nawawala ako sa konsentrasyon at.. nakakahiya mang aminin ay pati sa sarili ko.

Sana lamunin nalang ako ng lupa. 

Sana may bumabang asteroid at tamaan ako. 

Sana masagasaan ako ng rumaragasang truck. 

Sana kidnapin nalang ako ng mga aliens at dalhin sa planeta nila.

Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses kong hiniling na sana mangyari ang kahit isa man lang sa mga iyan tuwing kasama ko siya. Kung laging ganito ang buhay ko, wala akong kahihinatnan. Sigurado.

Nayayamot kong sinipa ang nakakalat na piraso ng papel. Napabalikwas ako mula sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang malakas na tunog ng bell. Tanghali na. Wala man lang akong natutunan! Wala man lang akong nasulat!

Nakita ko mula sa sulok ng akhng mga mata ang nag-aayos ng gamit na si Gabriel. Tiningnan ko ito. Ngumiti ito sa akin. Bwisit! Ayokong nakikita yan!

"Halika na. Bilisan mo." sabi ko rito. Bago pa ito nakasagot ay tumalikod nako. Kaagad naman itong sumunod.

Dumiretso kami sa library kung saan hinanap ko agad ang lagayan ng yearbooks. Sana.. Sana makita ko siya sa dami nito. Sana swertehin ulit ako, kagaya ng kay Alyanna.

Hindi ko pa nahahawakan ang kahit na anong year book sa hilerang iyon nang may pumukaw sa aking paningin. Ito ay ang tabloid ng aming eskwela. Dito na rin pala tinatambak ang mga ito. Pamilyar na pamilyar ang itsura ng babae sa black and white na larawang nasa dyaryo. Hindi ko makakalimutan ang mahabang buhok ng iyon. Katabi ng larawang iyon ay ang mga katagang:

STUDENT HANGED ONESELF AFTER ABORTION 

Story by: Katarina Perez

Napatitig ako sa dyaryong nababalutan ng alikabok. Kinuha ko ito, pinagpag at saka binuklat. Narinig kong bumahing si Gabriel.

"Sorry.."

"Ok lang."

"Had a merry christmas but will never see another happy new year."

Nobody would be able to decipher the hidden meaning behind her suicide note but Frances Reyes herself. The sixteen year old senior student of Xavier Highschool was found dead yesterday, December 27,2008. She took her life by hanging herself up in her dormitory, still in that long black dress she wore during the Annual Christmas Costume parade held the night of December 26.

Some students claimed seeing Reyes not on her usual cheerful self days before she committed suicide. Rumors spread that she apparently took her life after he boyfriend forced her to get their one-month old baby aborted. Her closest friends and family had already cleared up the rumors, stating that Reyes have no boyfriend.

Natulala ako pagkabasa niyon. Ilang minuto din bago ako nakabawi.

Kung nagpakamatay si Frances Reyes dahil pinilit siya magpaabort, ang kailangan kong hanapin ngayon, ay ang kasintahan niya. Pero- SINO SIYA? SAAN KO SISIMULAN?

My Angel six feet  underTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon